CHAPTER THREE

1429 Words
Alas-kwatro na ako natapos sa ginagawa ko. Kailangan ko pang bumili ng gamit ko. Nagpaalam na ako kay maam tessa paglabas ko ng library ay nakita ko na naman syang nakasandal sa railing ng corridor habang nakatingin sa basketball court. Nagdiretso na lang ako ako at hindi ko sya pinansin. Sana hindi nya ako mahalata. Susko! Buong maghapon ako kinulit ng lalaking yan at sakit nya sa ulo. Bakit ba kasi ako pa ang nakakakita sa kanya? Ako tuloy ang kinukulit.   "Hey! Hintayin mo ako!" Narinig kong sigaw nya. Ah s**t! Tumakbo ako para hindi nya ako masundan. Kukulitin na naman nya ako panigurado. Ayoko pa naman sa lahat makukulit na tao. Binilisan ko ang takbo ko. Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung sinusundan nya ako at s**t hindi nya lang ako sinusundan hinahabol pa nya ako. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao pero wala akong pakialam.   Tinatakbuhan ko sya hindi dahil sa natatakot ako sa kanya kundi dahil nakukulitan ako sa kanya. He keeps on bugging me this entire freaking day. And it sucks! Pagkalabas ko ng gate pumara kagad ako ng jeep at sumakay. Nakahinga ko ng maluwag nang makita ko syang naiwan at napakamot na lang sa ulo nya tapos ay bigla syang nawala. As in he vanished into thin air like a freaking bubble. I sighed, thankfully that he's gone. Kumuha na ako ng barya sa bag ko at nakisuyo sa katabi ko na iabot ang bayad sa driver.   "Makisuyo po ng bayad." Sabi ko. Sa halip na kunin ay humarap ito sakin na ikinalaglag ng panga ko.   "Hello." Masayang sabi nya. "Grabe ka. Iniwan mo ako. Hindi mo manlang ako hinintay. Pinagod mo pa ako kakahabol sayo. Ay mali hindi nga pala ako napapagod."   Promise. Gusto kong tumalon ng jeep.   "Ito bilhin mo 'to. Magagamit mo yan sa isa mong subject. Promise!" Tinuro nya yung isang molder for cookies. Kahit gusto ko man syang takasan ay mukhang malabo ng mangyayari iyon kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang pagtiyagaan sya kahit na sobrang nakakapagtaka at nakikita at nakakausap ko sya.   Tiningnan ko yung presyo. 500?!! Ang mahal naman! Wala na akong pera. Isang malaking notebook, ballpen at konting pagkain lang naman ang bibilhin ko. Hindi ko na lang yun kinuha nagpatuloy na lang sa pamimili.   "Hey! I said you need to buy that. You'll need that tommorow." Tiningnan ko sya ng masama. Hindi ba nya masense na ayaw kong bilhin yun dahil mahal at isa pa pano naman nyang nalaman na kakailanganin ko yun bukas? Ano yun naging multo lang sya nakakapredict na sya ng mangyayari?   "Hey! Shasha!" Sinundot-sundot nya yung tagiliran ko. Argh! Ang kulit!   "Putik naman! Ang kulit mo ha!" Sigaw ko sa kanya. Crap. I forgot nasa public place nga pala kami. Argh! Nakatingin na tuloy yung mga tao samin. I mean SAKIN lang pala.   "Ako ba ang kausap mo Miss?" sabi nung lalaking sa palagay ko ay kasing edad ko lang.   "Ay sorry hindi. Yung...yung eto kasi oh kanina pa ko pa kasi inaayos at kanina nalalaglag. Ang kulit kulit. Hehehehe." maniwala ka kuya wag ka ng magatnong pa.    "Hahaha. Yun lang ba? Akin na.  Ako na ang magaayos para sayo." wow. Ang gentleman naman ni kuya. Nagpasalamat na ako sa kanya at tsaka ako umalis. Buti na lang mabait yun. Nung makalayo na kami ay nagsalita na naman si Carl. Argh.  Hindi ba talaga sya titigil?    "Bakit ba ayaw mong maniwala sakin? Kailangan mo nga yun bukas." Nilabas ko yung cp ko at kunwari ay may kausap ako.   "Pwede ba tigilan mo ako. At isa pa pano mo naman nalamang kakailanganin ko yun bukas? Manghuhula ka ba?"   "No. Silly. Narinig ko kasi si Maam Perez kanina na bukas daw ay magbabake kayo ng cake. Surprise quiz daw."   "Maam Perez? Pano mo nalamang sya ang prof ko?" He just shrugged and put his hands in his pockets.   "'Been my prof last year." He coolly said. I forgot he was studying in MU too. And yeah, culinary arts too. I sighed. Wala na akong nagawa kundi balikan yung sinasabi nya at bilhin to buti na lang ay walana dun yung lalaking mabait. Mukha namang natuwa sya dahil pinaniwalaan ko yung sinabi nya.   "Kapag to hindi naman pala gagamitin bukas. Humanda ka sakin. Tatawag ako ng pari para paalisin ka." Pananakot ko sa kanya. Syempre nasa tenga ko pa rin yung cellphone. Susko. Ayoko pang mapunta sa mental hospital.   "Promise! Gagamitin nyo talaga yan. And no need to call the priest. They don't work on me." He smugly said.   "At pano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya. Nagpunta na ako sa counter para magbayad. Gusto ko ng makauwi dahil sobrang napagod ako ngayong araw.   "I'm not a bad ghost." I looked at him. As if saying 'Weh? Di nga?'. Kaya lang nakalimutan ko na multo nga pala to at hindi nakikita ng ibang tao. In the end akala tuloy ni kuyang bagger eh sa kanya ako nakatingin magkatabi lang kasi sila ni Carl. Ayan tuloy kinindatan ako. Baka mamaya isipin nun may gusto ako sa kanya.   "May itatanong sana ako? Kung pwede lang." Sabi ko. Medyo madilim na rin naman at wala na masyadong tao kaya siguro naman safe na kausapin sya. Kanina ko pa kasi hawak ang phone ko, nangangawit na kaya ako.   "Shoot."   "Bakit ka namatay?" Seryosong tanong ko sa kanya.    "Akala ko ba sinabi na sayo ni Lola Lucy kung bakit ako namatay."   "Oo nga. Ang sabi nya binugbog ka daw? Totoo ba?"   "Yes. Pauwi na kasi ako nung gabing yun. Galing ako sa bahay ni Carla. Sobrang badtrip ako nung gabing yun dahil nalaman kong may boyfriend na pala sya. Pinaasa nya lang ako. Habang naglalakad ako pauwi may nakasalubong akong tatlong lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa mid-20's sila. Mga lasing. Nabunggo ako nung isang lalaki. Hindi ko na lang pinansin pero ang gago sakin pa nagalit," paused for a second trying to keep calm. Maybe asking him why he died is kinda too much. Now I kinda feel guilty about it. But nonetheless, he continued. "Kesyo daw hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko ganito, ganyan. Sa sobrang inis ko ay nasuntok ko sya. Tapos yun. Nagkagulo na kami. Nakisali yung dalawa. Ano naman ang laban ko sa mas matanda sakin and to think na tatlo sila, at isa lang ako. So ayun, binugbog nila ako ng binugbog." Habang nagkukwento sya ay diretso lang ang tingin nya sa daan. Nawala ang aura nyang makulit at masayahin.   "Balit ka nandito? I mean, bakit hindi ka nandoon kung nasan ang pamilya mo."   "Nung nagising ako ay nasa apartment na ako. Akala ko ng ay buhay ako nun at panaginip lang ang nangyari pero hindi. Sinubukan ko nun kausapin si Lola Lucy pero parang wala syang naririnig at parang hindi nya ako nakikita. Then, reality hits me," he chuckled but the humor wasn't there. "I'm dead. And I'm just an ordinary ghost that nobody can see. Napagdesisyunan ko nun na pumunta sa bahay namin. Kaya lang huli na ako. May nakasabit sa tapat ng bahay namin na 'For Sale'. Sinubukan kong makakuha ng impormasyon sa caretaker nung bahay namin. Paminsan-minsan ay napapag-usapan nila ako at ang pamilya ko. Nalaman ko na nag-migrate pala ang pamilya ko sa states. Sobrang lungkot ang nararamdaman ko nun. Wala na akong nagawa kundi bumalik na lang sa apartment. Sobrang bored na bored ako sa loob ng isang taon. Dahil wala kong makausap. Sobrang nakakapanibago. Then, not until you came." He suddenly looked into my eyes. Napaiwas kagad ako ng tingin. Err, awkward.   "Nung araw na sinitsitan kita. Sinubukan ko lang kung maririnig mo ako at nagulat talaga ako. You heard me. Kaya lang umalis ka din kagad. Tapos nung gabing matutulog ka na hindi ko inaasahan na mararamdaman mo ang prisensya ko. Inakala mo pa nga na bakiw ako diba at magnanakaw. Hindi mo alam kung anong pakiramdam ko nung gabing yun. Sobrang saya ko. Pakiramdam ko kasi ay buhay ulit ako. Na isa lang ulit akong normal na tao. Hindi multo. Kaya sobra saya ko talaga nung nakilala kita. Kaya sana wag mo na akong iiwasan. Nakakatakot kasi mag-isa. Yung walang kausap. Walang kakwentuhan." I know that feeling so damn well. Ang hirap kaya mag-isa. Yung wala kang kausap. Sometimes you get used to being alone but sometimes you don't. There's this empty feeling inside of you, wanting to be filled with someone. Just one person will do. "So, sana maging kaibigan kita. Friends?" Inilahad nya yung kamay nya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng sobrang lungkot para sa kanya.   "Jeez. Don't give me that kind of look." Natawa nalang ako sa sinabi nya at hinwakan ko ang kamay nya.   "Osige na. Friends na tayo."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD