Chapter 1 Revealing

1970 Words
Tumatakbo ako ngayon sa hallway dahil late na ako. May long quiz pa naman kami ngayon kay Ms. Valdez at kapag late ka sa klase niya ay hindi ka na niya papapasukin. Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo hanggang sa matanaw ko na ang room namin. Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pintuan at naagaw ko lahat ang kanilang atensyon. Nakakahiya pero wala namang bago dahil palagi naman akong late sa klase. Napaayos ako nang tayo ng tawagin ni Ms. Valdez ang buong pangalan ko. "Ms. Amara Isabelle Darya, late ka na naman sa klase ko. Wala na bang araw na hindi ka late? Ito ang una at huling beses na papapasukin kita. You may now sit down and prepare a ballpen," masungit na sabi niya. Mabuti na lang at hindi mainit ang ulo niya ngayon at good mood siya. "Thank you, ma'am, for your consideration," I said. Umupo na ako sa aking upuan at nahagip ng aking dalawang mata si Reveka at Eleanor na parehong nakataas ang kilay. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil alam ko na ang kanilang sasabihin. "Okay, class, I will give you one hour to answer the given questions." Kinuha ko na ang questionnaire na binigay niya sa amin at sinimulan ko ng basahin ang mga tanong. Ang dami naman nito. Kaya pala isang oras dahil one hundred items pala ang binigay niya. Malapit na akong matapos sa pagsagot nang sabihin ni Ms. Valdez na may limang minuto pa kami bago matapos ang oras kaya mabilis kong tinapos ang pagsagot. "Tapos na ang isang oras," sabi niya. Napahilot ako sa aking sentido dahil kulang ako sa tulog kagabi. Buong magdamag kasi akong nag-review dahil kapag siya ang nagpapa-quiz o exam ay mahirap talaga ang mga tanong niya. "Good job, everyone," usal ni Ms. Valdez bago siya umalis sa aming klase. Good thing vacant time ang kasunod sa klase niya kaya may isang oras pa akong umidlip. Matutulog na sana ako subalit tinawag ako nila Eleanor at Reveka. "Belle, late ka na naman," nakasimangot na puna ni Reveka sa akin. "Hindi ka pa ba nasanay, Reveka? Palagi naman siyang late at parang nakalimutan mo naman ang motto niya," panggagatong ni Eleanor. Kahit kailan talaga napakabungangera nilang dalawa. I mentally rolled my eyes because they were getting on my nerves. "Please get out of my sight. I am sleepy at this moment." Imbis na umalis sila ay hinila nila ako patayo at kinaladkad palabas ng room. Nakakairita! Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil gutom daw silang dalawa at dinamay pa talaga nila ako. Isusubo ko na sana ang fries ng biglang umingay ang buong paligid. Kaya ayokong kumain dito dahil parang palengke kapag nakakakita ng gwapo ang mga kababaihan. Napatingin ako kay Reveka dahil tinapik niya ako at may binulong siya sa akin. "Belle, ang gwapo talaga ni Theodore." Napatingin ako sa harapan subalit hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo ang tinutukoy niya. "Eleanor, sikat talaga ang grupo ng pinsan mo." Kumikislap ang dalawang mata ni Reveka habang nakatingin sa grupo ng tatlong lalaki sa gilid namin. Basta talaga gwapo tutok na tutok si Reveka. At ngayon ko lang nalaman na may pinsan pala si Eleanor sa grupong iyon. "Yeah, they're famous because of their talents, looks, and charms. Kaya no wonder kung maraming babae ang nababaliw sa kanila." "Bakit ka nakatingin sa akin?" tanong ko kay Eleanor sabay taas ng kilay. "I just wonder kung ano ang tipo mo sa lalaki. Malay natin isa sa kanila ang magustuhan mo or magkagusto sa'yo." Imposible, ni hindi ko nga sila napapansin dito sa Xavier University. Sa tatlong taon ko dito ay ngayon ko lang sila nakita o baka naman nakasalubong ko na sila sa daan pero hindi ko lang sila napapansin. Masyado kasi akong focus sa pag-aaral ko dahil Dean's list ako from first year until now and I want to maintain it hanggang maka-graduate ako ng college. "Pero Belle, what if ligawan ka ni Theodore?" makahulugan na tanong ni Reveka habang siya ay nakatingin kay Eleanor. Napatingin naman ako bigla sa kaniya. Parang nag-uusap silang dalawa ni Eleanor gamit ang kanilang mga mata. Hindi ko sila maintindihan. Parang tinutulak nila akong pansinin ang Theodore na iyon. "Reveka, hindi ako interesado at mukhang playboy naman iyong Theodore n'yo kaya ekis na siya sa akin. Busy din ako sa pag-aaral at wala akong time na pumasok sa isang relasyon." "Ang seryoso mo talaga," sabay nilang sabi sa akin. Tinapos na namin ang aming kinakain at bago kami umalis sa cafeteria ay tumingin muna ako sa harapan. Saktong nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil baka naman ang nasa likod ko ang tinitignan niya. Papunta na kaming tatlo sa College of Business and Management building dahil may klase pa kami. Ang course naming tatlo ay Business Management Major in Marketing. Nang makarating kami sa room ay wala pang professor kaya dumuko muna ako sa desk ko at umidlip saglit. Naalimpungatan ako nang may tumapik sa akin. Pagtingin ko si Achilles lang pala. "Tapos na ang klase. Hindi na kita ginising kanina dahil ang himbing kasi ng tulog mo," sincere na sabi ni Achilles. Napanganga naman ako dahil pinansin niya ako. Hindi kasi siya nakikipag-usap kahit kanino maliban na lang kung sa kaibigan niya. Tahimik lang siya palagi at seryoso kaya nakakapanibago dahil siya ang unang nag-approach sa akin. Gwapong isnabero ang tawag sa kaniya dito sa school. Kaya nagtataka ako kung bakit kinausap niya ako at inabot niya sa akin ang notebook niya. "Nakasulat na lahat sa notebook ko ang lesson ni Sir Jimenez kanina." Bagot niyang nilahad ang notebook niya sa akin kaya bago pa man magbago ang isip niya ay kinuha ko na agad ito at nilagay na sa loob ng bag ko. "Salamat, Achilles," nahihiyang sabi ko sa kaniya. "Isauli mo na lang 'yan kapag tapos ka ng kopyahin lahat. Mauna na ako sa'yo." Tumayo na siya at lumabas na siya ng room namin. Akala ko ay masungit talaga ang lalaking iyon pero mukhang hindi naman. Tumingin ako sa paligid kung ako na lang ba ang naiwan dito sa loob ng room namin pero nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang aking mga kaklase. Pagkatapos kong tignan ang paligid ay agad kong inayos ang mga gamit ko. "Hoy, ano 'yon? Hindi ko alam na close na pala kayo ni Achilles," makahulugan na tukso ni Eleanor sa akin. "Ginising niya lang ako dahil tulog ako buong klase," paliwanag ko sa kanila dahil baka kung ano pa ang isipin nila. Knowing the two of them masyado silang ma-issue. "Tara na, uwi na tayo," sambit ko. Naglalakad kami ngayon palabas nang university ng saktong tumunog ang phone ni Reveka. "Oh my god! Look who's talking, finallow back ako ni Edward!" kinikilig niyang sigaw. Pinakita niya sa amin ang cellphone niya at totoo nga na finallow back siya ni Edward. Basta talaga landian nangunguna si Reveka sa aming tatlo. Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad pero siya ay busy pa rin sa kaniyang cellphone. Nakarating na kami sa parking lot at iisa lang kami ng bahay na tinutuluyan. Si Eleanor ang nagdala ng sasakyan kaya sa kaniya kami sumakay pauwi. Nang makarating kami sa condo, dumiretso agad ako sa aking silid. I open my solo account and upload my bikini picture. Nakasuot ako ng red two-piece swimsuit na exposed ang curvy body ko. Nakaluhod ako sa buhangin at nakapatong ang aking kamay sa ulo ko. Para akong model sa picture kong ito. And the photo was taken last month ng nag-family reunion kami sa Amanpulo Resort. Wala pang five minutes ay marami nang nag-like at comment sa picture ko. Nangunguna na doon sina Reveka at Eleanor. captivating moon: Pak na pak! Pang Victoria Secret ang pose ni Amara Isabelle Darya. Uwian na may nanalo na! shining bestower : Wow, bestfriend ko 'yan! Marami pa ang nag-comment at nila-like ko na lang ang mga ito. Habang tinitignan ko ang picture ko ay biglang may natanggap akong notification sa solo account ko. Tinignan ko kung ano ito at may nag-follow lang pala sa akin. Caspian Theodore has requested to follow you. I confirmed his request because my solo account is private. I clicked on his name to visit his profile. And to my surprise, it was Theodore, the one that Reveka and Eleanor were talking about a while ago in the cafeteria. Hindi ko alam kung bakit nag-follow siya sa akin. Hindi ko naman siya kilala. Siguro kilala niya ako dahil isa sa barkada niya ay pinsan ni Eleanor. Nag-follow back rin ako sa kaniya, baka kasi isipin niyang feeling famous ako. Tinignan ko ang mga post niya. Grabe, ang famous naman niya. Ang dami niyang followers at likers, iba talaga kapag gwapo. Mag a-out na sana ako ng biglang may natanggap ulit akong notification. Caspian Theodore: Too revealing! Nagulat ako dahil hindi ko akalain na mag-co-comment siya sa picture ko. Hindi ko naman siya close. Nag-comment ulit siya ng angry emoji at napataas ang kilay ko dahil sa pangalawa niyang comment. Hindi ko ito ni-replyan o ni-like man lang dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Hinayaan ko na lang ito at nag-out na sa solo app. Lumabas na ako sa aking silid at pumunta sa aming sala. Nadatnan ko ang aking dalawang kaibigan na nakatingin sa akin. "Uy, ano 'yon? Too revealing daw sabi ni Theodore. May angry emoji pang pahabol." Sinundot-sundot ni Reveka ang tagiliran ko habang siya ay kinikilig. Kinalabit naman ako ni Eleanor at biglang nagsalita. "Iba talaga ang kamandag ni Belle, isang Caspian Theodore Deluvin napapa-comment niya." Itong dalawang kaibigan ko kung ano-ano na lang ang iniisip nila. "Hindi ko alam kung bakit siya nag-comment sa post ko. Hindi ko nga siya kilala," biglang sabi ko na nakaagaw pansin sa kanila. "Belle, he is very popular at our university, even in other universities. They know him. Tapos ikaw hindi," hysterical na sabi ni Eleanor. "Saka taon-taon naman nanonood tayo ng basketball. Palagi nga siyang MVP tapos hindi mo pa rin siya kilala. Huwag mong sabihin na habang binabanggit namin ang pangalan niya kanina ay hindi mo pala alam kung sino ang tinutukoy namin?" Napatango ako sa tanong ni Eleanor at napatampal naman si Reveka sa kaniyang noo. Oo, nanonood ako ng basketball pero hindi ko napapansin si Theodore noon. Siguro wala lang talaga akong pakialam sa kanila. Ni hindi ko nga alam na MVP pala siya taon-taon sa university namin. Hindi ako tulad nila Reveka at Eleanor na laging nakamasid sa paligid at laging updated sa mga pangyayari. I always focus my attention on studying because I want to graduate with honors. My family keeps on pressuring me na dapat ganito, dapat ganiyan. That's why I always do my best to avoid disappointment. Hindi tulad ni Eleanor at Reveka na pwede nilang gawin ang lahat ng gusto nila. Ako kasi ang daming bawal kahit na twenty-one na ako ay kailangan ko pa rin magpaalam kung gagala ako. Kahit na wala ako sa poder ng mga magulang ko ay palagi pa rin nila akong mino-monitor. They are always calling me and asking where I am, who is with me, and what I am doing. But it's okay as long as my parents are happy. I am happy too. "Ang daming naiinggit sa'yo kasi naman napukaw mo ang atensyon ni Theodore." Tumili ng malakas si Reveka sabay hapak sa balikat ko. "Anong nakakainggit doon sa pag-comment niya sa picture ko?" "Belle naman, for the first time in the history ngayon lang nagkaroon ng interes si Theodore na mag-comment sa picture ng babae. Take note, sa'yo pa talaga niya naisipan na mag-comment," pahayag ni Eleanor. Hindi ko pinansin ang kanilang sinasabi at pumunta na ako sa kusina para magluto ng kakainin namin para sa hapunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD