Alexis’ Point of View Nakaupo lang ako sa sofa habang nakataas ang paa ko sa center table. Si Lawrence naman ay nakaupo sa high chair sa hindi kalayuan sa akin habang nakatutok ang buong atensyon sa kanyang laptop. Mukhang may pinapaasikasong trabaho sa kompanya nila ang kanyang ama. Nakatingin lang ako sa aking cellphone at dinadalaw ang aking social media accounts. Nang mapunta ako sa i********: ay halos mabitawan ko ang aking cellphone sa nakita kong post ng isang kakilala. Picture iyon ng kapatid ni Lucille. May hawak na maleta at mukhang nasa isang airport. ivanlj: Philippines. Iyon ang caption ng picture na ipinost ni Kuya Ivan sa kanyang ig. No way, sinasabi niyo ba sa aking nasa Pilipinas si Kuya Ivan? Alam kaya ito ni Lucille? Tumayo ako para kumuha ng tubig at halos yakapin

