KABANATA 13 new home

1747 Words
WARNING R18+: This content may have scenes triggered, strong words and brutal. Dahil sa gulat ni nanan sa lalaking sumigaw sa likuran niya at napahinto siya sa pag takbo. Tumaas ang kanyang balahibo sa boses nito't naging ibang tao kapag maraming kaharap ito. Agad kumilos ang mga kalalakihan, at ito'y ikinanganga niya ng harangin s'ya at napalibutan ng mga ito. Tila takot silang sumunod sa amo nila. "Tabi!!" Sigaw nito sa mga tauhan. Lumingon siya sa gawi ng lalaki at humawi ang nadaanan nito akala mo isang prinsipeng, matikas ang pangangatawan. Bumagay sa moreno nitong balat at sa kapal ng kilay, panga nitong bumagay mula sa hugis ng mukha sa haircut at ang pananamit nitong pang itaas nakatupi hanggang siko. Napadako s'ya sa labi nitong tama lamang pag kapula. Napalunok s'ya ng laway at pasimpleng kinagat ang ibabang labi n'ya habang pinapanuod ang bawat pag hakbang palapit sakanya na handang dakpin ang kanyang prinsesa sa pagtakas nito. Napakurap si nanan sa slowmotion nitong palapit sa kanya tila mundo nilang dalawa. Bigla siyang tumalikod dito. Dumako ang paningin sa mga lalaking may baril sa bewang nila. Nanlamig ang buong katawan niya sa nakita. Dito siya mas natakot. Anong mundong pinasukan niya? at bakit may mga armadong nakabantay sa mansyon na ito? isa na ako doon tila bihag nila? Mabilis niyang pinaypayan ang sarili upang pakalmahin at baka matuluyan s'yang mahimatay. Ngunit hindi niya napansin. Mabilis s'yang binuhat ng lalaki akala mo isang sakong bigas na walang pag iingat. Napasinghap s'ya ng malanghap ang pabango nito at pilit inaalalang ganitong pabango. Lumaki ang kanyang mata ng maalala ang eksenang iyon sa mall. Kaya nag pumiglas s'ya. "Hoy! Ibaba mo ako hay*p kang lalaki ka! hindi ako bigas na basta mo lang isaklay sa balikat mo!" Sigaw niya habang nag lalakad ito. Pinukpok niya ang likod nito na tila hindi ito nasasaktan kahit anong lakas n'ya. "Shut up! Or else i will cut your tounge my lady!." Pag babanta nito sakanya. Kaya ngumusong tumahimik s'ya baka totohanin nito. Ngunit magkaroon ito ng bride to be na walang dila? wait, what?! no! ako rin yata yon! Pinilig ang ulo sa gano'ng ideya at tumaas balahibo n'ya. "Boss!" Rinig niyang hinihingal ito 'di man lang sila tinapunan ng pansin. Kumunot noo siyang nakita ang dalawang lalaking puro pasa ang mukha nila. "Boss?" Pahabol nitong tawag sakanila. Nagtatakang tumingin ang mga ito sakanya at napataas siya ng kilay. Nakita ko ang dalawang matanda sa kabilang gilid. Makaawang tumingin siya dito upang humingi ng tulong. Kiniskis ko ang dalawang palad. "P-please po tulungan ninyo akong makaalis dito, natatakot po ako't hindi sanay sa ganitong lugar." Tuluyang lumandas ang mga luha sa aking pisngi. Malungkot na yumuko lang ang dalawang matanda sakanya. Dumako rin ang paningin n'ya sa dalawang lalaki na ngayon ay tatlo na sila't lumihis ang tingin nila. Upang hindi makita ang kaawa-awang hitsura niya na humihingi s'ya ng tulong. Laglag ang balikat niya at pinahid ang kanyang luha. Huminto sa pag lakad si sander at biglang humarap ito sa mga tauhan nila. "Makinig kayong lahat sa 'kin?!" "Simula sa araw na ito, pag bubutihin ninyo ang pag babantay sa buong mansyon! At walang pahintulot sa sinumang mag tangkang tumulong na patakasin ang babaeng ito ay aking paparusahan ng kamatayan!." Sabay napasinghap ang lahat sa gulat. Kahit si nanan nangatog ng tuluyan at umagos ang mga luha n'ya. Tila ito na ang katapusan sa tahimik niyang mundo at nawalan ng pag-asa pa. "Is that clear?!" Pag mamando nito ng ianunsyo sakanila. "Yess boss!" Yumuko ang mga ito saglit bilang patunay na tagasunod at pag galang dito sa amo nila. "And you lady, this is your new home! hindi ka pwedeng umalis ng mansyon ng walang pahintulot sa'kin simula ngayon!." Sambit nito sakanya at walang katapusan ang mahinang pag hikbi n'ya sa balikat nito. "Manang, padala nalang ng pag kain sa kwarto n'ya." Utos nito tansya niya mayordoma ito ng mansyon. "Sige iho." Mabilis na tinahak ang loob ng mansyon. Nakita n'yang paliit ng paliit ang mga tauhan nitong tahimik lang at takot mag kamali. Ilang minutong nakarating at bumalik ulit sa kwartong pinanggalingan n'ya. Pabalyang ibinagsak s'ya sa kama. Kaya medyo tumalbog ng kaunti at umayos s'ya ng upo kahit patuloy s'yang umiyak. "B-bakit mo ito ginagawa?! P-please huwag naman ganito? Kung ituring mo para akong bihag dito sa palasyo mo! pauwiin muna ako!." Sigaw niya dito at nanghihina. Ngunit ng mapagtanto niyang wala na palang tirahan sila ng tita lena n'ya. Napahilamos s'ya sa mukha at humagulhol siya. "Simula ngayon, responsibilidad na kita! iyon ang nakalagay sa kontratang iniwan ng magulang mo! Sa ayaw mo man, ako ang masusunod!." Sumbat nito sakanya. Tumayo siya at pinunas ang luha sa harap ng lalaki. "H-hindi!! may pamilya ako! Sila ang pamilya ko ngunit kinuha rin sa'kin!. S-sila!! sila ang pamilya ko wala ng iba, narinig mo?!." Sumbat n'ya rin dito at ngumisi lang ito sakanya. "Sa ngayon iyan ang paniwalaan mo!" Sabay talikod ni Sander. Pagkaalis nito ay isang malakas na tunog mula sa pinto ang nagpagulat kay Nanan at sa sobrang lakas parang namingi ang tenga niya. Maya-maya may kumatok sa pintuan at lumabas roon ang isang matanda at may dalang tray na alam niyang pagkain ito. Maingat na lumapit ang matanda. "Iha? kumain ka muna tiyak nagugutom kana ngayon." Usal nito. Habang inaayos ang pagkain sa maliit na mesa. Tumingin ang matanda dito at ngumiti lamang ito kay Nanan na may maingat na pagsusuri sa dalaga. "Ako nga pala si manang josie. Tawagin mo lamang ako sa ibig mong itawag sa akin." Ngumiti itong nilapitan si Nanan at hinaplos ang buhok ng dalaga. "Ako ang mayordoma ng pamilyang Abilla. Mula pag kadalaga dito narin ako nagtanda dahil wala narin akong pamilya kaya sa ngayon sila lamang ang pamilya ko. Habang patuloy nabubuhay ako't nanilbihan sa kanila kahit ayaw ni sir sander dahil tumatanda na raw ako." Tumatawang kwento ng Matanda kay Nanan. Tahimik naman siyang nakikinig habang sumisikdo parin ang dibdib n'ya dahil sa sama ng loob. "Huwag kang mag alala iha. Kilala ko ang pamilyang Abilla at lalong lalo na si sander dahil no'ng bata pa lamang ito ako na nag palaki sa dalawang magkapatid na iyon. Ngunit___" naputol ito sa paglahad at narinig niyang huminga muna ito ng malalim. "Ngunit ng nasa abroad ang magulang nila matapos ng ilang taon. Pinasunod sila sa ibang bansa sa france at doon manirahan. Matapos ang isang trahedya namatay rin ang magulang nila mula noon hindi na sila naka uwi ng pilipinas at naging busy sila at ngayon lamang sila umuwi." 'Anong pakialam ko sa demonyong lalaking yon! Anong akala niya sakin makukuha ng isang salita.' Ang lalaking 'yon akala mo bawat salita na lumalabas sa bibig nito ay kayang pasunurin ang tao. Sa isip-isip ni Nanan. Kahit malayo ang iniisip ni Nanan ay siya namang sunod-sunod na kwento sakanya ng Matanda. "Isang linggo lamang silang narito't ito na nga. Ibang sander na s'ya ngayon ang kilala at inalagaan ko noon." Tumingin siya dito. Tumingin rin ito sakanya at hinaplos ang pisngi n'ya. "Kasunod naman, ang muling makita kita ay ibang-iba kana rin. Dahil siguro sa trahedya at wala pa akong nalalaman na maayos na balita na ngyari sa pamilya ninyo at kina sir sander abilla. Alam kung sa tamang panahon mag sasalita ito sa 'kin. Kaya pa unti-unting kwentuhan kita para may nalalaman ka." Mukhang mabait naman ang matanda at magaan ang pakiramdam at feeling n'ya may karamay na siya't niyakap n'ya ito. 'Naku! pampalubag loob ko lang ito,' Napasinghap ang matanda sa kanyang pagtanggap dito. "Pero hindi po ako susuko at makakaya kung makatakas dito. Ayaw kung ikulong dito sa mansyon lalo't nag aaral po ako!." "Iha, ikakapahamak mo yan at huwag kang padalos-dalos mag desisyon. Kilala ko si sander at hindi mo pa ito lubusang kilala at tiyak mapaparusahan ka n'ya!." Pa alalang banta sakanya ni manang josie. "Okay lang po! haharapin ko ang lahat at hindi ko ito susukuan makatakas lang dito." Tugon niya dito. "Naku iha! Pero pag isipan mong mabuti." Naawang sambit nito. "Sige, hindi ako pwedeng magtagal pina utos lamang sa 'kin na hatiran ka ng makain dito. May aasikasuhin pa ako lalo't wala pa ang mga katulong rito nasa bakasyon." "Sige po." Tumangong umalis na ito. Humiga s'ya sa kama at inaalala niya ang mga kaibigan. Lalo't ngayong araw hindi s'ya makapasok at sigurado din s'yang alam na nila ngyari sa bahay n'ya at baka mag lupasay ang mga iyon sa pag iyak dahil sa pag alala sakanya. Bumuntong hininga siya habang naka titig sa taas ng kisame ng kwarto niya. Sa ngayon wala akong matitirhan at siguradong sa kangkungan siya pupulutin at gumagala na parang aso sa kalye. Ayaw narin niyang abalahin pa ang mga kaibigan at baka lalo lamang sila madadamay sa kalagayan ko ngayon. Lalong lalo na kay sander nakakatakot bawat salitang lumabas sa bibig nito ay gagawin talaga. Paano na ako ngayon? Hindi ako makokontak ni tita lena dahil ang phone ko nilamon narin ng apoy tulad ng tirahan namin. Kahit isang gamit walang naisalba. Ang pag asa ko na lang si tita. Paano? hindi ko nga memorize ang phone number niya. Saan naman ako bibili? kung wala naman akong pera? Napabangon s'ya at ng may maalala. "jusko po! ang pera na pinadala ni tita saakin wala narin pang tuition ko!" Nag simula nanaman siyang umiyak at walang katapusan. Pinaghirapan ni tita nawala ng isang iglap. Tuluyan naba talagang makukulong ako dito?! Walang pusong sander abilla na iyon! Himutok niya dito. Napaisip siya. "Sandali paano nga ba nasunog ang bahay namin? sinigurado ko naman na i check ang lahat bago ako matulog at paano?." Para siyang pinukpok ng martilyo kung ano ang iisipin sa nangyari. Tumayo siya at namumula sa inis at sinubukang buksan ang pintuan ng kwarto ngunit naka lock ito. Sa sobrang galit kumakatok siya sa pintuan. "Buksan ninyo ang pinto?! kapag hindi ninyo buksan mag wawala talaga ako dito!" Sigaw niya. "Kayo siguro ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay namin?! Para tuluyang makuha ninyo ako at dito tumira at ikulong?! Kayo baaaa?!!" Sa sobrang galit pinag dadampot ang mahawakan at hinagis sa pintuan ng kwarto. Nakita niya ang mga mamahaling base at binato ito. "Walang hiya ka! Pakawalan mo nalang ako sander na hambog ka!!! Dahil hindi rin ako papayag mag pakasal sa iyo. Hayop ka!!! Bakit may kailangan ka? Dahil ba sa yaman ng mga Cole huh?!!" Napalugmok siya sa sahig at wala yatang nakakarinig sakanyang hinaing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD