Matapos ang mga gawain n'ya bago matulog, lumapit s'ya sa bintana at sumilyap sa kalangitan.
parang napakalungkot ng paligid, malamig ang simoy ng hangin at maririnig ang mga tunog ng crickets tila sumasabay sa hampas ng hangin. Sa sobrang lalim ng iniisip di nya namalayan ang oras at kinailangan ng matulog.
Sa malalim na gabi, tila nanaginip si Nanan. Nakaramdam s'ya ng mainit at panginginig kasabay na pinagpawisan ang buong niyang katawan. Gising ang diwa nya ngunit naririnig lamang ang sigawan ng mga tao. Wala siyang malay sa oras na iyon at tuluyang nakalanghap ng usok. Napa ubo siya sa sobrang sakit ng maramdaman ang pagkirot sa balat niya na tuluyang nagpabalikwas ng bangon.
Napamulagat s'ya sa pag kabigla sa nakita na puno ng usok at apoy ang loob ng kwarto niya. Natataranta s'yang takip ang ilong.
"T-tulong! t-tulungan n'yo ako!" kinakabahan sa takot at nag madaling humanap ng damit para may ipang tabon sa ilong n'ya. Nanginginig ang kanyang tuhod sa takot.
"H-help m-me please! M-may tao po dito sa loob!." Garalgal na sigaw niya at narinig niya ang mga taong nag kagulo sa labas siguradong nag silikas din ito.
Nag babadyang lumuha ang kanyang mga mata. Ng may marinig siyang tinatawag pangalan n'ya.
"Nanan?! nanan nasa loob kaba?" Sigaw nito sa labas hindi niya matukoy sino ito.
"N-nandito a-ako!" tugon niya at ng kunin ang phone para tumawag at humingi ng tulong kasabay naman nawalan ng pag asang natupok na ng apoy ito sa mesa n'ya.
Napa upo siya at tuluyang pumatak ang mga luha niya. "T-tita l-lena w-wala na po t-tayong t-tirahan." Usal niya't pumiyok pa s'ya nakaramdam ng hirap huminga habang hawak ang leeg niya at natatakot siyang hindi makaligtas.
"P-please s-saklolo!" pilit niyang gumapang sa gilid ng kama patungo sa sulok para iwasan ang nagagalaiting apoy malapit sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto wala paring tulong na dumating para saklolohan siya dahil hirap na s'yang gumalaw at nanghihina't nauuhaw, na daig pa ng isang lantang gulay kapag natuyo't hindi nadiligan. I mean parang sa tao lang din yan kapag___ (Don't be green minded si author lang yan hahaha) nasa bingit ng kamatayan at hindi naagapan, pinilig n'ya ang ulo sa naisip heto't nalagay na s'ya sa kapahamakan kung ano-ano ang naisipan.
Masakit ang kanyang katawan sa hapdi dahil sa init ng apoy sa paligid n'ya. Pilit niyang umupo sa sulok at kinakapos sa pag hinga.
"P-please t-tulungan n'yo ako!" Halos wala ng boses na lumabas sa bibig n'ya at malapit na siyang mawalan ng ulirat unti-unting pumikit ang talukap ng mga mata n'ya.
May narinig siyang kaluskos at yabag ng tao binalewala niya ito baka guni-guni lamang dahil sa desperadang gusto n'yang makaligtas ng buhay. May naaanigan s'yang bulto ng tao sa harap n'ya.
"M-ma-awa po k-kayo t-tulungan n'yo ako." Tuluyan s'yang nawalan ng malay.
***flashback***
Dahil sa malas nasiraan sa gitnang kalsada si sander pauwi na ng mansyon at malalim na ang gabi.
Inip na inip siya sa paghihintay kay migs at dito na s'ya nag pasundo dahil gusto na niyang maka uwi agad at makapag pahinga. Kagagaling lamang n'ya sa business meeting, kauuwi lang n'ya sa mansyon kanina galing school and then may emergency siyang natanggap kaya ito kanina pa siyang pagod at sunod-sunod ang problemang sumalubong sa kanya at hindi na n'ya sinama si max at may pinagawa s'ya dito kanina even trio. Galit na galit siyang nag hihintay sa loob ng kotse dahil isa sakanila walang sumasagot sa tawag n'ya at namatay ang phone na hawak nito.
"Damn it!" Pag mumura at niluwagan ang necktie na suot niya.
Maya-maya may sasakyang parating at mabilis huminto sa gilid ng sasakyan n'ya. Kinakabahang na alarma s'ya at hinawakan niya ang baril sa loob ng coat. Kumalma s'ya ng mapag alamang si migs ito na lumabas sa kotse nito. Lumabas siya at lumipat sa sasakyan nito.
"Boss?" Tawag nito sakanya ng makapasok sa loob at napansin n'yang nag tataka ito.
"Let's go!" Pag mamadali niya kay migs.
"Teka boss, how about your car?." Singit nito at sumilip sa gawi ng kotse niya.
"Oh, that f*cking car bullshit!." Mura nito at ramdam na niya ang pagod.
"Tumawag ka ng mag susundo at maiwan ka nalang dito! at ako na mag drive pauwi!" Sagot n'ya dito.
"Wait lang boss?" Matalim siyang tumingin kay migs at kumamot sa batok.ito "Paano naman kung maiiwan ako di__?" Pinutol na niya ito at alam na n'ya ang sasabihin nito.
"God damn it! Fine, Leave it to me!." Nag mamadaling lumabas si migs ng umandar na ang sasakyan.
"I'll wait you in there and call them! Please lang bilisan kamo nila!." Bilin n'ya at malalim na bumuntong hininga.
"Sige boss." Tumango na lang s'ya at umalis.
Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan makalipas ng tatlongpung-minuto naunahan n'ya ang bumberong sasakyan napa kunot noo siya may kabang bumundol sa kanyang dibdib ng mapalapit na s'ya nakikitang makapal na usok at apoy at nag kagulo ang mga tao sa labas.
"s**t!s**t!" Usal niya napahigpit ang hawak sa manibela.
Gumilid ang mga taong nadaanan niya at mabilis itong pinarada.
Hinubad niya ang suot na coat, at mabilis lumabas ng kotse at tinakbo patungo sa nasusunog na bahay.
"Sir sandali lang po! Mapapahamak po kayo!." Pigil ng mga taong naka harang sa daanan niya ng tangkaing pumasok at hindi s'ya makapag pigil bulyawan ito.
"s**t! Are you out of your mind! May taong mamatay sa loob!." Pag singhal niya dito.
"Pero sir kayo rin mapapahamak." Binalewala niya ang paalala nito.
Nahirapan siyang pasukin dahil napapalibutan ng apoy at hindi na niya ito inalala at mas lalo siyang nag aalala sa taong nasa loob at nanganganib ang buhay nito ngayon. Mabilis s'yang gumawa ng paraan may nakitang kumalat na mga gamit at may timbang laman na hawak ang mga taong naroon na pinag tulungang sugpuin ang apoy.
Hinablot niya ang tuwalya sa lalaking nakatapis sa katawan nito't nakatanga lang din sa kanya at tuluyang nahubaran at napatulala lamang ito sa kanyang ginawa mabuti nalang naka boxer ito.
"I paid for this don't worry!" Sabi ni sander dito. Kinuha niya ang timbang may laman at binuhos sa buong katawan n'ya at binasa ang malaking tuwalya.
Sinuong niya ang apoy at tuluyang nakapasok sa loob ng bahay nahirapang siyang hanapin ito at tila may narinig siyang boses sa sulok at tinunton niya ito nagulat s'ya lagay nito at napatulala.
"M-ma-awa po k-kayo t-tulungan n'yo a-ako." Napakurap s'ya at tuluyang nawalan ng malay.
**end of flasback**
Mabilis n'ya itong dinaluhan agad binuhat palabas.
Narinig niya ang mga taong hiyawan at palakpakan. Pinasok niya ito sa loob ng kotse sa back seat at inalalayang maka higa ng maayos.
***
France mansyon ng cole,ang pasyente nilang naka higa ay tila nanaginip at pinag papawisan unti-unting gumalaw ang kamay nito at dinilat ang mga mata nito at napa balikwas ito sa pag bangon at hirap mag salita.
"G-gem-my!" Paos nitong sigaw at garalgal lumuluhang tumingin ito sa paligid.
Nagulat si jaime gael sa kanyang nasaksihan at napatulala dahil nagising na ito sa comatose sa mahabang taon. Nang maalarma ito agad dinaluhan ni jaime gael at emosyonal niya itong niyakap ng mahigpit. Siya ang taga pangalaga sa pasyente, kapatid n'ya si lady madelyn gael cole at nakapag asawa ng isang cole at ito ay si senior adam cole. Mahal niya ang yumaong kapatid sila ang nag paaral sa kanya at isang pamilya at lahat ng may karangyaang buhay ay siya ring nakamtan niya. Ngunit mas gusto niyang mag trabaho dito sa pamilya n'ya at dito s'ya nag tatrabaho bilang butler at kanang kamay ni senior adam cole no'ng panahon nabubuhay ito sa edad tatlongput-dalawa siya nag simulang mag trabaho. Simula pumanaw ang mag asawa eight years ago matinding pag subok ang naranasan niya at ngayon edad apat-na-pu hindi pa s'ya nakapag asawa dahil wala na s'yang oras baka maging matandang binata na lamang s'ya at mas mahalagang ituon sa pag alaga ng pamangkin niya at mga negosyo ng pamilya.
Natatarantang kumalas s'ya at naluluhang ngumiti siya dito. Ang kaharap niya ngayon ay tila nanibago at parang kinikilala siya sa pag istema nitong pag titig sa kanya. Siguro dahil tumatanda na s'ya at nginitian lamang n'ya ito.
"W-water" hingi nito sa kanya.
Agad s'yang kumuha at inasikaso niya ang pasyente upang suriin kahit isang doctor siya mas mainam may iba pa itong makasama habang wala s'ya. Dinaluhan nila ito at kasama ang isang doctor at nurse.
***
Agad nakarating si sander sa mansyon at pag baba niya agad binuhat n'ya ang babae.
"Max? Where the hell are you?!"
Sigaw niya at ibang tauhan ang dumalo sa kanya.
"Boss?" Ng lumapit ang mga ito.
Natatarantang humahangos si manang josie at ito ang sumagot sa kanya.
"Jusko ko mahabaging langit! Bakit ganyan ang hitsura mo?! At may kasama ka anong ngyari sayo?!." Turan nito na pag alala at dahil siguro sa hitsura n'ya ngayon marurumi at may sugat.
"Manang? Saan si max? Even trio?!" Pag iba niya at hindi muna sinagot ito dahil kinakabahan din s'ya alam kung may kakaibang ngyayari simula kanina at ramdam niya ito.
"Iho, iyon na nga inaalala ko, kanina pang hindi nakaka uwi. Kaya nga sinundan ni trio at kahit isa sakanila wala dito." Pag alalang sagot nito.
"Sige , manang pahanda nalang po ng kwarto n'ya." Utos n'ya at tumango ito't mabilis na tinungo ang second floor kasunod nito si manang josie.
Agad siyang pinag buksan ng pinto, at maingat n'ya itong nilapag sa kama.
"Manang ikaw nalang muna ang bahala linisan n'yo nalang at gamutin ang sugat n'ya." At agad sumunod ito sa kanya upang kumuha ng ipang linis.
"Sige sir." Tumango s'ya at pumasok sa loob ng kwarto n'ya at kumuha ng damit at bumalik dala n'ya ang bihisan nito't agad nilapag sa kama.
Nakita niyang lumabas si manang mula sa bath room at iniwan niya ang mga ito.
May naalala s'ya kaya agad lumabas para kunin ang phone sa kotse n'ya.