Maraming araw pa ang nagdaan sa pagtira namin ni Sanders dito sa Martenei U. Nakapag-adjust na ako ng tuluyan sa tulong niya at sa suporta din ng kaibigan niyang si Dr. Flame Alonzo at ang pamilya nito. Actually, kaclose ko na si Ate Makie. Minsan nga kapag abala si Sanders, pinupuntahan ko pa siya para alagaan ang mga anak nila ng doktor. Dalawang lalake at dalawang babae ang anak ng mag-asawa. Sina Mac-mac, Em-em, Jurace at Coco. Sino ang mag-aakala na sa kabila ng pagiging pareho naming lalake, nagkaroon kami ng maayos na relasyon? Kahit may mga pagbabago sa mga nauna kong nakasanayang pag-uugali ni Sanders magmula nung lumipat kami dito sa Martenei, naging matiwasay naman ang lahat. Actually, ikinuha pa niya ako ng tutor para mas madali kong maintindihan ang aking aralin sa kinukuha

