"He will be alright..." Narinig ko iyon nang magbalik ang kamalayan ko. Napasulyap ako sa may paanan ko kung saan nakatayo si Dad at ang doktor. Nakita ko ang nakatiim-bagang kong ama-amahan. Obvious ang galit na dumadaloy sa kanyang katawan habang nakatingin sa doktor. Naramdaman ko ang pagbuhos ng takot sa aking buong pagkatao. Alam kong ilang saglit mula ngayon ay kahaharapin ko ang galit niyang iyon. Gusto kong umiyak at humabol sa doktor nang makita ko siyang tumalikod at naglakad patungo sa pinto. Gusto ko siyang habulin at magmakaawang wag niya akong iwan kay dad ngunit wala pa akong lakas at alam kong wala rin akong takas sa galit ni dad. Nang muli ko siyang sulyapan ay nakatingin na pala siya sa akin. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maningkit ang mga mata niya a

