Pagkapasok palang pagkapasok pa lang ng bahay ay agad na siyang siniil ni Niccolo ng halik. Siya naman ay hindi na rin nakapagpilgil pa. Sinagot niya nang kasing init ang mga labi ng asawa. Iba pala ang pakiramdam kapag naranasan mo na ang tila ikasalan nang totoo. At iyon ang nangyari sa kanila ni Niccolo kanina. Pakiramdam niya ay mas naging buo ang kanilang relasyon na dalawa. “Abbey…” bulong ni Niccolo sa kanyang tenga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Napakasarap pakinggan. Para siyang nakikinig sa isang musika na alay lang sa kanya. “Niccolo…” sagot naman niya habang ang mga kamay ay nilalakbay ang katawan ng asawa. “I want you, Abbey…” Napalunok si Abbey sa narinig. It was the first time that someone told her that. Napakasarap sa tenga. Pakiramdam niya ay gustong-gusto siy

