Si Stefano Moretti. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalaking iyon ang nakita niya na sakay ng kotseng paalis matapos ang pag-atake sa kanila. At hindi pa talaga ito nagtago. Malakas ang loob na dumungaw sa bintana at ipakita ang mukha nito. Pero para saan? Para iparamdam sa kaniya na wala siyang kaya? Na madali nalang silang patumbahin? Nagkakamali siya. Hinding-hindi siya aatras. Hinding-hindi siya papatalo sa mga Moretii! Muling sinipat ni Abbey ang mga miyembro ng famiglia niya na nakaratay sa morgue ng ospital. Dalawa ang nalagas sa kanila ngayong araw. Isang lalaki na nasa edad singkwenta at isang binata na mukhang kakabente lang. Nilalaro na niya sa isip niya kung paano ipapaliwanag sa mga magulang, asawa at anak ng mga ito ang nangyari. At alam niyang isang salita lang ang maka

