Niccolo Moretti has gained the mafia world’s respect. Hindi lang dahil sa isa siyang Moretti kung hindi ay kilala siya bilang may paninindigan. May isang salita. May tapang na kinakatakutan ng ibang mga mafioso. Pero nasaan na ang Niccolo Moretti na iyon ngayon? Napabuntong hininga nalang si Niccolo habang ninanamnam ang pagkatalo. Hindi naman iyon contest pero ramdam niyang natalo siya ng sariling hiya. Naunahan siya ng hiya at kaba. Yes. Nakakahiya man aminin ay naduwag siya nang akmang lalapitan na si Abbey. Sa lahat ng mga taong nakasalubong niya ay kay Abbey lang siya nakaramdam nang ganito. Sa isang babaeng hindi naman talaga niya lubos na sigurado kung sino. “Oh, Niccolo. What is wrong with you?” Sa loob ng Bambino ay tumungga ng alak si Niccolo. May mga lalaking nakapalibo

