“I don’t know you, woman.” Hindi makapaniwala si Abbey sa naririnig. Hindi siya kilala ni Niccolo? Anong kalokohan iyon? Tinitigan niya si Niccolo sa mga mata pero hindi niya mahanap ang dating titig nito sa kanya. Iyong mga matang nakangiti kapag nakikita siya. Pero wala. Hindi niya makita iyon sa Niccolo na kaharap niya. Baka naman assuming siya masyado? Baka naman hindi ito masaya nang makita siya kaya nagkunwari na lang na di siya kilala? No. Hindi naman siguro gagawin ni Niccolo iyon? And for what? Para lang mawalan ito ng rason para kausapin siya. Ganoon ba ito kainis sa kanya? “Niccolo… si Abegail yan. Hindi mo ba nakikilala?” tanong ni Yaya Cora sa alaga. Pati mukha ni Yaya ay nag-aalala na rin. Muling tumitig sa kanya si Niccolo. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pero wa

