Si Don Antonio ang pinakahuling taong iniisip niyang dadalawin siya. Don Antonio Galvani has always been merciless. Ilang beses siya nitong hinampas ng tungkod dahil hindi niya nagawa nang tama ang inuutos. Pati nga sa sariling anak ay malupit ito. Hindi man niya gusto si Signor Lucas pero hindi naman ibig sabihin ay sumasang-ayon na siya sa ginawa nito. Ilang beses nitong pinagsalitaan ng masama ang anak. Isang bagay na napakalungkot. Kaya hindi niya alam kung ano pang kailangan ng taong ito rito. Eh hindi naman sila magkamag-anak. Nandoon lang siya sa mansyon ng mga Galvani dahil kay Mama Abegail. Ngayong wala na ito ay wala na rin siyang kaugnayan sa mga Galvani. “Nicco…” tawag sa kanya ng matanda. Inaamin niyang nakaramdam siya ng kaba nang binanggit nito ang pangalan niya. Sindak yat

