“Anthony is your son, Niccolo.” Bakas sa mukha ni Niccolo ang pagkagulat. Nakatitig ito sa kanya at pagkatapos ay sa bata naman. Naiintidihan niya ito. Wala itong memorya sa kanya maliban sa ideyang mag-asawa sila. He has no recollection whatsoever of how they made Anthony. At wala rin siyang binanggit tungkol sa bata kaya mas lalong naguguluhan ito. And it’s her fault. Hindi kasi niya nasabi agad. Inunahan kasi siya ng pagkabahala. At ngayon ay nababalutan ng kaba ang kanyang dibdib. Hindi kasi niya alam kung anong mangyayari ngayong nabuksan na ang sikreto niyang iyon. Akmang lalapit sa kanila si Niccolo nang bigla itong napahawak sa ulo. Nakakunot ang noo nito at bahagyang napapapikit ang mata. Agad siyang kinabahan sa nakikita kay Niccolo. Is he in pain? Agad niyang hiniga ang bat

