Lumabas si Gabrielle sa kwarto niya habang may kausap sa telepono. Tumingin siya sa akin at ibinaba na ito.
" Sapphira." Nagaalala niyang tanong.
" Bakit?" Sagot ko habang binibihisan si Samuel.
Tiniim niya ang kanyang mga labi at lumapit sa amin. " May emergency kasi sa bar, kailangan ako ngayon doon kaya.." Tumingin siya kay Samuel pagkatapos ay sa akin. Naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin at saka tumango.
Nahihiya na nga ako kay Gab dahil siya nalang lagi ang naiiwan para alagaan si Samuel ni minsan hindi siya nagreklamo sa akin.
" Okay lang Gab, ako na bahala sa kanya." Ngumiti ako at kumuha ng mga damit pang alis ni Samuel.
" Pasensya ka na ha, biglaan kasi. Hindi ko naman siya pwedeng isama doon." Ngumiti ako at tumango.
" Ano ba Gab, naiintindihan ko naman. Isasama ko siya sa trabaho ko siguro naman hindi ako papagalitan." Tumango siya at ngumiti.
" Sabay na kayo sa akin at ihahatid ko muna kayo bago ako pumunta sa bar." Tumango ako at nagayos na.
Dahil hanggang gabi ang duty ko ngayon ay nagdala ako ng extrang damit ni Samuel.
" Samuel anak. Be good okay? Kailangan kasi magtrabaho ni Nanay e." Sabi ko sa anak ko habang inaayusan ng damit, may maliit na backpack siyang suot sa likod nito.
" Opo Nay." Ngumiti ako at hinalikan ko siya sa pisngi.
Dumaretso ako sa office ni Ma'am Mich para ipagpaalam si Samuel.
" Wow ang cute naman ng batang ito." Salubong sa akin nina Kyla at Mona.
" Anak mo?" Tanong sa akin ni Mona. Tumango ako at ngumiti.
" Talaga? Hindi halatang may anak kana, ang sexy mo kaya." Natawa nalang ako at napailing.
" Ma'am Mich." Umupo ako sa tapat na table ni Ma'am Mich itinaas niya ang tingin niya sa akin at tumingin sa kasama ko. Ngumiti ito ng makita niya si Samuel.
" How lovely he is." Saad niya at hinawakan ang pisngi nito. " Your son?''
" Opo Ma'am, pasensya na po wala po kasi magaalaga sa kanya kaya isinama ko po. Ngayon lang naman po Ma'am."
Tumingin sa akin si Ma'am Mich tapos kay Samuel.
" What is your name?"
" Samuel Frial po." Natawa muli si Ma'am Mich.
" Its okay Sapphira. Mukhang tahimik naman ang anak mo. Saka ang cute niya. " Napangiwi ako dahil pinanggigilan niya si Samuel na nakatingin sa akin.
" Pasensya kana Sapphira ang cute niya kasi kamukha mo. No doubt maganda kasi ang ina." Ngumiti ako at hinawakan na si Samuel.
" Salamat po Ma'am. Mauuna napo ako." Tumango siya at umalis na ako.
Natapos ko ng linisin ang buong bodega at tulog na tulog si Samuel sa isang bahagi ng bodega ng puntahan ko ito.
Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. " Nay..." aniya nang maramdaman ang pagupo ko.
" Shhh matulog kapa anak." Umiling ito at kinusot ang kanyang mga mata.
Kinuha ko ang zesto at biscuit na nasa bag ko. Pinakain ko muna si Samuel bago kami tumuloy sa condo.
" Anak dito ka lang sa sala ha, wag kang maglalaro baka mapagalitan tayo." Tumango ito, dahil wala naman si Tross ay binuksan ko ang TV at hinayaan si Samuel na manood doon.
Panaka naka ay sinusulyapan ko ang anak ko habang ako ay naglilinis, baka kasi may ginagawa na itong iba, seryoso lang siyang nanonood habang kinakain ang mansanas na ibinigay ko sa kanya.
Tumuloy ako sa kusina para kunin ang ang basurahan. Napatayo ako ng mabuti ng marinig ang pagbukas ng pinto.
" You know him Kuya, he will do everything for this position." Napaawang ang labi ko ng marinig ang tinis ng boses ni Ms. Cassandra na papasok sa condo ni Tross.
" You're being overact Cassandra." Kumabog ang dibdib ko ng marinig muli ang boses niya.
" Hello po." Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na kasama ko nga pala si Samuel. Nagmadali ako lumabas ng kusina at napahinto ng makita ko ang mukha ni Ms. Cassandra na nakakunot ang noong nakatingin kay Samuel.
" Who is this kid?" Nagtatakang tanong niya kay Tross dahil hindi pa niya ako nakikita.
Bago pa magsalita si Tross ay lumapit na ako. " Pa-pasensya na ho Ms. Cassandra." Nakayuko akong lumapit sa kanila.
Sinulyapan ko si Tross na nakatingin sa akin. Nakaawang ang labi nito.
" A-anak ko po. "
Ngumisi si Ms. Cassandra at hinarap ako." Okay and so? Why is he here? This is not a playground!"
Tumingin ako kay Samuel na tahimik na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin.
" Sorry po Ms. Cassandra, wala kasi magaalaga sa kanya kaya sinama ko siya dito."
Hinilot nito ang sentido niya at tumingin sa akin. " It's not our fault. Then magresign ka kung wala kang magbabantay sa anak mo. " This time ay nakuha niya ang buong atensyon ko.
Nagbuntong hininga ako para mabawasan ang pagkainis ko. " Sapphira you should be more responsible. This is my condo." Narinig ko ang seryosong boses ni Tross na nakatingin sa akin.
" Pasensya na ho Sir. Sinabihan ko naman po ang anak ko bago kami pumunta dito."
Ms. Cassandra hissed. " Nasan ba ang Tatay niyang anak mo at bakit hindi siya ang magbantay?" Tinapunan ko ng masamang tingin si Ms. Cassandra kinagat ko ang labi ko dahil sa sobrang inis. Yes medyo na-offend ako sa tanong niya, but I care more para kay Samuel.
Nakita kong rumehistro ang galit sa mga mata ni Tross ng titigan ako.
Tumakbo ang anak ko sa harap ni Ms. Cassandra at naiiyak na.
" Samuel." Tawag ko sa anak ko.
" Sorry na ho, wag na ho kayong magalit sa nanay ko. Wala po kasi magbabantay sa akin kaya sinama niya ho ako. Promise po, good-boy po ako." Humikbi na si Samuel at alam kong iiyak na siya. " Na-nanamatay na po kasi ang Daddy ko kaya si Nanay po nagaalaga sa akin. Wag na po kayong magalit sa kanya." Nagpout pa ito sa harapan nila habang lumuluha.
Awang awa ako sa anak ko kaya dinaluhan ko ito. Lumuhod ako at kinuha siya at hinaplos ang kanyang mga luha. Sumisikip ang dibdib ko sa twing nakikita ko siyang umiiyak.
" No baby don't cry. Shhh its okay. Okay lang si Nanay okay?"
Tumingin ako kay Ms. Cassandra na nakatingin kay Samuel at nakaawang ang mga labi. Umiyak na si Samuel sa bisig ko.
Binuhat ko ito para magpaalam na sa kanila.
" Pasensya na ho Ms. Cassandra at Sir Tross." Nakatingin silang dalawa sa akin ng seryoso at hindi ko mabasa ang kanilang mga mata. Pamilyar ang mga mata nila sa akin parang nakita kona noon, pero hindi ko alam kung saan.
" Hindi na po mauulit. Mauuna na ho kami. " Tumingin ako kay Tross na nakatingin sa akin. Yumuko siya ng magkasalubong ang aming tingin.
Hinimas ko ang likod ni Samuel na umiiyak, ayaw na ayaw niya kasing nakikitang inaaway ako. Kapag kahit biro lang minsan ay pinagtatanggol niya ako.
Si Samuel ang binigay sa akin ng Dyos para makita kung gaano kaganda ang mundo, binigyan niya ako ng magtatanggol sa akin balang araw at kahit na gaano kahirap ang buhay pinaparamdam niya sa akin na mahal na mahal ako ng anak ko. Nasasaktan ako kapag umiiyak siya.
Inayos ko ang strap ng damit ko paglapag ko ng orders sa tapat ni Gino.
" 1 Martini and 2 Margarita." Sabi ko at umupo sa isang stall habang hinihintay ang order.
Nagpakitang gilas siya sa pagmimix ng mga alcohol sa akin. " Okay Ma'am here is your martini and margarita. " aniya at inabot sa akin ang mga ito.
Kinuha ko ang tray saka ngumiti sakanya. " Thank you. "
Hindi pa ako nakakaalis ng may magbuzz sa board. Nagkatinginan kami ni Gino at saka siya ngumiti.
" I will call another waitress for that." Umiling ako ng mabilis at ngumiti.
" Okay lang Gino. Dadaanan ko nalang pagserve ko nito." Sabi ko at umalis na.
Pagserve ko sa tatlong modelong babae ng inumin nila ay tumungo ako sa nagbuzz kanina. Nasa bandang dulo iyon ng parte ng bar kung saan medyo malayo sa crowd.
Hindi pa ako nakakalapit ay namukhaan ko na ang isang lalaking nakaupo magisa sa isang VIP seats. Nakawhite v-neck tshirt at maong pants lamang siya. Napangiti ako ng makita ang suot niya dahil mas bagay niya ito. Nakapatong ang mga siko niya sa kanyang tuhod at nakayuko.
Tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon. Tumingin siya sa akin at kumislap ang mga mata nito.
Inilibot ko ang mga mata ko sa tabi para siguraduhin na magisa lamang siya. Napatiim bagang ako ng maisip na baka nag cr lang ang kasama niyang babae.
" Mag-isa ka lang?" Wala sa sariling tanong ko, ang tanong na iyon ay nasa aking isipan lamang ngunit hindi ko alam kung bakit nasabi ko. Napangisi siya at nagsisi ako dahil tinanong ko pa iyon.
" Obvious ba?" Sarkastiko nitong saad.
Umirap ako at kinuha ang order list na papel at ballpen ko. " Anong order mo?" Ewan ko ba kung bakit hindi makuhang maging magalang sa kanya.
Tumingin siya sa akin ng seryoso at tumayo. Lumapit siya sa akin at napakunot ang noo ko ng papalapit na ito sa akin. Kumalabog ang puso sa sobrang bilis ng t***k nito.
" Wait lang Tross ano ba?" Humalakhak ito ng hampasin ko siya sa dibdib dahil papalapit na siya sa akin.
" You seems to love that name don't you? Calling me Tross makes you comfortable?" Tanong niya. Napakurap ako sa sinabi niya.
" Pangalan mo din iyon." Paglilinaw ko.
" Hindi ba sapat ang binabayaran ng kumpanya ko sa'yo para magtrabaho kapa dito?" Napaawang ang labi ko sa tanong niya seryoso ang kanyang matang nakatingin sa akin.
" Kulang pa." Ngumisi siya at binulsa ang kanyang dalawang kamay.
" Really Sapphira?" Sa tanong niya ay parang may mas malalim siyang gustong iparating sa akin. Nanliit ang mata kong tinignan siya.
Tumingin ako sa paligid bago ko siya muling titigan. " Bakit Tross? My problema ba tayo?''
Pumikit siya mg mariin at tinignan muli ang mga mata ko, may galit sa kanyang mata at pagkamuhi ng titigan niya ako. He licked his lower lip, I dont know but he seems frustrated.
" Ano bang order mo?" Naiinis kong tanong at ibinalik ang ayos ko kanina. Tumalikod siya sa akin at mukhang uupong muli. I heard him heaved a sighed.
" 1 bucket of beer." Aniya at tumingin muli sa akin.
Napaawang ang labi ko sa order niya masyado iyong marami para sa kanya lamang.
" Ang dami naman yata, ikaw lang magisa." Tumaas ang gilid ng labi niya.
" I can pay." Aniya at nagsindi ng marlboro lights. Hindi ko na siya pinansin at umalis na para kuhanin ang order niya.
Hindi pa ako nakakalayo ng may sumalubong sa aking isang lasing na lalaking matangkad na naka black polo.
" Hi Miss." Inaantok na ang mga mata nito dahil sa kalasingan. Biglang umiingay ang paligid dahil sa dj kaya mas lalong nagsigawan ang mga sumasayaw.
" Hello po." Sagot ko at akmang aalis na ng higitan niya ang braso ko.
Tinignan niya ang suot kong spaghetti strap na kulay pula at ngumisi ito.
" Mind to join me tonight."
Bumulong ito sa tenga ko para mas marinig ko dahil sa lakas ng tugtugin. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang pagsasalita.
" You're drunk Sir, maybe you can go home." Umiling siya ng mabilis at hinigit ang bewang ko.
" C'mon let's dance. " aniya na hinihigit ako sa gitna. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Umiling ako ng mabilis at hinawakan ang kamay niya sa bewang ko.
" Hindi po pwede Sir." Napakagat ako sa labi ko umaasang makakuha ng lakas upang makaalis sa kamay niya ngunit mas malakas siya kaysa sa akin.
Napahinto ang paghila nito sa akin ng may nagalis ng kamay niya sa bewang ko. Naramdaman ko nalang ang marahang paguntog ko sa matigas na dibdib ng isang pamilyar na amoy ng lalaki. Hawak niya ang likod ko habang nakaharap siya sa lalaking naghila sa akin kanina.
Hindi ako makagalaw ng mabuti dahil sa panginginig ng aking katawan sa kaba.
" Don't touch her, she's with me." Aniya sa matigas na ingles.
" Oh stop it Jackson, she's a waitress here."
Kwinelyuhan nito ang lalaki, kaya napaatras ako. Galit ang nakita ko sa mga mata ni Tross habang kwinekwelyuhan ang lalaking takot.
Walang nakakakita sa amin dahil sa sobrang lakas ng party ay lahat sila sumasayaw.
" Said it again and I will going to punch your face. I said she's mine." Balik na sigaw nito. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang huling salita nito. Seryoso siyang nakatitig sa lalaki.
Itinaas ng lalaki ang dalawang kamay nito bilang pagsuko. " Alright! Next time wrap your girl right, nakakaakit kasi." Ngisi niya at umalis na.
Hinawakan ko ang dibdib ni Tross na sobrang lalim ng paghinga. Masama ang tingin niya sa lalaking umaalis na sa harapan niya. Natatakot ako sa kanyang ekspresyon ngayon hindi ko siya mapinta dahil galit na galit ito.
" I-I'm sorry sa istorbo. Hindi kana sana nagabala pa. I can call the bouncer. " Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Aminado ako na kinabahan ako sa nangyare kung hindi siya kaagad dumating ay hindi ko alam ang gagawin ko.
He clenched his jaw at saka tumingin ng masama sa suot ko.
Lumunok ako at kumuha ng lakas upang kuhanin ang atensiyon niya. " Kukunin ko na ang order mo. Salamat nga pala." Pahayag ko at akmang aalis na ako ng higitan niya ako palayo at palabas sa bar. Dinaanan namin si Gino na takang takang nakatingin sa akin.
Nang nasa tapat na kami ng isang Black Lambo ay binitawan niya ako.
" Can' t you see people staring at you?" Tanong niya sa matigas na ingles. Nanlilisik ang mga mata nitong tinitignan ako. Dinaanan niya ng tingin ang katawan ko at nagiwas din.
" Don't act as if wala lang sayo. You look pale." aniya at ikinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad.
Nakatingin ako sa kanyang mga mata na seryosong nakatingin sa akin, may dumaang inis sa mga ito at galit
" Tross sanay na ako sa mga tao."
" Na binabastos ka?" He asked angrily. " Tell me how much do I need to pay for you just to stop you from this shit."
Naalala ko iyong sinabi niya sa akin noon. Maaaring hindi niya alam na ako iyon pero pumasok sa isip ko na isa akong bayarang babae. Nagbibigay ng aliw para sa pera. Pero ito palang ang kaya kong gawin sa ngayon, at ang tanungin niya ako ng ganito ay hindi ko kaya dahil ito ang mas nagpapatunay na sobrang layo ng agwat namin sa isa't isa.
" Tross hindi mo naman kailangan magalala. Okay lang ako." Sabi ko sa mahinang tono.
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Inalis niya ang kanyang dalawang kamay sa palad ko. Naging blanko ang kanyang mga mata.
" Shit." He cursed habang pinagpapadyak ang gulong ng isang Lambo nanlaki pa ang mata ko dahil baka magalit pa ang may-ari nito.
Walang salita niya akong tinalikuran at napagtantong kanya pala itong sasakyan na ito ng pumasok siya at kumalipas ng takbo. Kumunot ang noo ko sa kanyang ginawa. Eto nanaman siya, parang kapag nandoon na ako sa puntong papasok sa buhay niya ay yun naman ang alis niya.
Bakit parang nararamdaman ko na ayaw niya akong pumasok sa mundo niya, para niya akong iniiwasan. Bakit ba? Kasi ganito trabaho ko? Mahirap ako? Bayaran?
" ANG GULO GULO MO TROSS HINDI KITA MAINTINDIHAN!" Sigaw ko sa kawalan dahil wala na siya at hindi naman niya maririnig ang sinabi ko.
Diba sinabi ko naman sayo Sapphira? Iwasan mo. Iwasan mo nalang. Iniisip ko palang ay sumisikip na ang dibdib ko.
Nagbuntong hininga ako at sinuklay ko ang mahaba kong buhok sa kamay ko. Napailing nalang ako habang pabalik sa loob ng bar. Hinanap ko sa kabilang pasilyo si Gab ngunit wala siya doon kaya nagpasya akong pumunta kay Auntie Anna baka sakaling nandoon siya at kukunin ko din ang mga gamit ko. Uuwi na ako kahit na hindi pa tapos ang duty ko dahil alam kong hindi naman ako makakapagconcentrate.
Kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay may isang lalaking nasa late 20's ang kausap ni Autie Anna. Nakangiti ito at kita ang dimple niya. Charming ang dating niya at singkit.
Tumingin sa akin si Auntie Anna at ngumiti.
" Sapphira, tuloy ka." Aniya at tumingin sa lalaking kausap niya.
" Pasensya na ho Auntie, may kausap po pala kayo. Hinahanap ko po kasi si Gab."
" It's okay Sapphira." Ngumiti ang kausap ni Auntie kaya mas lalong nadedepina ang kanyang dimple.
" If you don't mind Auntie can I know her name." Tanong ng lalaki.
Naiilang akong ngumiti sa kanya. " Suki ko na ito noon pa man Sapphira, hindi mo ba siya kilala? Kakauwi niya lang galing States." Pakilala naman ni Auntie. Hindi siya pamilyar sa akin at ngayon ko palang siya nakita.
Magaan ang loob ko sa lalaki dahil mukha naman itong mabait. " Hi, ako nga pala si Sapphira Frial." Pakilala ko.
Ngumiti ito at tumayo. " Hendrix, Hendrix Montemayor. " Pakilala niya at nilahad ang kanang kamay nito. Inabot ko naman ito at ngumiti sa kanya. " It's a pleasure to meet this beautiful lady."
Tumawa si Auntie Anna. " As always. Gentleman kapa rin Hendrix. " aniya.
Ngumiti lamang ako at bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.
" Aalis na po ako." Sabi ko at kinuha ang mga gamit ko.
" You can stay here if you want." Sabi ni Hendrix habang nakangiti.
Tumanggi ako sa kanyang pang-anyaya dahil gusto ko na talagang umuwi. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.
" I hope to see you soon." Habol pa nito bago ko sinara ang pinto.
Nang mahanap ko si Gab na lumabas sa comfort room ay inaya ko na siyang umuwi. Hindi na siya tumanggi dahil masakit daw ang tyan nito. Nagpaalam nalang kami pareho kay Auntie Anna na ngayon ay wala na ang kausap niya. Pumayag naman ito.
" Gabrielle." Tawag ko sa kaibigan ko habang pauwi kami ng bahay.
" Oh?" Aniya na seryosong nakatingin sa daan. Minsan ay ngingiwi at hahawakin ang tyan niya.
" Tingin mo may magmamahal pa sa akin kung alam nilang may anak na ako?" Sumulyap siya sa akin ng nakakunot ang noo at ibinalik ang tingin sa kalsada.
" Iba nga sampu pa anak pero may nagmamahal parin sa kanila. You know what? Love can conquers everything. Tatanggapin lahat ng bagay tungkol sayo."
Ngumiti ako ng naalala ko si Tross. Hindi, hindi siya iyong tipo na ganoon. Maraming babae ang naghahabol sa kanya walang sabit, maganda, sexy, matalino higit sa lahat mayaman. Napailing ako, bakit ba iyon ang pumapasok sa isipan ko? Kailan ko lang siya nakilala pero gumugulo na siya sa isip ko.
Nagbuntong hininga ako. Bat ko ba laging iniisip iyon? Siguro kasi mas nasasaktan ako sa kanya sa twing pinaparamdam niya sa akin kung gaano kalayo ang agwat namin sa isa't isa. Kung gaano ako kababa.
Tama nalang yung layuan ko siya at iwasan. Pero bakit nakakaramdam ako ng kakaiba sa twing nakikita ko siya? Bakit ako kinakabahan?
Kailangan ko siyang iwasan. Ayoko lang na magsisi ako sa huli. Alam ko kung saan tutungo ito. Marami ng nabaliw at kayang mawalan ng buhay para sa pag-ibig. At ayokong mangyari iyon sa akin. Napaka imposible ng nasa isipan ko, dahil hindi ako yung tipo ng babaeng magugustuhan niya.