Oh s**t!
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa screen. Nilagay ko muli ito sa aking tenga at hinintay ang sagot niya. Tanging buntong hininga niya lang ang narinig ko at namatay na ang tawag. Hindi ako mapakali sa nasabi ko.
Narinig kaya niya? O baka hindi dahil hindi naman siya sumagot.
Hapon na ng binabantayan ko si Samuel sa sala habang nanonood ng TV. Lumabas si Gabby galing kusina na may dalang miryenda namin. Napabalikwas ako sa pagtayo ng may marinig kami ni Gab na may kumakatok sa gate.
Nagkatinginan kaming dalawa at nagtaas ito ng kilay na parang nagtatanong sa akin. Nagkibit balikat ako saka tumungo sa gate.
" Hendrix..." tipid akong ngumiti ng makita ko siyang ngiting ngiting nakatingin sa akin.
" A-Ano ginagawa mo dito?" Nagaalangan kong tanong. Napalunok ako ng hindi malaman kung bakit ako biglang kinabahan.
Mas lalong ngumiti si Hendrix ng binuksan ko ang gate. " I'm here to visit you, if you don't-" hindi pa tapos ni Hendrix ang sasabihin niya ng masilayan ko ang pamilyar na sasakyan.
Biglang nanigas ang katawan ko at hindi maiwan ang tingin sa sasakyan na dumating, kaya naman luminga din si Hendrix.
" Oh! Sir Hendrix pasok po kayo.." magiliw na tili ni Gab sa likod ko na sa tingin ko ay lumabas din.
Inilipat ko ang tingin ko kay Hendrix na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
" Yeah, sure.." sagot nito at naglakad patungo kay Gab. Pero hindi pa sila nakakapasok ng lumabas na ito sa sasakyan niya.
Napalunok ako ng makita ko ang magandang hubog ng katawan nito, at mukhang kakagaling lang ng opisina niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko ang kunot niyang noo. He looked so dashing in his suit.
He clenched his jaw when he saw Hendrix. Pumasok ito sa gate without a single word. His eyes was burning in fire.
" Ah, Ahh.. Napasyal ka dito?" Tanong ko kay Tross na nagsisi din dahil mas lalong kumunot ang noo nito. Napakagat ako sa labi ko at hindi makatingin sa kanya.
Tumingin ako kay Hendrix na masama ang tingin kay Tross. Ngayon ay nagkatitigan silang dalawa at mukhang may namumuong tensyon sa pagitan nila. Alam ko naman noon paman ay hindi na sila ayos sa isa't isa. Napatingin ako kay Gab na kabado sa nangyayare.
" Sir Hendrix, and Sir Jack sakto po at may ginawa akong miryenda. Tara po sa loob, buti po ay napasyal kayo!" Masayang bati ni Gab upang malessen ang tension sa pagitan nila.
Mukha naman umepekto dahil ngumiti si Hendrix at tumuloy sa loob. Kaya naglakad na din kami ni Tross. Ngunit hindi pa kami nakapasok sa loob ay hinigit na niya ang braso ko.
" What the asshole doing here?!" Tanong nito sa madiin na tono.
" Tross, baka gusto lang bumisita..." halos bulong nalang na sagot ko habang naglalakad kami ng marahan.
" Tito Hendrix!" At mas lalong kumabog ang dibdib ko ng makita ang nagliyab na galit sa mata ni Tross ng marinig ang boses ni Samuel.
Napalunok ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. " Tross.." bulong ko sa kanya at hinaplos ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
" I have something for you dude.." narinig kong sabi ni Hendrix at napatingin ako sa kanilang dalawa at nakita ko si Samuel na nakayakap kay Hendrix habang malaki ang ngiti.
" Talaga po?" Tanong ng anak ko.
Naramdaman ko ang unti unti pagbitaw ni Tross sa braso ko. " He already knew him?" Mahina ngunit may pait sa tono ng boses nito.
" Nay! Sino po ang kasama niyo?" Tumingin ako kay Samuel na ngayon ay may hawak na laruan at nakakunot ang noo nakatingin sa amin ni Tross.
Tross stiffed and look horrible when Samuel walked towards us. Nagkatinginan kami ni Hendrix na mukhang nalilito parin sa nangyayare.
" Siya si Tito Tross mo anak.." sagot ko kay Samuel at yumuko upang hawakan ang kamay nito.
Hindi pa rin nagsasalita si Tross kaya hinawakan ko ang kamay nito. He looked at me with so much anticipation.
" Hi po." Kumaway si Samuel sa kanya. Umupo si Tross kaya magkalevel na sila ngayon. Umawang ang labi ni Samuel at nanlaki ang mata. " Hindi po ba kayo ang boss ni Nanay?" Manghang tanong nito.
Nagkatinginan kami ni Tross. " Oo anak, noong nagtatrabaho pa ako sa hotel nila." Ngumiti si Samuel at tumango.
Titig na titig si Tross kay Samuel, na tila ba inuusisa nito ang bata. Samuel was so amazed and looked so happy.
Pero bakit parang imbes na masaya ako dahil nakikita kong gustong mapalapit ni Tross sa kanya ay nakakaramdaman ako ng kakaibang pakiramdam at hindi ko maipaliwanag.
" Hi." Bati ni Tross na sa wakas ay ngumiti kaya nakahinga ako ng maluwag. Ngumiti din si Samuel at niyakap nito si Tross.
Lumukso ang ligaya sa puso ko na hindi malaman ang dahilan. Napatingin ako kay Gab na nakatingin din sa akin ng seryoso. Tumingin muli ako kina Samuel at Tross. Tross look shocked. May humaplos sa puso ko sa nakita ko, sa hindi malamang dahilan parang may koneksiyon sila sa isa't isa. But I know Tross was doing this to make things up between Samuel and him. Tama na nga yata ang desisyon ko na buksan ang puso ko para sa kanya. Tama ba ang iniisip ko? Tanggap niya si Samuel?
" Kaibigan niyo po ba si Tito Hendrix?" Ngiti ni Samuel at umalis sa pagkakayakap.
Tross just smile, at tinapunan niya ng makahulugang tingin si Hendrix.
" Yes we're friends Sam." Ani Hendrix na nakangiti ng tumingin si Samuel sa kanya.
" Talaga po?" Masayang tanong ng anak ko. Tumikhim ako upang maalis ang bara sa lalamunan ko dahil sa kaba.
Napasulyap si Tross sa akin at agad naman akong umiwas.
" Ma-Maiwan ko muna kayo, kukuha lang ako ng maiinom." Sabi ko upang umiwas sa kanilang dalawa.
Hindi ko kasi makayanan ang titigan nilang dalawa. Alam ko na may ibig sabihin iyon, at marahil dahil hindi pa sila okay sa isa't isa.
Naglakad ako patungong kusina. " Tu-tulungan na kita!" Mabilis na sabi ni Gabby sa akin. " Maupo muna kayo." Habol pa nito sa dalawa bago tuluyang sumunod sa akin.
Habol ko ang hininga ko habang hinahanda ang gamit sa pagtimpla ng juice.
" Anong ginagawa ng dalawa dito?!" Mariin at may halong kabang tanong ni Gabby sa akin.
Hindi ko siya sinulyapan kumuha ako ng tubig at yelo sa ref namin.
" Ewan ko Gab." Wala sa sariling sagot ko.
" NANLILIGAW BA SILA?" Nanlalaki ang mata ni Gabby habang nakatakip ang bibig nito.
" NO!" Sagot ko.
" Okay alam ko yung sa inyo ni Sir Jack, pero si Sir Hendrix? My god bakla! Kung nakita mo lang yung itsura niya kanina ng makita kayong dalawa ni Sir Jack!"
" Ano kaba! Magkaibigan lang kami ni Hendrix, at kung nandito man siya para yun kay Samuel." Anas ko.
Tapos na ako sa pagtimpla ng juice si Gabby naman ang kumuha ng mga baso.
" Malay ba natin!" Anito at nagkibit balikat.
Iniwan ko na siya at nagtungo na ako sa sala dala ang juice na ginawa ko. Napahinto ako ng seryoso ang dalawa na nakaupo sa sofa habang si Samuel ay nilalaro ang mga laruan na bigay sa kanya sa sahig.
Unang napatingin sa akin si Hendrix, kaya naman tumingin din si Tross sa akin. Ngumiti ako ng matabang habang papalapit sa kanilang dalawa, naramdaman ko din ang pagsunod ni Gab sa likod ko. Tumayo si Hendrix at ngumiti.
" Mauuna na ako..." Anito at mabilis na tinapunan ng tingin si Tross kung saan seryoso pa din ito at hindi man lang tumingin kay Hendrix.
Napaawang ang labi ko na hindi alam ang sasabihin.
" Magmiryenda ka muna Sir Hendrix!" Agap ni Gab at sabay baba nito sa basong hawak niya.
" Thank you for the offer Gab, dumaan lang ako para ibigay kay Samuel ang regalo ko." Napansin ko ang pagngisi ni Tross na siyang ikinakunot ng noo ko.
" Ah ganoon ba.." Tipid na sabi ko habang dahan dahang ibinababa ang pitsel na hawak ko. " Salamat sa pagbisita at sa regalo Hendrix, nagabala kapa."
Ngumiti ito sa akin at marahang tumango at naglakad na patungo sa pintuan, susundan ko na sana siya para ihatid sa gate ngunit naramdaman ko ang mainit na kamay ni Tross na humawak sa pulso ko.
" Dito ka lang..." bulong nito sa matigas na tono.
Tumingin ako sa kanya na seryoso ang mga mata.
" Ako na maghahatid..." sabi ni Gab at sumunod kay Hendrix.
" Tito Hendrix uuwi na po ba kayo? Akala ko po ba maglalaro pa tayo?" Malungkot na tanong ng anak ko at tumakbo pa para yakapin ang bewang nito.
Tross clenched his jaw. Nagkatitigan sila ni Hendrix.
" Babalik si Tito, Samuel. Be a good boy alright?" Anito sa anak ko at sumulyap ito sa akin. Ngumiti muli si Hendrix sa akin bago tuluyang lumabas ng pinto at kasama si Samuel na sumunod sa kanya.
" You didn't tell me..." ani Tross na tumayo at hinarap ako.
" Tell you what?" Naguguluhan kong tanong. Lumapit ito sa akin at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.
"...na may bisita ka palang darating." Anito sa mapanganib na tono. Biglang kumabog ang dibdib ko at naramdaman ang mahigpit na hawak nito sa bewang ko.
" Hi-Hindi ko alam-"
" You are making me jealous Sapphira." He said on his cold tone. Mas lalo akong kinabahan sa lamig ng boses nito. Nagdilim ang mga mata nito, bago pa ako makapagsalitang muli ay inalis na nito ang kamay niya at narinig ko ang pagpasok nila Gabby sa pinto.
" Ohhh..." narinig kopang biro ni Gab bago ito nagtungo sa kusina.
Sinulyapan ko si Tross na ngayon ay nakatingin kay Samuel. " Tito do you want to play basketball?" Tanong ng anak ko na habang hawak ang maliit na bola.
Napaawang ang labi ko dahil nakakahiya naman kung maglalaro siya. " Anak hindi pwede-"
" Yeah! Sure!" Ani Tross at kinuha ang bolang hawak nito at drinible.
" Yehey!" Hinila ni Samuel si Tross sa kung saan nandoon ang maliit na ring.
Natawa ako dahil niloloko loko pa ni Tross si Samuel na kunwari ibibigay niya ang bola pero i shoshoot naman. Kalaunan ay hinayaan na niya si Samuel at halatang nagpapatalo.
Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil nakikita kong masaya si Samuel.
" Baka mapunit ang labi mo dyan kakangiti." Siniko ako ni Gab na hindi ko napansin na katabi ko na pala.
" Masaya lang ako Gabby.." bulaslas ko.
Tumingin si Gab sa akin at ngumiti. " Halata girl!" Biro nito at saka tumawa. Napailing nalamang ako.
Hindi na umuwi si Tross, ni hindi ko nga siya makausap dahil si Samuel lagi ang kasama niya. Hindi na siya iniwan ng anak ko. Maging sa panonood ng tv ay gusto ni Samuel katabi nito ito. Dito na din naghapunan si Tross. Sa mga mata ng anak ko kita ko ang paghanga nito kay Tross.
Maging sa pagkain nito ay minamasdan niya ito at namamangha sa bawat kilos ni Tross na siya namang ginagaya niya. Natawa pa ako ng sabay pa silang uminom ng tubig.
" Pasensya ka na, naabala pa kita." Sabi ko kay Tross na ngayon ay buhat buhat ang tulog na si Samuel sa kanyang balikat.
Matipid na ngumiti si Tross. " It's okay Sapphira." Sumunod ito sa akin kung saan ang kwarto ni Samuel.
" Pa-pasensya na talaga, nakakahiya at ginabi kapa." Dahan dahan nitong inihiga sa kama.
" Nope, I also enjoy playing with him." Anito at ngumiti. Sumulyap ito kay Samuel bago muling itinuon ang mga mata sa akin. " He really looks like you.." dagdag pa nito. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Maraming nagsasabi na kahawig nga ako ni Samuel.
Hindi pa namin napaguusapan ang tungkol sa bata, pero sa kinikilos niya ay halata namang tanggap niya ito. Bago pa man kami napalapit sa isa't isa ay alam na niya na may Samuel sa buhay ko.
" Sa-Salamat..." sagot ko at iginiya ko siya palabas upang ihatid sa gate.
" You know what he reminds me of someone..." bulong nito na huminto sa tapat ng sasakyan niya. Nagkatitigan kaming dalawa. Sa hindi ko malaman na dahilan malungkot ang mga mata nito at mapanganib.
" Sino?" Kuryoso kong tanong. He just smirked and shook his head like he was convincing his self. Kumunot ang noo ko.
" Nothing, but anyway you have a smart kid Sapphira." Umaliwalas ang mukha nito at ngumiti. Hindi ko na din napigilang ngumiti.
" Thank you." Sagot ko. Tumahimik ito at mukhang naninimbang. " May gusto ka bang sabihin?"
Hinila niya ako palapit sa kanya. Naginit ang buong katawan ko ng maramdaman ang mainit na katawan nito. Hinaplos nito ang bewang ko at mas lalong naglapit ang katawan naming dalawa. Naramdaman ko ang malalim na paghinga nito sa tenga ko. Siniilan niya ako ng mababaw na halik sa aking mga labi.
" I will fetch you tomorrow morning."
Kunot noo akong tumingin sa kanya ng maalala na first day ko nga pala sa coffee shop bukas. " Unang araw ko sa trabaho bukas Tross.." he chuckled.
" I see. Ihahatid nalang kita."
Tumango ako ng marahan. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan niya. " Pumasok kana, I want to secure that you are safe." Anito na hindi pa pinapaandar ang sasakyan.
Mukhang wala nga siyang balak na umalis hanggat hindi pa ako nakakapasok sa bahay. Kumaway ako sa kanya at sinarado ang gate at naglakad na patungong bahay. Sumulyap akong muli sa kanya na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti ako at saka na tuluyang pumasok sa pintuan. Narinig ko ang busina nito bago tuluyang umalis.
Kinabukasan gaya ng napagusapan ay sinundo niya ako. Mas maaga siya sa napagusapan kaya aligaga ako sa pagaayos kay Samuel na idadaan ko sa paaralan niya bago akong tumungo ng coffee shop.
" Hindi ka pa ba papasok?" Takang tanong ko kay Tross ng pati siya ay sumama sa loob ng coffee shop. He was wearing his usual office suit.
" Nope, maybe I should try their coffee here." Sagot nito at saka umupo sa isang vacant table. Wala pa naman masyadong tao dahil mukhang kakaopen palang nito.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Hindi na ako nakaalma dahil may isang babaeng crew na lumapit agad sa kanya na halos mahimatay sa putla ng mukha ng makalapit kay Tross.
" Sapphira Frial?" Isang pamilyar na boses ng babae ang tumawag sa akin sa likod.
Napatingin ako sa isang magandang babae na makinis ang balat, iba ang uniform niya sa isang crew na lumapit kanina kay Tross. Kung hindi lang siya nakauniform mapapagkamalan ko siya ang may ari ng coffee shop na ito.
" Yes po Ma'am." Sagot ko. Sumulyap siya sa gawi ni Tross at saka ngumiti. Naalis din kaagad iyon ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Kahit saan nalang talaga masyado siyang agaw atensiyon. I sighed at that thought.
" Hi I am Ms. Alleyah Martagon. The manager of the coffee shop." Anito na matamis ang ngiting inilahad ang kamay nito.
" Sapphira Frial po, Ms Alleyah." Sagot ko. Mas lalong lumapad ang ngiti nito at tumango.
" Let's go at the kitchen, I want you to know the rules and regulation in our coffee shop." Naglakad ito patungo sa gilid kung saan may pinto na exclusive lamang para sa mga staff. Sinulyapan ko si Tross na ngayon ay umiinom ng kape at nakatingin sa akin.
Lahat ng rules and regulations ay inisa isa ni Ms Alleyah sa akin.
" I also scan your resume and I see that you have many experiences in the industry. Kaya hindi na ako mahihirapan na turuan ka."
Lahat ng mga gamit sa kitchen room ay ipinakita niya sa akin. Ang mga pagkain cakes and breads kung ano ang tamang gawin kapag ito ay pasira na. Hindi na daw ako kailangan turuan sa pagbabarista dahil may crew daw para doon.
All I need to do is to get the orders of the customer and make sure to clean the mess in the kitchen. Apat lang kaming crew dito, dalawa para sa barista at dalawa para sa assistant staff. Sapat na iyon para sa coffee shop na ito.
I adore her for being hands on in this coffee shop, siya man ay manager but I can see her passion in making this coffee shop organize. Sa tansa ko ay halos magkasing edad lang kami.
" Hindi ka pa ba papasok?" Tumikhim si Tross ng lumapit ako sa kanya para tanungin.
" Hinintay ko lang na matapos ang interview mo. Are you going to stay here?"
Tumango ako ng marahan. " Anong oras ang out mo?"
" Four o clock in the afternoon." Sagot ko at kinuha ang tasa niya na wala ng laman at inilagay sa tray.
Tumango ito at tumayo na. " Pupunta lang ako sa office to check some papers. Is it okay kung iiwan na muna kita?"
" Oo naman! Ano kaba Tross may trabaho kapa." Nasilayan ko ang ngiti nito.
" See you later.." aniya bago naglakad palabas ng coffee shop.
Hindi na bago sa akin ang trabaho kaya hindi na rin gaanong nahirapan si Anna na kasama ko sa pagiging assistant staff. Nabasa ko ang text ni Gabby na nasundo na niya daw si Samuel kaya hindi ko na kailangan magout para sunduin siya.
" Ang bilis mo naman palang matuto Sapphira, akala ko mahihirapan ako sa iyo. Mukha ka kasing mayaman at hindi sanay sa ganito." Anito at sumulyap sa balat ko.
" Hindi naman Anna. Marami nakong naging trabaho na ganito kaya hindi na bago ito sa akin." Tinutulungan ko siya ngayong maglinis sa kitchen habang sina Ms. Alleyah naman ay inaayos na ang gamit sa counter.
" Boyfriend mo ba iyong kaninang umaga?" Napahinto ako sa pagwawalis. " Ay pasensya na hindi ko dapat iyon tinatanong. Obvious naman hehe." Sabi niya at napakamot pa ito ng ulo.
Hindi ako nakakibo dahil maging ako ay hindi ko alam ang isasagot ko. Sa mga ganoon nga bang relasyon ano nga ba dapat ang sagot? Tatanungin ko ba siya? Pero hindi ba dapat ako ang mas nakakaalam non?
Pagkatapos namin sa lahat ay nagpalit na ako ng damit upang makauwi na din. " Sapphira..." tawag ni Ms. Alleyah sa akin ng makalabas ako sa kitchen.
" Bakit po?" Ngumiti ito ng matamis.
" Gusto ko lang magpasalamat, hindi ako nagsisi dahil ikaw ang napili kong crew." Ngumiti itong muli saka na naunang lumabas ng coffee shop.
Sumunod ako sa kanya at ganoon din ang dalawang barista na kasama ko. Pareho silang mga lalaki at mukhang sanay na talaga sa pagbabarista ang dalawa. Ang mahaba ang buhok ay si Kulas, ang isa naman ay si Fernan. Hindi pa sila napapakilala sa akin ng mabuti ni Anna dahil kanina ay sobrang daming customer. Naiwan ako sa tapat ng coffee shop dahil si Anna ay kakilala pala iyong si Fernan at nakisakay ito sa motor niya habang si Kulas naman ang umalis na rin.
" Sabay kana sa akin." ani Ms. Alleyah ng huminto ang kulay puting bmw nito sa aking harapan.
" H-Hindi na po Ms. Alleyah. Salamat po sa offer." Napatingin ako sa sasakyan ni Tross na paparating, hindi ko inaakala na pupunta siya ulit dito akala ko ay sa bahay na.
" May sundo ka pala.." Ani Ms. Alleyah and she chuckled na pareho kaming nakatingin sa sasakyan ni Tross. Umawang ang labi ko at tumingin kay Ms. Alleyah.
" Kung ganoon mauna na ako. See you tomorrow.." kumaway ako kay Ms. Alleyah bago nito paandarin ang sasakyan niya.
Huminto sa tapat ko ang sasakyan niya. " Get in." Saad nito.
" Hindi ka ba busy? Bakit mo pa ako sinundo?" Tanong ko ng nakapasok na sa loob ng sasakyan niya.
" I want to make sure that you are safe." Nagbuntong hininga ako kaya napasulyap siya sa akin.
" Baka masanay ako nyan..." bulong ko na sakto lang para marinig niya.
May bulto ng ngiti sa labi niya bago nito pinaandar ang sasakyan.
" That's sounds good." Aniya at hindi ko na din napigilan ang ngiti ko.