Sa isang kilalang restaurant sa City kami pumunta. The ambiance was so peaceful and old fashioned. Parang nasa sinaunang restaurant ka na may touch of modernization.
May tumutugtog ng minus one na sweet song kung saan.
" Reserved seat from Mr. Montemayor." Anang isang waitress, iginaya kami nito sa malapit sa up down window kung saan kita ang liwanag ng buwan sa labas.
Hindi gaanong maraming tao at halos mga magkasintahan ang nandito. Ngumiti ako kay Hendrix ng tumingin ito sa akin at ibinaba ang menu.
" What do you want to eat?" Anito nang mapansin akong hindi man lang tinignan ang menu na ibinigay sa akin.
Ayoko naman din mamili dahil sa tingin palang ay alam kong mahal na ang pagkain dito. Alam ko naman na libre niya pero nakakahiya naman.
" Kung ano ang sa iyo." Sagot ko at ibinaling nalang sa labas ang tingin ko.
May sinabi ito sa waitress na hindi ko nalang pinakinggan at saka na ito umalis.
" Did you receive my text Sapphira?" Ani Hendrix kaya nabaling naman ngayon ang tingin ko sa kanya.
Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagbago na ako ng number.
" Ah- nasira kasi ang cellphone ko." Napaawang ang labi nito at tumango ng marahan.
" Ganoon ba, then after we ate we can buy -"
" Saka nalang Hendrix! Wala pa kasi akong pera ngayon." Sabi ko at sabay wave pa sa kamay ko na pagtanggi.
" I do have an old phone, kung gusto mo ipapahiram ko nalang sa iyo." Napaisip ako sa sinabi ni Hendrix.
Tutal ay hindi ko naman gagamitan ang cellphone na bigay sa akin ni Tross.
" Wag na, bibili naman ako kaagad kapag kaya na." Sabi ko dahil nakakahiya na masyado kung tatanggapin ko pa ang offer niya.
Hindi kalaunan ang dumating ang order namin. Beef steak and salad ang inorder nito. Tahimik naming pinagsaluhan ang pagkain.
" Hendrix if you felt guilty about what happened to us about months ago, you don't have to. I am okay..." marahan kong sinabi dahil hindi ko na napigilan. Sumosobra na ang kabaitang ibinibigay niya sa akin at maging sa anak ko.
Ngumiti ito at umiling. " Sapphira, please don't think that I am doing this because I am just guilty on what happened. I am doing this because I am happy. Kahit hindi nangyare ang mga bagay na iyon, ganito pa din naman ang gagawin ko."
Napangiti ako ng tipid. " Iyong nangyare between you and Tross, how was it?"
Nagtaas ang kabilang dulo ng labi nito at napayuko. " We already talked about it. You don't need to worry about that Sapphira. "
" O-Okay na ba kayo?" Nagaalangan kong tanong, tumaas ang tingin nito sa akin. Seryoso ang mga ito.
" We're civil. I already clean you name, kaya wala siyang karapatang kontrolin ang buhay mo."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, kung alam mo lang Hendrix he already controlling my whole system. I hope you tried more para hindi ako nasasaktan ng ganito. But who I am to blame?
Pareho kaming napatingin ni Hendrix sa mga magkasintahan na nagsitayuan ng tumugtog ang isang magandang kanta. Huminto sila sa gitna at nagsayaw doon.
The music was so calm, napangiti ako ng masilayan sila. Nararamdaman ko ang pagmamahal nila sa isa't isa. Napatingin ako kay Hendrix ng maramdaman ang kamay niya na pumatong sa kaliwang kamay ko.
" Let's dance?" Napaawang ang labi ko at mabilis na nagisip. Ngumiti ito sa akin at hindi ko makayanang tumanggi.
Tumango ako ng marahan at mas lumaki ang ngiti nito. Hinawakan nito ang kamay ko at tinulungan akong makatayo.
" Hendrix Montemayor?" Napahinto kami ng may isang magandang babae na nakasuot ng pormal na dress ang sumalubong sa amin. Nakangiti itong nakatingin kay Hendrix at mukhang they know each other for a long time.
" Marga? It's been a long time.." napatingin ang babae sa akin at nawala ang ngiti nito.
" Yes, it's nice to see you here." Aniya at bumaling ulit ang tingin nito sa kasama ko.
" Kailan kapa umuwi galing States?"
" Just a few weeks ago, I am here for a business meeting..."
" Ah oo nga pala..." Sumulyap si Hendrix sa akin. " She's Sapphira, Sapphira a good friend of mine Marga."
" Hi." Tipid akong ngumiti sa kanya at mukhang wala naman siyang interes na malaman ang pangalan ko dahil ang buong atensiyon nito ay sa kasama ko.
" Hello, nice to meet you. So when do you plan to go back to States?" Aniya kay Hendrix. Yumuko nalang ako dahil nakakahiya naman na naging sagabal pa ako sa pagkikita ng magkaibigan.
Idiniin ni Hendrix ang paghawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya na nagaalalang tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya para malaman niya na okay lang ako.
" I don't have plan right now. It was nice to see you here, hope you enjoy your staying here. Please excuse us." Anito at tumingin ang babae sa kamay naming dalawa ni Hendrix.
Umawang pa ang labi nito bago muling tumingin kay Hendrix. " Oh-Oh I see, I hope we can hangout before I go back to States."
" Yeah sure Marga." Hinila na ako ni Hendrix sa gitna, nakita ko ang pagirap ng mata noong babae.
" Hendrix ano ka ba, you can talk to your friend. Mukhang namiss niyo isa't isa." Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko upang ipatong sa balikat nito.
Inilagay naman niya ang kamay nito sa bewang ko. " It's okay Sapphira, we can talk some other day. I don't want to miss this moment with you.." bulong niya.
Napalapit ako lalo sa kanya ng mas idiniin niya ang pagkakapalupot niya sa bewang ko.
" He-Hendrix..." bulong ko.
" I'm sorry." Aniya at niluwagan ang pagkakahawak sa akin.
" It's o-okay."
Pagkatapos ng kanta ay nagpasya na kaming maupo, ilang minuto din ay umuwi na kami. Paguwi ko ay tulog na ang dalawa.
Kinabukasan ay hindi parin nagbago ang pakiramdam ni Gab. Tuluyan na siyang nagkalagnat kaya naman hindi siya nakapasok sa bar at ako nalang muna ang pumasok.
Sa ikalawang araw ay hindi parin siya okay kaya ako pa din ang pumasok mahirap na kasi dahil baka mabinat siya. Hindi na din siya tumanggi kasi hanggang ngayon iniinda niya pa din ang sakit ng katawan nito.
Kinuha ko iyong spaghetti strap na kulay black na isusuot ko ngayon para sa trabaho ko mamaya. Binigay ni Gab ito kanina dahil marami silang bagong damit ngayon. Sinuot ko din ang maiksing short at saka ako nagsuot ng heels.
Halos makita na ang kaluluwa ko sa suot ko ngunit hindi na din ako nagprotesta dahil ako naman mismo ang nagprisinta. Inilugay ko ang mahabang buhok ko. Naglagay din ako ng kaunting make-up.
" Bakla nandyan na sundo mo!" Ani Gab sa loob. Magsimula kahapon dahil hindi siya pwede magdrive ay pinapasabay niya ako kina Mika na ang driver ay si Gino.
" Oo sandale!" Sabi ko at kinuha ang bag na mayroong pampalit.
Pinasadahan ako ng tingin ni Gab akmang may sasabihin pa ngunit bumusina na ang sasakyan ni Gino.
" Ayan na!" Sigaw ko at hinalikan muna si Samuel bago kumaway sa kanilang dalawa ni Gab.
Pumasok ako sa backseat ng kotse. Ngumiti ako kay Mika na tulad ko ay pareho din ang suot namin, ang pagkakaiba lang ay nakamaiksing skirt naman ito.
" Pasensya na." Sabi ko sa kanilang dalawa.
" Wow Sapphira, you look so hot sa damit mo." Puna ni Gino sa akin na nakatingin sa salamin.
" Sa-Salamat." Tipid kong sagot.
" Sabi na e, bagay sayo ang ganyan. Sinadya ko talagang kinuha yan at ipinabigay kay Gabby. Ayaw niya pa nga e." Iling ni Mika na nakatingin sa akin. " Friday ngayon panigurado maraming tao." Sabi pa nito at tumingin sa harapan.
Hindi nga nagkamali si Mika, maaga pa at dumadami na ang mga tao. Hindi nagtagal ay halos mapuno na ang bar.
Kaya kinailangan pa ng back up sa VIP Club dahil sa dami ng tao kaya pati si Mika ay lumipat sa kabila.
Humihingal akong umupo sa harap ni Gino. " Sobrang daming tao ngayon." Puna ko.
May ibinigay na malamig na tubig sa akin si Gino. " Inom ka muna, holiday kasi bukas at nagkataon pang friday ngayon." Sagot nito. Inilang lagok ko ang ibinigay niyang tubig bago ako muling tumayo.
Tumunog ang board kaya nagtungo muli ako sa maraming tao, may iilang lalaki na modelo ang kumakaway sa tuwing dadaan ako.
" Hi..." sabi naman ng wari ko ay isang half japanese na lalaki na mukhang modelo.
" Hello." Ngiti ko at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Naghiyawan ang mga kasama niya na nasa likuran niya.
Napailing nalang ako. Hindi pa ako nakakarating sa table na pupuntahan ko ng may pumukaw sa atensiyon ko sa malaking sofa sa hindi kalayuan.
Hindi ako pwedeng magkamali, kaibigan iyon ni Tross. Lumapit ako para kumpirmahin. Bumagal ang lakad ko ng unti unti kong masilayan ang grupo nila. Mayroong iilang mga babae.
Napahinto ako ng masilayan ko si Tross na seryosong umiinom ng alak, may hawak itong bote ng alak. Inilibot ko ang aking mga mata sa grupo nila.
Lima silang lalaki at may anim na babae silang kasama. Mukhang seryoso ang mga ito sa pinaguusapan habang ang mga kasama nilang babae ay may kanya kanyang ginagawa dahil hindi sila pinapansin. They are all just wearing a casual clothes, but the girls looks classy and elegant on their fitted dresses.
Nakauwi na pala siya...
Ilang linggo ko na ba siyang hindi nakikita? He changed a lot. Kumapal na ang buhok niya at halos halata narin ang bigote niya sa mukha.
Kumunot ang noo ko ng makita ang pagyakap ng makinis na mga kamay sa kanyang katawan. Hindi man lang natinag si Tross at hinayaan ito. Nanigas ako ng makita si Trinity na isinandal ang ulo sa balikat ni Tross.
Parang sinaksak ng punyal ng paulit ulit ang dibdib ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi.
" Tross..." bulong ko.
Gusto kong humakbang palayo upang hindi na masilayan ito ngunit para akong tuod sa kinatatayuan ko. Ang sakit sakit, bakit ganon? Bakit ang sakit parin?
Nakita ko ang pagpindot ni Ed sa button, kaya dali dali akong lumapit sa kanila. Oo masokista na, pero gusto ko siyang masilayan para makumpirma na hindi panaginip ito.
" Yes we need to investigate more. My man was doing their job." Dinig kong sabi ni Blake.
" This is a serious matter, we can't see Adam!" Matigas na pagayag naman ni Gio.
" A-Ano order niyo?" Nanginginig kong tanong kay Ed. Lumunok ako upang hindi mahalatang kinakabahan ako.
Inilibot ko ang tingin ko sa kanila at huminto kay Tross. Mas lalo akong nanlambot ng hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Trinity was looking at me and smiling like a cat.
Gusto ko siyang tawagin para makita niya ang presensya ko. Ngunit ng tumaas ang tingin nito sa akin, kumabog ang dibdib ko. Akmang ngingiti palamang ako ng ibinaling niya ang tingin niya sa bote ng alak nito at inilagok.
" Ano gusto mo Sky?" Tanong ni Ed.
" Kahit ano!" Sagot naman nito na hindi maabala sa kanyang ginagawa na nakatingin sa laptop nito.
Mabibigat ang bawat paghinga ko at umiinit ang sulok ng mata ko. Sumandal si Tross sa upuan at inakbayan si Trinity.
Umiwas ako ng tingin at itinuon ang pansin sa order slip. Humagikgik si Trinity kaya hindi ko napigilang sulyapan silang muli.
Marahan hinihimas ni Tross ang bewang nito, at para akong pinapatay sa nakikita ko. Tumingin ako kay Tross na madilim ang tingin sa akin.
Naglaro ang mga mata niya sa katawan ko at muling ibinalik sa mukha ko. Nagtangis ang bagang nito at ngumisi.
" Sapphira?" Napaigtad ako ng tawagin ni Ed ang pangalan ko.
" Ye-Yes?" Nauutal kong tanong dahil sa kabog ng dibdib ko.
" 1 bucket beer nalang ulit." Anito at ngumiti sa akin. " It was nice to see you again Sapphira."
Tumango ako ng marahan. " Nice to see you too Ed." Sagot ko at muling ibinaling ang tingin ko kay Tross na nakatingin ng seryoso sa akin.
Lumipad ang tingin ko sa kanyang kamay na nasa binti ni Trinity, hindi ko na napigilan at umiwas na ako ng tingin.
" Wait for your order Ed." Sabi ko nalang at hindi na nagpaalam sa iba dahil busy sa kakatingin sa laptop ni Sky.
Naglakad ako palayo sa kanila ng nakalayo at saka ako lumingon muli. He was still looking at me, his eyes was so dark. Kinabahan ako bigla saka na ako nagpatuloy.
Tulad kanina ay maraming bumati sa aking mga sikat na modelo at mga iilang lalaki na hindi ko kilala.
Hindi na ako muling nagtungo sa banda nila, sa twing may button na tutunog malapit sa kanila o mismong sila ay hinahayaan ko nalang ang mga kasamahan ko ang lumapit.
Hindi ko kaya na makita siya na may kasamang ibang babae. It's killing me. Halos hindi na ako makapagconcentrate sa ginagawa kong trabaho. Hindi ko napapansin na natutulala nalang ako sa twing kukuha ako ng order nila.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita kanina, sobrang sakit ng dibdib ko. Nanlalambot ako at parang hindi na kayang masilayan siyang muli. Hindi ko na napigilan kaya kahit hindi pa tapos ang gabi ay nagpaalam ako kay Auntie na magunder time.
Tutal ay may iilan narin ang umuwi. Kahit gaano pa kamahal ay magtataxi nalang ako, kaysa sa pilitin kong magtrabaho dito kahit na ang sakit sakit na ng pakiramdam ko.
Pumayag naman si Auntie at kinuha ko na iyong gamit ko. Hindi na din ako nakapamalit dahil pakiramdam ko ang dibdib ko ay sasabog na sa sakit.
" Miss sandale lang..." sabi ng isang matangkad na lalaki na half filipino, hinawakan nito ang kamay ko.
" Ba-Bakit po?" Bigla akong kinabahan ng amuyin nito ang buhok ko.
" Bakit ka nagmamadale, masyado pang maaga para umuwi." Sa wari ko ay nakainom ang lalaking ito dahil amoy alak siya. Namumungay ang mga mata nito dahil siguro sa antok.
" Pasensya na Sir, out na po ako at uuwi-"
" Uuwi? Baka pwede mo akong samahan." Aniya at tuluyan akong hinarap sa kanya.
Unti unting namumuo ang kaba sa aking dibdib. Naging mas marahas siya ng kaladkarin ako nito sa madilim na parte ng bar kung saan walang masyadong tao. Luminga linga ako upang makahingi ng tulong ngunit dahil madaling araw na at halos lahat ay nagkakasiyahan sa loob ay wala akong makita.
Malayo na din ako sa entrance ng bar kaya hindi ko na makita ang mga bouncer.
Pinigilan ko siya at kinukuha ang kamay ko na mariin niyang hawak. Ngunit mas malakas ito sa akin. " Ano ba! Uuwi na nga-"
Hindi na natapos ang sasabihin ko ng may humila sa lalaking may hawak sa akin at nakarinig ako ng suntok.
" Gago to!" Sabi ng lalaking kumaladkad sa akin kanina.
Pagtingin ko ay nagsusuntukan na ang dalawang lalaki. Hindi na ako nakapagsalita ng dahil sa kaba at takot na naramdaman. Sa isang malakas na suntok ay napahiga ang lalaking kumaladkad sa akin. Napaawang ang labi ko ng sumulyap sa akin si Tross, oo tama si Tross ang sumusuntok sa lalaki.
" Gago nga to!" Sagot niya pa nanlaki ang mata ko ng akmang susuntukin niya pa ang lalaki na ngayon ay nagdudugo ang mukha.
" T-Tross..." awat ko sabay hawak sa kamay niya. Nanginginig ang mga kamay ko ngunit nilabanan ko ito.
" s**t!" Aniya at hindi na niya natuloy na suntukin ito. May dalawang bouncer na lumapit sa amin.
" Wag niyong hahayaan na makabalik pa itong gago na to sa bar! Kung hindi ipapasara ko yan!" Hinihingal na sigaw ni Tross.
Tumango ang dalawa na takot sa sinabi ni Tross at dinaluhan ang lalaki. Kinakabahan man ngunit naawa ako sa lalaki dahil mukhang napuruhan niya ito.
Marahas niya akong hinigit palayo sa pangyayare. Mabilis pa rin ang bawat paghinga ko. Isinandal niya ako sa kotse niya. Nanggigil ito at galit na galit.
Kung kanina ay kinabahan ako ngayon mas dumoble iyon dahil sa nakikita kong galit sa mga mata niya.
" What the hell are you wearing Sapphira!" Sigaw nito sa akin at hinampas ang sasakyan kaya ito tumunog.
Napuna ng mga mata ko ang sugat niya sa gilid ng kanyang labi.
" May sugat ka..." nagaalala kong pahayag, kaya mas lalo siyang nainis.
" Hindi mo ba ako nariri-"
" Gagamutin ko yan.." wala sa sariling sabi ko at hindi na napigilang haplusin ang kanyang pisngi. Nagaalala sa kanya.
Malaki ang pasaslamat ko dahil nandoon siya. Alam ko naman na kahit hindi ako iyon tutulungan pa din niya ang babae.
Napapikit siya at nagbuntong hininga. Gustong gusto kong sabihin na miss na miss ko na siya. Unti unting umiinit ang sulok ng mga mata ko, nararamdaman ang sakit.
Mabibigat ang bawat paghinga ko. Iminulat niya ang kanyang mga mata, galit na galit pa rin ang mga mata nito.
Napalunok ako ng mapagtanto na wala nga pala akong karapatan sa kanya. At bakit niya naman sa akin ipapagamot kung nandyan naman si Trinity para sa kanya. Parang may tumusok sa puso ko sa isipang iyon.
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa pisngi nito.
" Damn it!" Aniya at kinuha ang palapulsuhan ko at mabilis ako nito ipinasok sa passenger seat. Inilagay niya ang seatbelt ko at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Walang nagsalita ni isa sa amin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil wala naman siyang nasabi sa akin. Kumunot ang noo ko ng pumasok kami sa subdivision kung nasaan ang bahay niya. Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa kalsada at mahigpit ang hawak sa manubela.
Huminto kami sa garahe niya. Nagbuntong hininga siya at inalis ang seatbelt ko.
Nagkatinginan kaming dalawa. " Wala akong medical kit sa kotse, kaya dito nalang." Aniya at marahas na lumabas ng sasakyan.
Iniwan ako sa loob at tumuloy na ito sa loob ng bahay. Nataranta ako kaya lumabas na din ako ng kotse at sumunod sa kanya. Di tulad ng huling punta ko dito na maingay, ngayon ay sobrang tahimik. At mukhang walang ibang tao kundi kami lang.
Nakita ko siyang umaykat sa hagdan. Kinabahan ako sa katahimikan, tulad ng sinabi ko kanina gagamutin ko siya. Isa sa rason dahil tinulungan niya ako, kaya kailangan kong magpasalamat.
Sinundan ko siya hanggang pumasok ito sa isang pintuan, namangha ako ng makita ang mga equipment nito pang gym, hindi na ako magtataka kung bakit sobrang ganda ng katawan nito. Inikot ko ang aking paningin at nakita na mayroon malaking screen tv sa tabi nito at isang mahabang sofa. Malamig dito dahil may aircon.
Lumabas si Tross galing sa isang pinto na wari ko ay banyo. May dala itong medical kit, kita ko pa din sa mukha nito ang galit at inis.
Napalunok ako ng tumingin ito sa akin, seryoso at malalim. Umupo ito sa sofa kaya sumunod ako sa kanya.
Nanlaki ang mata ko ng walang salita niyang inalis ang kanyang puting tshirt kaya tumambad sa akin ang magandang hubog ng katawan nito.
Paramg nanuyo ang lalamunan ko sa nakikita ko. Kunot noo niya akong sinulyapan.
" Make it fast! So that you can go home." Sabi nito kaya kahit na kinakabahan ay lumapit ako sa kanya.
Umiwas siya ng tingin, nakatayo ako ngayon sa tapat niya. Kinuha ko ang bulak at betadine, konti lamang ang nilagay ko sa bulak.
Umaayos ako ng tayo at nanginginig ang kamay na hawakan ang pisngi nito upang humarap sa akin.
Malalim ang buntong hininga ko dahil sa kaba, habang nagtatangis naman ang mga bagang nito. Kunot ang noo.
Bumaba ako ng kaunti upang makita ang maliit na sugat nito, dahan dahan ko ng dinampi ang bulak na may gamot. Hindi man lang siya natinag.
" Sa-Salamat nga pala kanina, kung hindi ka dumating baka-"
Nagdilim ang mga mata nito.
" I will kill that mother fucker!" Galit niyang sabi, tumaas ang tingin ko sa kanya at napalayo dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
" Pa-Pasensya na..." parang tambol ang dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k nito.
Itiniim nito ang mga labi nito. " Nakikita mo ba ang suot mo Sapphira? You are wearing an easy access! I can tear your shirt in just one snap!"
" Kailan to sa trabaho-"
" If that's the case, wag ka nang magtratrabaho sa bar."
" Kailangan ko ng -"
" Or else ako mismo ang magpapasara ng bar!" Nanlaki ang mata ko ng makitang seryoso si Tross. I know he can do that. Nagawa na nga niya iyon, pero ngayon kita ko sa mukha nito na hindi siya nagbibiro.
Hinila niya ang kamay ko at napaupo ako sa kandungan niya. Naghumerantado sa bilis ang puso ko, napakagat ako sa ibabang labi ko ng maramdaman ang kamay niya sa binti ko.
" Tr-Tross..." mabibigat ang bawat paghinga ko.
Galit na galit ang mga mata nito at mukhang makakapatay. Mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko.
" Bakit hindi kita matawagan?" Tanong niya sa matigas at mapanganib na tono.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. " Ikaw ang hindi ko matawagan Tross!" Naiinis na sabi ko. Nagtangis ang bagang nito.
Ngumisi siya at dahan dahang inilibot ang kamay niya na nasa binti ko. Umakyat ito sa aking katawan. Humawak ako sa balikat nito. Hinahabol ang bawat paghinga.
Tumingin ako sa kanya at ang mga mata ko ay humihingi ng pabor.
" Then why are you dating that bastard!" Sabi na parang mura ang lumabas sa bibig niya. Madilim ang mga tingin nito.
Bastard? Sino?
Napakagat ako sa aking labi ng maramdaman ang kamay niyang pumasok sa manipis kong spaghetti strap.
Para akong mawawalan ng hininga sa kaba. Hindi ko napigilang umungol ng hawakan niya ang kaliwang dibdib ko. Pumungay ang mga mata ko at hindi napigilang kagatin ang ibabang labi.
Sa isang iglap winarak nito ang suot kong damit, revealing my brassiere. Mabibigat ang bawat paghinga niya. Tumingin ito sa akin na kunot na kunot ang noo. Maaaring pulang pula na ang pisngi ko ngayon.
" I am so mad Sapphira, so f*****g mad."