Chapter 21: Hell

2184 Words
Chapter 21: Hell The stick created a sound when she dropped it on the tiled floor. Binawi niya ang kamay mula sa akin at tinalikuran ako. "Shai, wait!" I grabbed my bag and followed her outside the restroom. Luminga ako sa paligid para hanapin siya pero bigla na lang nawala. Natigilan ako sa pagtakbo nang may humarang sa aking isang lalaking matangkad at nakasalamin. Napaatras ako at kumunot ang noo. "Hi, uh, Miss Savi... p-para sa 'yo nga pala," utal niyang sambit at ibinigay sa akin ang isang tangkay ng pulang rosas. I accepted it and smiled at him but my eyes kept on roaming around to find Shai. Kinagat ko ang aking labi at napabuga ng hangin nang hindi na naabutan ni anino niya. Binalik ko ang tingin sa lalaking namumula ang mukha at nagkakamot ng batok. "Thank you for the rose." "P-puwede pong humingi ng favor?" utal pa rin niyang tanong habang nilalahad ang phone. "Ah—" "Savi!" someone called to cut me off. Nilingon ko si Darius na pinasadahan ang kanyang buhok pagkatigil sa harapan namin ng lalaki. Hinawakan niya ako sa braso at bahagyang hinila. Napatingin ako ulit sa lalaking nakasalamin. "Kanina pa kita hinahanap dito. Tumawag sa akin si Adeche..." "Wait lang, Darius. May kausap pa ako," sabi ko at binawi ang kamay para balingan ang lalaki. "Uh, ano 'yong favor na sinasabi mo?" Kumunot ang noo ko nang yumuko siya lalo. "P-pasensiya na, Miss Savi. Huwag n-na lang po pala!" aniya at kumaripas ng takbo palayo sa amin. "What was that?" Darius asked. "Humihingi ng pabor sa 'yo? Para saan?" Tinikom ko ang bibig at nilingon siya. I was thinking that the guy would just ask for a picture. Papaunlakan ko naman kung iyon ang hihingin niya pero dumating itong si Darius. Nailang tuloy lalo 'yong lalaki. "Anong sabi ni Adeche?" Tumingin siya sa paligid bago binalik ang tingin sa akin at muling hinawakan ako sa braso. "Sa parking lot tayo. Nandoon ang sasakyan ko." "Teka, bakit? Dito na lang sa loob ng campus. May klase pa ako. Gumilid nga muna tayo. It's so hot, you know?" He released a sigh and nodded. Nauna na akong tumungo sa pinakamalapit na puno para may lilim. I crossed my arms against my chest as I waited for him to speak. "Ano nga ulit ang sinabi ni Ade? Hindi ba ay iyon ang..." Natigilan ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay ay pinisil. My eyes went wide as I looked around. What the hell is he doing?! "Savi, I need your help. My parents..." hindi niya matuloy ang sinasabi at naging mailap ang mga mata. "What are you talking about? Aren't we supposed to talk about what Ade had told you?" "No... uh, this is what I really want to talk to you. I'm asking for a favor, please... this is urgent." Oh, wow. He interrupted me earlier with that nerdy guy whose asking for a favor to ask me a favor as well? Do I look like a genie now? "Savi..." he almost plead. I kept myself from rolling my eyes. "Fine. What is it? Puwedeng pakibilisan na rin since my friends are waiting for me." His adam's apple moved as he looked straight into my eyes. "Savi, I need you to pretend as my girlfriend." Mabilis kong nabawi ang mga kamay sa kanya at pagak na tumawa. Oh my goodness. He must be joking or a freaking stupid. Why does he need a pretend-girlfriend and why it has to be me? Is he bobo? Kitang may fiance na ako tapos sa akin pa humingi ng ganyang pabor? Nawala ko na nga si Shai na hindi ko alam ang problema kung bakit ginawa niya iyon sa akin, tapos may isa pang manggugulo sa utak ko? No. Si Shai lang ang gumugulo sa utak ko ngayon, hindi itong si Darius. Siya ang may problema. "Sorry, Darius, but you asked a favor at the wrong person. Let's just see each other tomorrow—" Hinuli niya ang braso ko at hinila pabalik sa puwesto. "Savi, ikaw lang ang nakakaalam ng sekreto ko. Even my parents don't know about it. Please, Sav. Uuwi na sila bukas. Ang alam nila ay may girlfriend ako pero kapag nalaman nilang wala pa talaga, ipakakasal nila ako sa babaeng hindi ko kilala," mahina ngunit sapat lang ang lakas niyang sinabi para marinig ko. I almost choked at what he's said. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil naalala ko ang nangyari two years ago sa pagitan namin ni Ariz. Sapilitang engagement noong una pero eventually, nahulog din naman kami sa isa't isa. Look at us now, patay na patay sa akin si Ariz. He can't resist my charm. Tinapik ko sa balikat si Darius at ngumiti. "Alam mo, dalawa lang ang puwede mong gawin: una, aminin mo ang tunay mong pagkatao at pangalawa, aminin mong wala ka talagang girlfriend dahil boyfriend ang gusto mo." I chuckled a bit. Ngumiwi siya at kumunot ang noo. "Wala naman akong sinabing gusto ko ring mag-boyfriend." "Aminin mo na lang kasi na you're a homosexual. There's nothing wrong about it, Darius, so why are you afraid? Pero saan ka nga ba matatakot kung sakali? Sa magiging tingin sa 'yo ng pamilya mo o sa lahat ng taong nakakakilala sa 'yo?" Huminga ako nang malalim at pinasadahan ng tingin ang paligid. Binalingan ko ulit siya at seryosong tinitigan. Nakatingin lang siya sa kawalan at tila nag-iisip. "Look, Darius, normal lang matakot sa sasabihin ng iba. Pero hindi nila hawak ang buhay mo. They have no right to dictate what you have to say, act, talk, walk and everything. They don't have to accept you because you just have to accept yourself for who you are. You live for yourself, not for them. You can't please all people to like you but everyone deserves to be respected, to be seen, to be happy and most especially... to be loved." Tinapik ko ulit siya sa balikat bago siya iniwan doon. I don't have any idea where those words came out from my mouth. I just suddenly remember what happened years ago when I was in junior high. A girl with the same age of me whose name is Kyomi, as far as I remember, confessed that she liked me, then. I would never forget that moment. Natulala ako sa kanya noon dahil hindi alam ang sasabihin. She cried in front of me, possibly thinking that I felt disgusted of her but no. I was just too shocked that a girl would confess to me. Nasanay akong lalaki ang mga umaamin sa akin kahit wala akong pakialam noon sa bagay na iyon. Huling klase na namin sa araw na iyon nang niyaya ko sina Mea at Kana mag-mall. They looked at me like I've grown another two heads. "I'm gonna buy a new phone," sabi ko. "Lah, ba't hindi ka nagpabili sa jowa mo? O kaya sa PA mo? Pagkakaguluhan ka sa mall." I nodded. I got her point but I still insisted. Nag-offer na rin si Ade na ibili ako ng phone pero tumanggi ako. I can buy my own. I don't have to depend on them always. "Puwede namang mag-disguise?" Kana suddenly suggested. "Come on, I have wigs in my car! Tagal kong hinihintay 'to, e." Mea laughed. "Wow, girl scout!" Nagpunta na kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nilang dalawa. Poor me, Mamita won't allow me to use our car or even bought me one. Noong sixteen kasi ako ay itinakas ko ang isa naming sasakyan kahit hindi pa ako talagang marunong. I got a minor accident so they never allowed me to use it again. Nakonsensiya pa ako dahil natanggal sa trabaho iyong guard namin noon dahil pinalabas ako matapos kong magsinungaling. Gabi iyon at hindi rin alam ni Mamita dahil tulog na. That was the first time I got grounded for almost a month. "Tali mo muna ang buhok mo," ani Kana habang may hawak na hairnet at wig na hanggang balikat at may full bangs. Itinali ko na ang buhok kong hanggang ibabaw na lang ng dibdib gamit ang itim na pony tail. Tinulungan din ako ni Kana ayusin ang hairnet at wig nang maisuot iyon. Si Mea ay nasa kanyang sariling sasakyan na kaya convoy na lang ang mangyayari sa amin. I fixed the bangs that almost reached my eyes. Itinapat ni Kana ang kanyang pabilog na salamin sa harapan ko. "Hala, kilala pa rin kita, e!" Sumimangot siya. Tumawa ako. "Syempre, alam mong ako talaga ito. I'll just wear my aviators. Anyways, let's go?" Lumabas kami mula sa likuran para lumipat sa harapan. I pour the makeup removal in a cotton pad and started wiping my face using it. Pati lipstick sa labi ay tinanggal ko rin. I smiled and it showed my cute little fangs. 'Di naman mahaba 'to, e. Bigla akong napalingon sa side mirror at napansing wala na sa paningin ang kotse ni Mea. "Nakasunod ba si Mea?" Sabay lingon kay Kana. Humalakhak siya. "Tayo ang nakasunod sa kanya, Savi. Kaskasera ang isang iyon." Napailing ako. Kaya mas gusto kong kay Kana sumabay ay dahil nga sa mabilis magpatakbo si Mea na akala mo'y hinahabol ng police mobile. Napabaling ako ulit kay Kana nang maala si Shai. "Kana, do you still remember Shai? Shaira Melendez? Iyong member din ng theater club?" Sumulyap siya sa akin saglit pero binalik din ang tingin sa daan. "Yep. Hindi ba ang sabi mo ay siya iyong nagbigay sa 'yo ng cake noong pumasok ka ulit after one week of being lumpo when we were on grade 12?" I grimaced but nodded. "Sa USD rin pala siya nag-aaral?" "Ha? Oo, ah! Grabe, mamang, ngayon mo lang nalaman?" Kana asked unbelievably. "Pero kung sa bagay, hindi rin naman yata natin siya ka-department kasi hindi ko siya nakikita sa building natin." "I saw her today..." "Oh, tapos? Nag-usap kayo? Anong pinag-usapan niyo?" Naisip ko bigla ang tagpo namin sa CR at iyong nangyari two years ago. Sigrado ako, hindi siya ang may gawa noon sa akin dahil sabi nila ay hindi iyon naka-graduate dahil sa ginawa sa akin. Shai graduated the same school year as I did. Pero bakit ginawa ni Shai iyong ginawa niya kanina? I don't get it. We are friends. Why would you hurt your own friend? Particularly when I didn't even do anything that could harm her or anyone before. Bigla kong naalala ang sinabi kanina ni Ariz. Why so suddenly he'd brought that topic and after that, the CR incident happened earlier like a deja vu. Umiling ako kay Kana. "Nagkumustahan lang." Mas mabuti siguro na huwag ko na lang sabihin kahit kanino ang nangyari kanina. Baka napagkamalan lang ako kanina ni Shai. Pero... kung napagkamalan niya lang ako, ibig sabihin ay may balak talaga siyang manakit ng iba? At bakit siya naka-facemask din tulad sa babae noon? At bakit ang likod ng hita ko rin ang pinuntirya niya? "We're here," anunsiyo ni Kana matapos i-park ang sasakyan sa may likod ng mall. I wore my aviators and slightly fingercombed my wig before we went out of her car. "Nasa bungad daw ng Uniqlo si Mea," aniya matapos tingnan ang phone. We both went in at the back entrance of the mall. Napansin ko agad ang ilang tingin sa banda namin dahil siguro sa suot kong salamin pero nagpatuloy lang kami sa paglakad. Nang makita na namin si Mea ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras para humanap ng android phone. Pina-assemble ko na iyon at nilagay ang number noong dalawa pati ng kina Mamita at Ariz. How funny that I can memorize Mamita and Ariz's numbers but I can't memorize mine. Nagpapasa na rin ako ng load kay Mea habang inaayos ang resibo. Paalis na kami roon matapos magbayad nang napansin ko ang titig ng isang customer sa akin. Binaling ko ang tingin sa mga kaibigan habang pasimpleng inaayos ang salamin sa mata. "Uwi na tayo, mamshies. Kinakabahan ako at baka may biglang makakilala sa 'yo, e," bulong sa akin Mea. I nodded my head. Itong pagbili lang naman ng phone ang talagang pakay ko rito. "OMG!" Tumawa bigla si Kana habang tinuturo ang direksyon ng isang toy shop. "Look at that! Kamukha mo, Savi, oh!" malakas niyang sinabi. "Savi?" "Uy, si Savi Fujita ba 'yon? 'Yong artista?" "'Yong nagbanta raw kay Kiana? Saan?" My eyes widened. Suminghap ako at agad namang hinila ni Mea si Kana. Yumuko ako at humigpit ang hawak sa bag nang marinig ang bulungan ng mga tao. "Mauna na ako sa labas," mabilis kong sambit sa dalawa habang bahagyang nakayuko. "Sav—" Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil mas nadagdagan ang bulungan ng mga tao. Binilisan ko ang lakad ng may biglang humablot sa braso ko sabay tanggal sa salamin sa mata. "Hala, si Savi nga!" sigaw nito. "Friends! Pa-picture tayo!" "Sorry, I'm in a hurry." Inagaw ko ang braso sa kanya at nilagpasan siya. So bad timing! "Excuse me..." "Teka, Miss Savi, pa-picture lang po," habol nila. Umiling ako at ngumiti, hindi na kayang takpan ang itsura dahil wala na ang salamin. Pumapayag naman akong magpa-picture sa akin minsan pero hindi na sa mga mall na tulad ng ganitong aksidenteng nakita. Kapag lumapit kasi ang isa, marami na ang makikigaya kahit pa hindi sigurado kung kilala talaga ako. Nakikisabay lang. "Sorry, I'm in a hurry—" Naputol ang sasabihin ko nang may biglang sumuntok sa braso ko nang malakas dahilan para mapaatras ako. Nalaglag ang panga ko habang hawak ang braso at nilingon ang ilang babaeng mukhang highschooler. What the f**k? "SAVITCH!" sigaw nila at pinagtutulak ako sa balikat. "Oy! Akala ko mabait ka! Ang sama mo pala! Ba't ka nagbabanta sa buhay ng ibang tao?" "Ang kapal nito! Ikaw na lang ang mamatay! Savitch ka talaga!" Kinagat ko ang aking labi sa narinig. I looked away from them and started running through the sea of people. Hinarangan ko ang aking mukha gamit ang kamay at bag habang nakikipaggitgitan. Narinig ko ang pito mula sa kung saan pero hindi nito napawi ang pagbalya sa akin ng mga tao. "Excuse me!" "Miss Savi, sandali lang! Pa-picture po!" THE f**k?! Sinong stupid ang sumigaw pa no'n? Napatigil ako sa paglakad-takbo nang may humila sa wig na suot ko. Thank God for that wig, dahil kung hindi ay buhok ko na talaga ang mahihila! Not my precious hair! Halos mapasubsob ako nang may tumulak ulit mula sa likuran ko. Nanlabo ang mga mata ko at hindi na ininda iyon. Tuluyan na akong tumakbo nang may humawak sa kamay ko at kinaladkad ako patungo sa taliwas na direksyon ng tatahakin ko sana. Palingon-lingon ako sa likod at nakitang pinipigilan na ng mga security ang mga tao. The guy who was holding my hand kept on running so did I. Nakalabas na kami ng mall hanggang sa tahakin pa rin naman ang daan patungo sa parking lot. Tumigil ako sa pagtakbo at binawi ang kamay sa kanya. I should've done it earlier. Tumigil siya at hinarap ako habang pareho kaming hinahabol ang hininga. "W-who are you?" The guy was tall, mestizo, and had a lean body. His eyes resembled someone I know. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok at tumingin sa likuran ko bago binalik ang tingin sa akin. "Sorry if I had to drag you out there..." malalim ang kanyang boses na pahayag. "Who are you?" ulit ko, hindi pinansin ang unang sinabi niya. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi. "You don't have to know my name, young miss." O, edi huwag. Feel niya naman ay special siya. But still, he helped me to get out of there. "If you don't want to tell me your name, then, fine. Thanks, still. Mauna na ako..." Humalakhak siya at nagtaas ng kilay sa akin. Even the way he raise his brow made me remember someone! "Okay, Miss Suplada..." patuya niyang saad at nagpamulsa. Nalaglag ang panga ko at sinundan siya ng tingin habang palayo sa akin. Napailing ako at agad gumilid para kunin ang phone sa bag. Thank goodness my bag isn't ruined! Kaya lang ay ang sakit ng braso ko. Damn it. Gigil kong ni-dial ang numero ni Ariz. Mabuti na lang talaga at napasahan ako agad ni Mea kanina ng load. Ang tagal pa sagutin ni Ariz. So annoying. "Hello?" boses ng babae ang sumagot sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. Her voice sounds familiar. "Hello, may I speak to Ariz? Who is this, by the way?" I asked calmly. "Who's this?" balik niyang tanong. Ako ang unang nagtanong tapos ibabalik din sa akin ang tanong. Bakit ba siya ang sumagot sa phone ng fiance ko? "Hello? Miss?" "Can you please give the phone back to Ariz. I need to talk to him." "Nasa meeting si Juven. He left his phone on his table so I answered it. Your number isn't registered, too..." Juven my ass! "Anong karapatan mong sagutin ang phone niya, Miss?" "Pardon? Just so you know, I'm his girlfriend so I can answer his—" Kumulo agad ang dugo ko. "Hey, you daughter of Satan. How dare you call yourself his girlfriend while you are talking to his fiance?" "Sorry, miss, wrong number ka yata. Bye." Kasunod nito ay ang tunog ng pagputol ng linya. Napapadyak ako at muling nag-dial. I gritted my teeth when the called was rejected! Halos manakit ang daliri ko habang nagtitipa ng message para sa number ni Ariz. To: Ariz GIVE BACK THE PHONE TO ARIZ. THAT ISN'T YOURS. ARE YOU POOR? BILI KA NG SA 'YO. MIND YOUR OWN PHONE! From: Ariz Blocked. Nanlaki ang mata ko at tinadtad siya ng text pero hindi na nag-reply. Napahilamos ako sa mukha at halos ihagis na ang phone kung hindi lang naalalang kabibili ko lang nito. "Savi!" "Oh, s**t!" I cursed and held my chest in shock. Nagmamadaling tumakbo palapit sa akin sina Mea at Kana, mukhang alalang-alala. They checked on me while we were inside Kana's car. Hindi pa rin kami umaalis dahil tinitingnan pa nila ang iyong sugat at pasa na natamo ko sa braso. I was just wearing a sleeveless top but I didn't even notice it earlier. Kana was already crying as she hugged me. "Oh my God. I'm really sorry for being so mindless to call your name, Savi." "It's not your fault, Kana. Don't worry... let's just... go home. I'm tired." I didn't bother to look at my phone again. Tahimik lang kaming dalawa ni Kana sa sasakyan hanggang makarating kami sa labas ng Rominas Tower. "I'm really sorry, Sav," nanlulumo niyang saad. "Ako pa ang nagsabi na mag-disguise ka pero ako rin ang naglaglag sa 'yo. I smiled and held her hand. "Tama na, okay? Hindi rin naman mangyayari iyon kung hindi ako nagpumilit na pumunta tayo ng mall." Lumabi siya, namumula pa rin ang mga mata at ilong. "Lagot ako sa jowa mo. May sugat at pasa ka." Tumabang ang timpla ng mukha ko. "Don't worry, I usually wear blazers or coat so he won't notice it." Sabay sulyap sa braso. Sa mismong entrance ng tower ako pumasok. I smiled curtly at the guard when he greeted me. "Ma'am, may sugat po kayo..." puna niya kaya agad kong tinakpan iyon gamit ang kamay. "Sumagi lang po ito. Sige po, una na ako." Pagdating sa mismong unit ay agad akong naligo para makapagpalit na ng pambahay bago ginamot ang sugat habang nasa sala. Napasandal ako sa sofa at biglang naalala sina Sav, Ava at Anna. They already died months ago at hindi na nagkaanak dahil ayaw ko ring palahian. I wish I can have a pet again to at least someone would fill the loneliness and emptiness of this room everytime I'm alone. Just someone who can comfort me without saying words. Someone who can stay by my side when I feel sad, alone, and in pain. Huminga ako nang malalim at nilagyan na ng bandaid ang mahabang kalmot bago nagsuot ng sweater. I just hope the one who did this had clean fingernails or I'll be damned. Baka ito pa ang ikamatay ko. No way. Hindi ko namalayang nakaidlip na ako sa braso ng sofa habang nanonood at hindi pa yata ako magigising agad kung hindi lang sunud-sunod ang doorbell sa may pintuan. Umungol ako bago bumangon habang sinusuklay ang buhok. "Wait lang! My goodness! Stop harassing my doorbell!" I shouted. I didn't even bother to look at the peephole to see whose outside. I just opened the door and Ariz immediately stepped inside before kicking the door closed. Mabuti at nakalayo agad ako roon! "What the hell!" "Talagang what the hell, Savi! Anong katangahang desisyon ang ginawa mong pagpunta sa mall kanina?!" dumagundong ang kanyang boses habang namumula ang kanyang mukha sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD