Si Señorito pala ang nasa likod ko. Walang emosyon sa mukha nito. Hindi ko makita sa guwapong mukha nito ang galit.
Agad akong tumayo at yumuko. “Pasensiya na po Señorito akala ko si Mang Simeon ang dumating dahil ganitong oras po siya naglilinis sa garden”.
Ilang sandali pa bago ko iniangat ang aking ulo. Wala itong reaksyon sa sinabi ko. Hindi ko tuloy alam kung aalis na ako dahil parang ang awkward na.
Kinuha ko ang aking baso at nagpaalam na kay Señorito. “Magandang gabi po, mauna na po ako Señorito”.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at mabilis na umalis sa pool. Nasalubong ko pa si Mang Simeon na nagaalalang nakamasid sa akin.
Alam kasi ng lahat dito sa Mansion ang pagtrato sa akin ni Dragon at wala naman silang magawa dahil ganoon daw talaga ang ugali noon at kahit mga magulang nito ay walang magawa. Siguro dahil lumaking mag-isa at nakukuha lahat ng gustuhin niya.
Nginitian ko na lang si Mang Simeon at ikinampas ang aking mga kamay na nakataas ang aking mga hintuturo sa ibabaw ng aking ulo na parang Sungay hudyat na nandiyaan si dragon.
Nag-aalalang tumingin si Mang Simeon sa kinaroroonan ni Señorito dahil sa takot na baka makita nito ang ginawa ko. Ngumiti ito nang malaman na hindi naman nakatingin sa gawi namin si Señorito.
Hindi naman ako takot kay Señorito. Ano naman kung makita niya, e totoo naman. Tsaka wala naman akong kasalanan sa pagkawala ng mga magulang niya. Naiiyak lang ako dito kapag sumisigaw na galit. Sino bang di maiiyak. Ang lakas ng boses nito at ang tangkad. Nasa halos 6 ft. siguro ito.
Miguel’s POV
“Mang Simeon, kamusta na po?.” Tanong ko dito nang makalapit banda sa akin. Matagal tagal ko na ding hindi nakakausap ito dahil pagkadating ko sa bansa, agad akong humawak ng Kumpanya. Dahil busy na, wala na akong time makipag-kwentuhan pa.
Kung hindi nga lang hirap makatulog ngayon, hindi ako lalabas dito sa pool para uminom ng konti at dalawin naman ng antok.
Naalala ko pa ang mukha ng babae na yun sa dining kanina ng dumaan ako para kumuha ng beer sa Kitchen. Takot sa akin dahil baka sigawan ko ulit. Pero pagod na ako at wala sa mood na magsungit kaya di ko na muna pinansin.
“Ay, señorito, maayos naman ho.” Nakangiting sagot nito.
Tumango naman ako. “Mabuti po na naaalagaan niyo pa din ang garden kahit wala na si Mommy?’
“Aba’y opo Señorito, itong parte ang pinaka-gusto ni Senyora dito sa Mansion kaya hindi maaaring mapabayaan ito”. Sagot nito.
Isa din ito sa pinagtataka ko. Napakamalapit nila Mom and Dad sa mga tauhan namin pero parang hindi ko man lang sila nakitang nalungkot sa pagkawala nila.
Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Ayoko nang mag-isip. Sumasakit na ang ulo ko. Madami pa akong dapat alamin sa Kumpanya. Ito ang dapat kong pag tuunan dahil kapag bumagsak ito, tapos na ang maliligayang araw ko. Kailangan ko itong ma-maintain.
Nasa ganito akong pag-iisip ng rumehistro ang mukha ng babaeng iyun sa isip ko. Nagulat ito kanina sa pagdating ko at inakalang ako si Mang Simeon.
Bilib naman ako dito dahil kahit sinigawan ko ito ng ilang beses, hindi ko pa din makita sa kanya ang matinding takot. Nakakaya niya pa din akong makaharap at maging kalmado. Napangiti ako.
Dumilat ako agad at umiling para mawala ito sa isip ko. Imposible. Bakit ko iniisip ang babaeng iyon? Marahil na-chachallenge lang ako dito dahil lahat ng babae ay nagkakandarapa sa akin dahil sa kaguapuhan ko at yaman namin pero siya, si Bella, parang hindi niya napapansin ang kaguwapuhan ko.
Agad kong nilagok ang beer na hawak ko hanggang maubos ito.
“Bakit hindi pa din umaalis ang babae na yun dito sa Mansion?” Naitanong ko kay Mang Simeon habang inaabot dito ang isang beer can.
Tinanggap naman niya ito at agad na binuksan. “Dito daw si Belle titira sabi ni Jean habang nag-aaral ito dahil iyon daw ang bilin ni Senyora. Parang mag ssponsor ata sa pag-aaral ni Belle si Senyora”.
“Nung malaman ni Belle na wala na sila Senyora na, nalungkot siya dahil hindi na din daw iba ang Mommy mo sa kanya at nagpasiya siyang umalis na dahil wala na daw ang mag-papaaral sa kanya at wala na ring dahilan na manatili siya dito”. Mahabang litanya ni Mang Simeon.
Lumagok ito ng beer at muling nagsalita. “Ilang beses na iyang tumakas dito sa Mansion dahil pinapa-alis ninyo. Gusto na niyang umalis kaso ang bilin kasi ni Jean ang kailangan sundin dahil iyon daw ang ibinilin ng iyong magulang. E hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag si Jean dito sa Mansion. Naaawa na nga kami sa batang iyan”. Dagdag pa nito.
Napa-kunot ang aking noo. “Bata? Where did you get that Manong e sa ichura niya mukha na siyang —“. Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Hindi ko dapat itinutuon ang pansin dito.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ngiti ni Manong.
“Napansin mo din pala Señorito? Eighteen pa lang yang si Belle pero napaka tapang na bata. Parang walang kinatatakutan. Kahit ang mga guard dito sa Mansion walang magawa noon kapag nagpupumilit si Belle na makalabas. Kung hindi nga lang daw mahigpit na binilin ito ni Jean na wag umalis si Belle, hinayaan na daw nila dahil sa tigas ng ulo”.
Parang imposible naman, ang amo ng mukha niya tapos amazona? Naibulong ko na lang ito sa sarili ko dahil ayoko ng sumagot at baka humaba pa ang usapan namin.
Nang maubos ko na ang beer at dinalaw na din ako ng antok, nagpasiya na akong magpaalam na kay Manong at umakyat na.
“Sige po Señorito, kailangan niyo na din magpahinga dahil mukhang maaga na naman kayo papasok bukas.”
Tinanguan ko lamang ito at umakyat na.
Naglalakad ako sa isle papuntang kuwarto ko ng maisip ko na dito na lang sa guest room matulog ngayong gabi. Medyo malayo pa ang kuwarto ko dahil isa iyon sa master’s bedroom at nakapuwesto sa pinaka-dulo ng Mansion kung saan makikita ang kabuuan ng swimming pool.
Mabilis kong binuksan ang pintuan ng guest room at pumasok na. Agad akong naghubad at tanging brief na lamang ang suot ko ng mapansin ko na may nakahiga sa kama.
Nilapitan ko ito para malaman kung sino ang babaeng nakahiga. Napangisi ako ng makita kong si Belle iyon.
Dito ako matutulog sa tabi nito. Kung ayaw niyang umalis dito, gagawa ako ng paraan para mainis ito at ng umalis na dito sa Mansion.
Agad naman akong naka-tulog dahil siguro sa nainom ko at pagod sa trabaho.