Pagpasok ng mag-asawa sa loob ng kanilang silid ay pumasok agad sa CR si Edward, pagkalabas niya ay naka tapis lang ito ng tuwalyang puti sa ibabang bahagi ng katawan. Kung dati ay nahihiyang titigan ni Athena ang katawan ng kaniyang asawa. Ngyon at hindi na, kasi siguro nasasanay na rin ito. Nang bigla siya nitong lapitan at yakapin. "Babe, pagpasinsiyahan mo na si Troy ah?" paumanhin ni Edward sabay hawak sa magkabilang pisngi ng kaniyang asawa gamit ang dalawang palad nito at nakatingin sa kaniyang mga mata. "Alam ko hindi maganda ang una nyong pagkikita at hindi rin maganda ang inasal niya kanina, pero Babe mabait at mapagmahal si Troy. Alam ko na magkakasundo rin kayo at makikita rin niya kung ano'ng nakita ko sa 'yo." Hindi tuloy alam ni Athena kung sasabihin ba niyang okay

