At habang hinahalo ni Athena ang wine na hawak nito na may pampatulog ang siya namang saktong lumabas ang binata galing ng CR. Naka tuwalya lamang ito ng puti at natatakpan lang ang ibabang bahagi ng katawan. Kaya bigla na lamang napatalikod ang dalaga dahil hindi niya matagalan ang nakikita ng kaniyang mga mata. "Ano ba 'yan, Sir? Takpan n'yo naman po. At ang sagwang tingnan. Isa pa bata pa po ako," wika ni Athena na hindi makatingin sa binata. "Bata ka pa ba, Jennifer? Ang alam ko hindi na, eh. Kasi, hindi ka makakapasok sa Bar, kung wala kang 18 years old, 'di ba?" balik na tanong naman ni Edward. "Huwag mong sabihing--" ngayon ka lang nakakita ng ganitong katawan?" pahabol pa na tanong nito habang ngumingiti ng nakakaloko. Nang bigla lumapit si Edward sa dalaga at sinabing, "B

