Alas sais na ng hapon nang umuwi si Athena sa bahay galing sa university na pinapasukan nito. Pagpasok niya ng bahay ay sinalubong ito ni Manang Meding. "Hija, dumating kana pala? Hindi ka ba sinundo ni Troy?" tanong nito. "Ahm, hindi na po. Kasi may inaasikaso raw po siya sa opisina nila," pagsisinungaling nito. "At tyaka, kaya ko naman pong umuwi mag-isa umuwi, hindi na po ako bata," pahabol pa na wika nito. "Iyon kasi ang bilin Edward kay Troy. Baka mamaya malaman ng asawa mo," wika naman ng ginang. "Ah, Manang. Kapag tumawag po si Edward sa inyo puwede po bang huwag niyo na lang pong sabihin. Isa pa po, alam niyo naman po na hindi kami magkasundo ni Troy. Ayoko ko lang po na mag-aalala pa si Edward," pakiusap naman nito kay Manang. "Oh sige, hija. Huwag kang mag- alala naiintind

