Biglang saad ni Edward at dinampian nito ng halik sa noo ang asawa. "Sige po, Inay. May aasikasuhin lang po ako at nagmano din ito sa kaniyang biyanan. Patakbong lumabas ng bahay. Hinatid na lamang ni Athena ng tanaw ang papalayong asawa nito. Nang may pumasok na isang babae na may edad na rin. "Oh, hija. Mabuti pa kumain ka na sigurado akong napagod ka sa biyahe. Ako nga pala si Meding, ako na ang nag-aruga at halos ako na rin ang napalaki kay Edward at sa kapatid nito," pakilala ng babae. "P-Po? Nasaan po ang kapatid n'ya?" "Wala siya dito at busy 'yon palagi. Hindi bale, hija. Makikilala mo rin siya malapit na." Makahulugang saad naman ng ginang. "Ah.." mabuti pa po kumain na tayo," aya na lamang ni Athena at nagtungo na sa hapagkainan.. Gabi na pero hindi pa rin ako makatul

