MABILIS na dumaan ang araw hanggang sa umabot na ng ilang araw si Athena sa hospital. At nakalabas ito sa hospital dahil okay naman na raw ang bata sa kaniyang sinapupunan, basta mag-ingat lang siya at inumin ang mga vitamins na nireseta ng doctor. Bawal din itong ma-stress dahil maaapektuhan ang bata sa sinapupunan nito. Pagdating nila sa bahay ay inalalayan siya ni Troy na bumababa ng sasakyan. Hanggang sa walang pasintabi siya nitong buhatin. "Buhatin na kita para hindi ka mapaano at hindi ka mahirapan," saad ni Troy sabay buhat. Nang bigla siyang binuhat nito ng walang pasintabi at pa bridal style ay naalala na naman ni Athena ang asawa nito dahil sa ginawa ni Troy. Pinigilan niyang pumatak ang kaniyang luha para hindi ito mapansin ng binata. "Ibaba mo na ako, kaya ko namang mag

