Nagkita Rin Kami Muli

1703 Words
Magkahawak ang kanilang mga kamay habang nakasakay sa bus, minsan ay hahalikan ni Glenn ang kabila ng palad ni Chloe at bubulong na, "i love you" na sya rin naman sinasagot ng "i love you" ni Chloe o kaya ay isang ngiti. Nang makarating sila ng Pampanga, pagbaba ng bus ay sumakay na agad sila ng tricycle para makauwi na sila sa kanilang mga bahay. Inalalayan ni Glenn si Chloe sa pagbaba ng bus at pagsakay ng tricycle. Ilang minuto pa at...."Inay! Itay!" Agad na sinalubong ng magasawang Salud at Joel si Chloe at Glenn. Yumakap ang dalaga sa kanyang ama. "Kala ko po hindi ko na kayo makikita" ang wika ni Chloe at tumugon si Mang Joel na, "Akala ko din anak, kumain naba kayo?" Sa tanong na ito, sinabayan ni Glenn ng pagmano kay Mang Joel. Parang anak ang turing ni Aling Salud at Mang Joel kay Glenn, sa tagal ng magkaibigan ng anak nila at si Glenn ay nasanayan na nila ito na kasa-kasama lagi ni Chloe kahit saan. "Kaawaan ka ng Diyos" ang tugon ni Mang Joel sa paggalang na mano ni Glenn. "Kamusta na po kayo." Ang tanong ni Glenn kay Mang Joel. "Maayos naman at salamat sa Diyos at nakauwi ako" Habang naguusap sila ay nagaayos ng makakain si Aling Salud. "Salamat nga pala Glenn sa pagsama mo kay Chloe sa Manila." Ang wika ni Aling Salud at tumugon si Glenn, "Okay lang po yun, tutuloy na rin po ako at papasok pa din po ako, ilang araw din po ako nawala, baka tambak na po ang trabaho ko." Nagpaalam sya kay Aling Salud, kay Mang Joel at kay Chloe na nakayakap pa rin sa kanyang ama. "Itay, anu po ba ang nangyari sa inyo?" Ang tanong ni Chloe sa kanyang ama. Malapit ang mag ama sa isa't isa at very sweet sa bawat isa. At nagsimulang magkwento si Mang Joel. "Nung araw na umalis ako, nasa Quezon City na ako, pero pagbaba ko sa may West Avenue para bumili ng pasalubong na prutas sa Tiya Ditha mo ay bigla akong nahilo. Nang magmulat ang aking mga mata ay nasa Quezon City General Hospital na ako. Kaya lamang ay nawala ang aking cellphone, ang wallet at ang bag ko, kayat hindi ko malaman kung paano kayo kokontakin. Bago ang cellphone number ng nanay mo kaya hindi ko pa kabisado. Ang tanging naaalala ko ay telepono ng opisina namin." "Naku, itay, buti nalang at may naalala ka pa pong telepono."ang pabiro na wika ni Chloe, "Tapos po anu nangyari?" Pasunod na tanong ni Chloe sa kanyang ama. "Kinabukasan na ako napuntahan ng aking ka opisina, ngunit sa ospital ay ayaw pa akong paalisin at kailangan daw akong bigyan ng mga test. Kinuhanan ako ng dugo, na ECG din ako at Xray. Tinignan nila kung bakit daw ako hinimatay, kayat dalawang araw ako sa ospital." "Anu po ang resulta ng mga exam mo po?" Ang nagaalalang tanong ni Chloe sa kanyang ama. "Maayos naman daw at walang dapat ipagalala. Marahil daw ay napuyat ako at sa lamig ng bus at biglang init sa kalye ay nahilo ako at bumagsak."ang tugon ng kanyang ama. "Sigurado ka po, tay, ok ka na po." Ang tanong muli ni Chloe. "Oo, anak, maayos na ako. Salamat sa pagaalala. Kamusta ka naman sa Manila?" Ang tanong ni Mang Joel sa kanyang anak. "Maayos naman po. Nakipagbuno lang po sa init, sa traffic, at sa dami ng taong sumasakay sa MRT. Naku tay, grabe ang dami ng tao! Salamat po at andito kana." Ang wika ni Chloe. "Tay, okay ka na po ba? Papayagan mo po ba akong pumasok mamaya sa opisina?" Ang tanong ni Chloe sa kanyang ama. "Oo, anak, maayos na ako. Pumasok kana at baka mapaalis ka sa trabaho." Ang wika ng ama ni Chloe. Nagtatrabaho si Chloe sa isang Call Center at pang gabi ang schedule ng pasok nya. Tumabi muna ito sa kanyang ama na nanonood ng telebisyon hanggang matapos ang kanyang in na magluto at mag ayos ng kanila pananghalian. "O, kumain na tayo!" Ang sigaw ni Aling Salud sa mag ama nya. Agad naman pumunta ang mag ama, "Tara, nak, at nagugutom din ako." Ang wika ni Mang Joel. "Namiss mo luto ni Nanay noh?" Ang pabirong wika ni Chloe sa kanyang ama. Niyakap ni Mang Joel si Aling Salud galing sa likod nito at nagpasalamat sa napakasarap na niluto nito. "Sino ba naman ang hindi makakamiss sa luto ng nanay mo, amoy palang..ulam na!" Ang pabirong wika ni Mang Joel. At habang sila ay kumakain ay nagkwento pa muli si Mang Joel sa mga nangyari sa kanya, gayun din naman si Chloe at si Aling Salud. Nang matapos silang kumain ay nagprisinta na si Chloe na mag ligpit at maghugas ng kanilang pinagkainan. "Sige po, magkwentuhan na kayo sa sala at alam ko namang namiss nyo ang bawat isa." Ang sambit ni Chloe. Habang nagliligpit ito ay napatanong sya sa kanyang ama, "Kelan po ang bakik mo tay sa Manila, panigurado bigla kang namiss ni Tiya Ditha. At kung may kasama laman yun papunta dito ay andito yun agad." Napangiti si Mang Joel at sumagot, "baka sa isang araw na anak at may iniintay pa akong padala bago ako tumungo sa Manila." "Ay ganun po ba." Ang wika ni Chloe habang ito ay naghuhugas ng mga plato. "Ngunit kung dumating ito ngayon ay maaring bukas ng umaga ay umalis na ako pa Manila." Ang tugon naman ni Mang Joel. "Kaya mo na po bang magbyahe uli, tay?" Ang maalalang tanung ng dalaga sa kanyang ama. "Ay oo naman, anak. Ang bata bata ko pa e...hahahahaha." Ang palabirong wika ni Mang Joel. Maya maya pa ay may kumatok sa kanilang bahay. "Dito po ba nakatira si Mr. Joel Rodriguez?" Ang pasigaw na tanong ng kamakatok sa kanilang pintuan. "Ah, malamang ay ito na yung iniintay ko." Ang wika ni Mang Joel habang tumutungo ito papunta sa pintuan. Pagkapasok nito ay may dala dala ito na bouquet ng bulaklak na kanyang dineretso at inihandog sa kanyang mahal na asawa na si Aling Salud. Humalik ito sa kanyang noo at nagwika, "Bigla kong naisip na saglit lang ang buhay kaya't dapat ay inihahandog ko syo ang mga ito." Ang wika ni Mang Jonel. Agad namang niyakap ni Aling Salud ang kanyang asawa at ito ay napangiti at nagpasalamat. "Naku, ng sweet nmn ng mga magulang ko, uuuyyyy..." ang mapanuksong wika ni Chloe. "Makaalis nga ng maaga, at patulugin nyo si Fiona ng maaga...hahahhaha!" Ang patuloy na panunukso ni Chloe. Upang makapagsolo ang kanyang mga magulang ay pumasok na si Chloe sa kanyang silid at ito ay nagpahinga muna. Sa sobrang puyat nya dahil sa kapilyuhan ni Glenn ay nakatulog din ito ng mga 2 oras. Paggising nya ay naisip nya ang mga pangyayari sa buhay nya at medyo nagaalala ito. May mga tanong sya sa sarili nya. Mahal nga ba sya ni Glenn o sadyang natukso lamang ito? Paano kung mabuntis sya, anung paliwanag at paano nya sasabihin ito sa mga magulang nya? Naisip din na na kung sa bagay ay madalas na itong itaboy ng kanyang mga magulang para mag asawa omagkaroon man lang ng kasintahan. Maya maya pa ay nag ayos na ito ng kanyang sarili at ng kanyang mga gagamitin at dadalhin sa trabaho nya. "Magandang hapon po." Ang tinig ni Glenn na nagbigay galang sa mga magulang ni Chloe. Nagulat si Chloe at nasa bahay nila si Glenn, malamang ay kakalabas lamang nito sa kanyang trabaho ay dumiretso na ito sa kanila. "O, Glenn, ikaw pala. Pasok ka? May lakad ba kayo ni Chloe?" Ang kamusta ni Mang Joel kay Glenn. "Wala po, napadaan lang po e may pupuntahan po ako malapit sa trabaho ni Chloe kaya sasabay nalang din po ako sa kanya at ihahatid ko nalang po sana sya, papasok po ba sya?" Ang tugon ni Glenn. "Oo, nagaayos lang sya at paalis na din yan. Kain ka muna." Ang alok ni Aling Salud habang ito ay naghuhiwa ng mga sangkap ng kanyang lulutuin. "Naku hindi na po, kakatapos lang po at may nagbirthday po sa opisina." Ang nahihiyang sagot ni Glenn. Kahit na matagal na sya sa bahay nila Chloe nagpupunta at medyo sanay na ito ay may respeto at hiya ito kay Mang Joel. "Upo ka muna at lalabas na si Chloe maya maya. Chloe!" Ang alok kay Glenn at pagtawag kay Chloe. "Chloe, andito si Glenn!" Ang pasigaw na tawag kay Chloe ni Mang Joel, dahil nasa loob pa ng kwarto ang dalaga. Paglabas ni Chloe ay nagwika ito, "O bes, napadaan ka?" "Sasabay lang ako syo, may pupuntahan ako malapit sa office mo, sige, libre na nga kita sa pamasahe." Ang pabirong sagot ni Glenn kay Chloe. Natawa nalang ang nanay at tatay ni Chloe sa biruan ng dalawa. At habang nagsasapatos si Chloe na doll shoes ay nagmano na ito sa kanyang ina, sabay bigkas na,"Tiran mo po ako nyang niluluto mo at aghan ko yun bukas pag uwi ko." Ang bilin na wika ni Chloe. "O sya, lumakad na kayo at baka magdilim na." Ang pagaalalang wika ni Mang Joel. "Magingat kayong dalawa." Ang pahabol na bilin nito. Nagpahabol na wika si Glenn, "Sya nga po pala Tito Joel, pwede po ba akong makisabay sa inyo bukas, may lalakarin po kasi ako sa Manila na utos po sa City Hall...kung okay lang naman po sa inyo?" "Abay, sayang at kakagaling mo lang din sa Manila, sana ay naisabay na, pero sige...alas 5 ang alis natin, kaya mo ba?" Ang tanong ni MangJoel sa kanya. "Opo, punta nalang po ako dito bago mag alas 5, salamat po." Ang tuluyan ng umalis ang dalaga at binata. "Bakit ka sasabay kay itay?" Ang anong ni Chloe kay Glenn na may pagtataka. "Gusto ko lang makasigurado na ayos syang makakarating sa trabaho nya hindi tulad nung isang araw." Ang tugon ni Glenn sa kanya. "Salamat, maraming salamat." At sumakay na sila ng pampasaherong jeep papunta sa trabaho ni Chloe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD