MARIEL PENINCULA Sumapit na ang umaga nang hindi ko man lang namamalayan. Hindi ako nakatulog as in. Paano ba ko makakatulog kung magdamag akong nagbantay sa tabi ni Hernold? Baka kung ano kasing gawin sa 'kin! Malay ko ba kung bigla na lang niya kong gapangin or what! Hindi daw makatulog ang isang 'to pero may liwanag na sa labas nang gumising siya. Ni hindi man lang siya naalimpungatan. Hanep! Wala rin naman akong nagawa. Kung minsan ay tinatapik ko na lang ang binti ni Kleo sa tuwing gagalaw siya habang nakatihaya ako ng higa. Nakaharap kasi sa direksiyon ko si Hernold. Baka may kung anong makapa ako kapag tumalikod ako sa kanya kaya huwag na lang. "What? Eat your food now." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos marinig ang boses ni Hernold. Sinam

