CHAPTER 3

1023 Words
MARIEL PENINCULA Pagkalipas ng ilang sandali e napaisip din ako sa naging tanong sa akin nung lalaki pero kahit na med'yo alam ko nang ako talaga ang mali sa pagkakataon na 'to, pinanindigan ko pa rin ang katwiran ko kanina. "Alam kong hindi ka sumigaw sa bata, pero alam mo kasi? Awra mo pa lang e parang papaluin mo na siya. Saka isa pa—" "What? I've never hit my son. Who are you to talk to me like that?" Sinamaan ko ng tingin ang walang expression na mukha ng lalaki. "Hindi ko nga kayo kilala! Kulit nito. Ako si Mariel. Mariel Penincula. Happy? Ay ewan. Issue n'yo 'yan." Inis kong binalingan ng tingin 'yong bata na nasa harapan ko pa rin at sinamaan ko siya ng tingin. "Oy, bata. Mukha ba kong mabait? Mukha lang akong maganda pero hindi ako mabait, okay? Bumalik ka na sa daddy mo at bitiwan mo na ko." Tinanggal ko 'yong kamay ng bata na nakayakap pa rin sa akin. Maglalakad na sana ako palayo sa kanila pero bigla na lang umiyak 'yong bata at natigilan ako nang marinig muli ang boses ng lalaki. "Tsk. Go and get her inside the car as well. I'm busy so we should not waste our time here." Nanlaki ang mata ko nang may bigla na lang humawak sa dalawang braso ko. Aba! Adik yata ang isang 'to ah. "Hey! Bakit kasama ako? Anong kasalanan ko sa inyo?! Bitiwan n'yo ko!" Dalawang lalaki ang may hawak sa dalawang braso ko ngayon at hinihila nila ko papasok sa sasakyan nila pero s'yempre, hindi naman ako bobo para magpahila na lang sa kanila. Ginamit ko talaga ang buong makakaya ko para makawala sa pagkakahawak nila sa akin. Nagpumiglas ako ng husto at nang malapit na kaming makarating sa may sasakyan nila, ginamit ko na ang paa ko para tadyakan silang dalawa sa bayag nila. Napabitaw agad sila sa akin pagkatapos ng ginawa ko sa kanila at ngiting tagumpay naman ako dahil sa nangyari. Humarap ako sa direksiyon ni kuyang pogi na may anak na at ngumisi ako sa kanya. "Hindi porket may pera ka, madudukot mo na ko agad. Pakyu ka ngayon!" Pinakita ko sa kanya ang middle finger ko at pagkatapos, kumaripas na ko ng takbo bago pa niya ko mahawakan ulit. Pft! Hindi matanggal ang ngiti ko dahil sa nangyari. Bad trip ako dahil sa ginawa ng kuya ko at med'yo natanggal ang sama ng loob sa sistema ko dahil sa ginawa ko sa lalaki. Sayang. Guwapo pa naman sana siya at mayaman. Mukha pa ngang bata 'yong tao e kaso may anak na. May sabit na. Hindi naman sa type ko siya. Takte! May time pa ba ko para doon? Pero in fairness ha. Siguro masarap 'yon sa kama. Pft! Anyway, nakaramdam na ko ng pagod sa kakalakad kaya umupo na lang muna ako ulit sa may gilid ng kalsada pero hindi pa rin ako pakampante. May ibang tao pa ang humahabol at naghahanap sa akin at ngayon, nadagdagan pa sa hindi ko malamang dahilan kung bakit. Tsk. Wala naman kasi akong atraso sa mga 'yon. Hindi ko alam kung bakit trip nila kong kunin. Wait. Mali pala. Anong trip ng anak ng lalaking 'yon at pinagkamalan niya pa kong nanay niya? Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti mag-isa dahil may naisip na naman ako. Siguro kamukha ko 'yong nanay niyang maganda kaya napagkamalan niya ko. Kung sabagay, kapag maganda talaga ang isang tao at kahit na mahirap pa siya e madali lang siyang magustuhan ng isang tao kahit bata pa 'yan. Baka naman gusto lang akong maging nanay ng batang 'yon dahil nagagandahan siya sa akin. Gusto niya siguro akong maging kamukha. Pft! Kaya lang, hindi naman siya sa akin ng galing e. Isa pa, guwapo 'yong tatay niya pero mukha akong delikado doon. Parang member pa nga ng basag ulo ang isang 'yon pero curious pa rin ako kung masarap siya sa kama. Pft! "Nakita n'yo na ba siya?" Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang may marinig akong boses hindi kalayuan mula sa kinalalagyan ko. Nanlaki pa nga ang mata ko dahil pamilyar pa sa akin 'yong boses. Nalintikan na! Nandito na naman 'yong mga inutangan ng utol ko! Tsk. No choice ako kundi tumakbo na naman. Para na kong kriminal nito e. Ako pa talaga ang naging kriminal dahil sa kuya kong nagtatago hanggang ngayon. Tsk. Hindi ko na tuloy alam kung saan na ko magtatago nito. Baka kailangan ko na lang magtago muna kahit saan. Tsk! CLARK JEM HERNOLD The f*ck with that woman! Nang dahil sa kanya, mahuhuli pa ko ngayon sa meeting ko. Tsk! Pumasok ako sa loob ng sasakyan habang humihikab pa ko dahil sa antok na nararamdaman ko ngayon. Actually, I'm always lazy to go out to work every day. That's why sometimes, I just let my secretary do the work for me. However, there are things that she can't do without me and that's when the time that I need to wake up and work. Kaya sa oras na gumalaw ako, kailangan talaga na lahat ay nakaayon din dapat sa plano ko pero may pagkakataon na iniinis ako ng sarili kong anak. Tsk. Lahat na ginawa ko para bigyan siya ng personal maid pero lahat ng 'yon, umaayaw sa trabaho nila wala pang isang linggo ang lumilipas. I don't know what my kid did for them to resign even if I paid them well and I can't leave him alone since someone will probably kidnap him and use him against me. Not that I care so much about him. I just want to do what I have to do for my child. Tsk. "Sir, what are we going to do with the woman?" "Tss. Tinatanong mo pa talaga ang tungkol d'yan? Of course, you need to find her. She's the only one we need to take care of this child." Tumingin ako sa katabi kong si Kleo pagkatapos kong magsalita. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon at kanina pa ko naririndi sa iyak niya. Tsk. I really have no choice but to find that woman he chose to take care of him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD