MARIEL PENINCULA "Mariel, look at me. What's wrong with you?" Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko sinunod ang gusto ni Hernold. Tumingin ako sa kanya. Nakataas pa ang isang kilay ko dahil bigla akong naguluhan. Bakit ba parang isang batang paslit akong naguguluhan ngayon? Wala naman akong dapat ikalungkot sa nangyari. Tsk! Kung talagang wala lang 'yong nangyari samin kanina, hindi na rin dapat ako magalit sa kanya. Kakalimutan ko na lang 'yon kung 'yon ang gusto niya. "Bakit, sir? Ano pa po bang kailangan kong gawin?" tanong ko kay Hernold. Hangga't maaari nanatiling normal ang expression ng mukha ko dahil ayo'kong ipahalata sa kanya ang totoong nararamdaman ng sistema ko ngayon. Tinitigan ko siya at sinalubong ang bawat titig na binibigay niya

