I slowly opened my eyes, still feeling the weight of exhaustion from earlier. Napapikit pa ako nang ilang beses bago tamad na inabot ang cellphone ko sa bedside table.
Nang makita ko ang oras, halos malaglag iyon sa kamay ko, 6:00 PM na pa bigla akong napabangon.
Napahawak ako sa noo habang pilit inaalala ang mga dapat kong gawin maya-maya, bigla akong napasinghap Wait, My day off!
I was supposed to ask Sebastian for a day off tomorrow!
Napakagat ako sa labi damn it, Scarlett. How could you forget something so important?
Mabilis akong bumaba ng kama. Dahil sa sobrang pagmamadali, hindi ko na napansing pantulog pa rin ang suot ko. Basta na lamang ako nagsuot ng tsinelas at dali-daling lumabas ng aking silid.
Halos patakbo akong bumaba ng hagdan hanggang sa marating ko ang ground floor Hindi Kona naisipan pang mag elevator.
Doon ko agad namataan si Mr. Reyes na may hawak na ilang folders.
"Mr. Reyes!" napalingon siya sa akin.
"Good evening, Miss Scarlett."
"Good evening." Bahagya akong ngumiti.
"May I ask where Mr. Sebastian is?" hindi na siya nag-atubiling sumagot.
"Mr. Sebastian is in his office."
"Thank you, Mr. Reyes."
"My pleasure."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras mabilis akong nagtungo sa opisina ni Sebastian habang naglalakad, paulit-ulit kong iniisip ang sasabihin ko.
Bigla akong natigilan sa tapat ng pinto ng opisina huminga ako nang malalim marahan kong itinaas ang aking kamay at kumatok nang tatlong beses.
Knock. Knock. Knock.
"Come in." mababa at pamilyar ang boses na iyon.
Huminga muna ako nang malalim bago marahang pinihit ang doorknob.
Pagkabukas ko ng pinto, agad kong nadatnan si Sebastian na nakaupo sa swivel chair sa likod ng kanyang malaking mesa. Nakasuot siya ng puting dress shirt na bahagyang nakatiklop ang manggas hanggang siko, habang ang kurbata niya ay maluwag na tila katatapos lamang ng mahabang araw ng trabaho.
Hindi man lang siya agad tumingin sa akin, abala pa rin siya sa pagbabasa ng mga dokumentong nasa harapan niya halos maalala ko nanaman Ang nangyare sa loob ng banyo nya.
"Good evening, Sir."
"Good evening." Maikli niyang tugon habang patuloy na pumipirma sa ilang papeles.
"What is it?" Napalunok ako dahil sa malamig na tono ng kanyang boses.
"I... I'd like to ask for a favor."
Doon lang niya itinigil ang pagsusulat.
Marahan niyang ipinatong ang fountain pen sa mesa bago tuluyang iangat ang tingin sa akin.
"What kind of favor?"
"I'd like to request a day off tomorrow, Sir."
Hindi siya agad nagsalita. nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang bawat kilos ko.
"And why do you need a day off?"
"I want to visit my younger sibling at the hospital. It's been two weeks since I last spent time there."
Tahimik siyang nakinig ilang segundo ang lumipas bago siya bahagyang tumango.
"How long will you be gone?"
"I'll be back before evening, Sir. I promise."
Muli siyang natahimik tumayo siya mula sa kanyang upuan at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.
Hindi ko namalayang kusa akong napaatras ng isang hakbang huminto siya sa harapan ko amoy ko Ang alak na nag mumula sa kanyang bibig.
"I'll approve your request." napangiti ako.
"Really?"
"Yes."
"Thank you so much, Sir."
Bahagya siyang tumango, ngunit hindi niya agad inalis ang tingin sa akin sa halip Unti-unti niyang pinagmasdan ang suot ko nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"What are you wearing?" napakurap ako.
"Uh..."
Sinundan ko ng tingin ang direksyon ng mga mata niya doon lang ako tuluyang natigilan Nanlaki ang mga mata ko.
Oh my God pantulog ko pa rin ang suot ko sa sobrang pagmamadali, nakalimutan kong magpalit ng damit unti-unting uminit ang buo kong mukha.
"Are you trying to seduce me?" Huh anong seduce ganito talaga Ang pantulog ko no!
Mabilis kong tinakpan ang sarili gamit ang magkabilang braso, halos gusto ko nang lamunin ako ng sahig sa sobrang hiya.
"N-no.. S-Sir" Mahinang sambit ko sakanya marahan syang lumakad ulit palapit sa akin hangang sa Napaatras pa ako nang isang beses hanggang sa tuluyan nang sumandal ang likod ko sa malamig na pader.
Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan at ang banayad na amoy ng mamahaling whiskey na humahalo sa pamilyar niyang pabango.
Humugot siya ng malalim na hininga.
His eyes were fixed on mine, darker than usual, as if he was trying to read every thought running through my head.
Hindi ako makagalaw pakiramdam ko ay nakalimutan ko kung paano huminga.
"Sir..."
Mahina kong tawag hindi siya agad sumagot sa halip, marahan niyang iniangat ang isang kamay at inilapat ito sa pader sa tabi ng aking ulo.
Hindi niya ako hinawakan ngunit sapat na ang pagitan naming dalawa upang maramdaman kong para akong nakakulong sa pagitan niya at ng pader.
Ipinikit niya sandali ang kanyang mga mata bago muling tumingin sa akin.
"You should get some rest." Marahan siyang tumalikod sa akin wala na siyang ibang sinabi.
Tahimik siyang naglakad pabalik sa kanyang mesa at naupo sa swivel chair. Kinuha niya ang baso ng whiskey na naroon, saka marahang inikot ito sa kanyang kamay bago muling ininom ang natitirang laman nito.
Nanatili lamang Akong nakatayo sa kinatatayuan ko hindi ko alam kung bakit parang nanigas ang mga paa ko.
Humugot ako ng malalim na hininga mabilis akong yumuko bilang paggalang.
"Good night, Sir."
Hindi ko na hinintay ang magiging tugon niya marahan kong binuksan ang pinto at dali-daling lumabas ng opisina.
Pagkasara ng pinto, saka ko lang napakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.
Hindi na ako lumingon pa mabilis akong naglakad sa mahabang pasilyo ng mansion, halos tumatakbo sa sobrang pagmamadali. May ilan akong nakasalubong na
bodyguards na magalang na bumati sa akin.
"Good evening, Miss Scarlett."
"good eve Bellamy"
"hi Bellamy"
Ngunit hindi ko na sila halos napansin abala pa rin ang isip ko paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang paraan ng pagtitig ni Sebastian, ang mababang boses niya, at ang banayad na amoy ng whiskey na nanatili sa hangin habang magkalapit kami.
Napailing ako nalang Ako sa Sariling inisiip
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad hanggang sa marating ko ang aking silid.
Pagkapasok ko, mabilis kong isinara ang pinto at isinandal ang likod ko rito.
Saka marahang napadausdos paupo sa sahig, hawak ang dibdib kong tila ayaw pa ring kumalma sa sobrang lakas ng t***k nito.