CHAPTER 1

3263 Words
Scarlett Pov's Mahigpit kong hinila ang maliit kong kulay itim na maleta habang nakatayo sa harap ng napakalaking gate ng Deveraux Mansion. Nakasabit naman sa balikat ko ang luma kong shoulder bag na naglalaman ng ilang mahahalagang dokumento at ang iilang gamit na hindi kasya sa maleta. Hindi ko maiwasang mapatingala sa mansyong nasa harapan ko. Yesterday, I was desperately looking for a job. Today, I was about to live in the house of one of the richest men in the country. Huminga ako nang malalim bago ko inilipat ang tingin sa guardhouse. "Good morning po. Ako po si Scarlett Bellamy... bagong hire na maid." Agad namang tiningnan ng guwardiya ang listahang hawak nito bago ngumiti. "Ah, ikaw pala si Miss Bellamy. Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Reyes. Pasok ka na." Unti-unting bumukas ang malaking gate. Hinila ko ang maleta ko at tahimik na pumasok sa loob. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, lalo kong narerealize kung gaano kalaki ang lugar na ito. Hindi ko namalayang bumagal ang paglalakad ko habang papalapit kami sa mismong mansion. Mula sa malayo ay maganda na itong tingnan, pero mas lalo akong namangha nang makita ko ito nang malapitan. The mansion stood proudly in the middle of an enormous property, built with cream-colored stones that gave it a timeless elegance. Malalawak na floor-to-ceiling windows reflected the morning sunlight, habang ang mga puting haligi sa harapan nito ay nagbibigay ng mala-palasyong itsura sa buong bahay. Sa gitna ng driveway ay may malaking fountain na napapalibutan ng mga puting rosas at maayos na trimmed na mga halaman. Everything looked so luxurious that I found myself wondering if I was looking at a home... or a private hotel reserved only for the rich. Pagkapasok pa lang namin sa loob ay mas lalo akong natigilan. Bumungad agad sa akin ang napakataas na kisame na halos hindi ko na matanaw ang dulo. Sa gitna nito ay nakasabit ang isang napakalaking crystal chandelier na kumikislap sa bawat tama ng liwanag. The marble floor beneath my feet was so polished that I could almost see my own reflection. Sa magkabilang gilid ng entrance hall ay may dalawang magagarang hagdan na paikot ang disenyo, habang ang dingding ay pinalamutian ng mga mamahaling paintings at antique decorations na mukhang ilang daang taon na ang tanda. Kahit ang hangin sa loob ay may kakaibang amoy malinis, presko, at may halong mamahaling wood polish. Pakiramdam ko, kahit maglakad ako nang limang minuto ay hindi ko pa rin mararating ang mismong pupuntahan ko sa sobrang laki at haba ba Naman ng bawat pasilyo rito malamang sa malamang ay Higit limang minuto Ang kaylangan mong lakarin bago ka makarating sa pupuntahan mo.. "Miss Bellamy." Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Mr. Reyes nasa mid 50's na ito pero Hindi mo aakalaing nasa ganong edad na ito dahil matipono Ang katawan At magandang lalaki din ito kung Hindi lang dahil sa puti nyang buhok aakalaing mong trentahin lang sya. Nagmamadali itong lumapit sa akin at agad kinuha ang hawakan ng maleta ko. "Ako na rito." "Hala, okay lang po. Kaya ko naman." He smiled politely. "Trabaho ko rin ang siguraduhing maayos ang pagdating ng bawat staff dito." Nahihiya man ay hinayaan ko na lang siyang dalhin ang maleta ko habang sabay kaming naglalakad. Kahit saan ako tumingin ay puro mamahaling kagamitan ang nakikita ko. Mula sa malalaking chandelier hanggang sa mga paintings na nakasabit sa dingding, halatang bawat sulok ng bahay ay pinagkagastusan. Pakiramdam ko tuloy, kahit aksidenteng makabasag lang ako ng isang vase ay baka ilang taon akong magtrabaho para lang mabayaran iyon. "Kinakabahan kaba?," ani Mr. Reyes nang mapansin niyang palinga-linga ako. Napangiti na lang ako kahit halatang pilit. "Medj po" sabay tawa ng peke. Huminto kami sa gitna ng malawak na living room. Mula roon ay kitang-kita ang dalawang magarbong hagdan na paikot ang disenyo, habang sa ikalawang palapag ay may mahabang hallway na puno ng saradong pinto. "Bago kita ipasyal, may kailangan kang malaman." Tahimik akong tumango. "Ikaw lang ang maid na nakatira rito." napakunot-noo ako. "Po?" "Matagal nang walang maid ang mansion. Hindi tumatagal ang mga dating nahahire ni Sir Sebastian." "Hindi po ba kayo marami rito?" "Marami." Napatingin siya sa direksiyon ng dining area. "Kaso... puro bodyguards." Parang may mali akong narinig. "Bodyguards?" patanong na sabi ko para makasiguro na Tama nga Yung narinig ko. Mahina siyang tumawa. "Dalawampu silang lahat." "B-Bakit po gano'n karami?" "Basta tandaan mo na lang, huwag kang matatakot sa kanila. Trabaho nilang protektahan si Sir Sebastian. Hindi ka nila gagalawin." Hindi pa man ako nakakasagot ay may maririnig kaming ingay mula sa likod. "Uy, may babae." Sabay kaming napalingon kung saan nanggagaling Ang boses na iyon, halos sabay-sabay na pumasok ang ilang matitipunong lalaki na pawang nakasuot ng itim na suit. Ang iba ay may dalang earpiece habang ang iba naman ay tila kagagaling lang sa training dahil pawisan pa. Napatigil silang lahat nang makita ako. "Boss... himala." "May babae sa mansion?" "Hindi ba delivery rider lang 'yan?" Sabay tawa nya ng mahina pag kasabi nya noon. Napahiya ako sa paraan ng pagtitig nila sa akin. "Psst" saway ni Mr. Reyes. "Tumigil nga kayo." Isa sa mga lalaki ang napangiti. "Sorry na, Mr. Reyes. Naninibago lang." "She's Scarlett Bellamy. Siya ang bagong maid ng mansion." Tahimik silang nagtinginan bago muling bumaling sa akin. "Good luck." Napakurap ako. "Bakit po?" Nagkatinginan silang muli bago sabay-sabay na natawa. "Wala Galingan mo." Bago pa man sila makadagdag ng kung ano, biglang bumukas ang pinto ng opisina sa dulo ng hallway. Agad na nawala ang mga ngiti sa mukha ng mga bodyguard. Lahat sila ay sabay-sabay na tumuwid lumabas Ang boss namin na may malamig na ekspresyon sa mukha. Isa-isa niyang tiningnan ang mga bodyguards bago dumako ang tingin niya kay Mr. Reyes. Nanindig Ang balahibo ko ng marinig Ang malamig na tinig na iyon animoy bawat salita nya ay napapasunod ka. "Why is everyone standing here?" tahimik ang buong living room like no one dared to answer. "I asked a question." Maging ako ay hindi ko namalayang napahawak na lang sa hawakan ng maleta ko. Ramdam na ramdam ko ang biglang pagbabago ng atmosphere, kung kanina ay maiingay Ang mga body guards nya at inaasar pa Ako Ngayon Naman ay para Silang mga pipi. Agad na yumuko nang bahagya ang lahat ng bodyguards. Kanina lang ay nagtatawanan pa sila, pero ngayon ni isa sa kanila ay walang naglakas-loob magsalita. Si Mr. Reyes ang unang bumasag sa katahimikan. "Sir, ipinapakilala ko lang po sana sa kanila ang bagong maid." Dahan-dahang bumaling ang tingin ni Sebastian sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay mas lalong bumigat ang hangin sa paligid. "Is that necessary?" malamig niyang tanong. Napayuko si Mr. Reyes. "I thought it would be better if they knew who she is, Sir." Sandaling natahimik si Sebastian bago niya muling binalingan ang mga bodyguards. "I pay all of you to protect this mansion." Walang sumagot. "Not to gather in my living room and waste your time." "Sorry, Boss," sabay-sabay na sagot ng ilan. His jaw tightened. "I don't remember asking for an apology." Tahimik na tahimik ang buong sala. Kahit ako, hindi ko namalayang napahigpit na ang kapit ko sa hawakan ng maleta. "Back to your stations." "Now." Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Isa-isang umalis ang mga bodyguards, halos nagmamadaling maglakad palabas ng living room. Ilang segundo lang ang lumipas ay kaming tatlo na lang ang natira ako, si Mr. Reyes, at si Sebastian. Muli niyang ibinaling ang tingin sa akin. Mula ulo hanggang paa, parang isa-isa niyang sinusukat ang bawat detalye ng itsura ko. "Wala ka bang balak bitawan ang maleta mo?" Napakurap ako. "Ah... s-sorry, Sir." utal na Sabi ko at agad kong binitawan ang maleta sa tabi ko. "Mr. Reyes." "Yes, Sir." "Show her the mansion." "At siguraduhin mong kabisado niya ang lahat ng rules bago matapos ang araw." Tumango ang matanda. "Yes, Sir." Hindi na muling nagsalita si sir sebastian. Dumaan lang siya sa tabi ko at naglakad papunta sa hallway. Napalunok ako nang maramdaman kong halos dumaan ang balikat niya sa akin. Hindi man lang siya lumingon parang lang Akong hangin sa paligad na dinaanan nya lang tss dedma din sayo. napabaling ulit Ang tingin ko Kay Mr Reyes na nasa tabi ko. Mula sa bulsa ng suit niya ay may inilabas siyang maliit na itim na folder at iniabot sa akin. "What's this?" tanong ko habang tinatanggap iyon. "House rules." bahagya akong napakunot-noo. "House rules?" "Basahin mo mamaya. Pero may isang rule na gusto kong tandaan mo." unti-unti siyang naging seryoso. "Out of all the rules written there..." Saglit siyang tumingin sa direksiyon ng ikalawang palapag bago muling bumaling sa akin. "There's only one rule that you should never break." napahigpit ang hawak ko sa bag na Dala ko. "Ano po 'yon?" huminga siya nang malalim bago muling mag salita. "Never enter Mr. Deveraux's bedroom without his permission." "...No matter what you hear." napatitig ako sa kanya. "Po?" "Walang kahit anong dahilan para buksan mo ang pintong 'yon. Kahit may marinig kang nabasag. Kahit may marinig kang sumisigaw. Kahit isipin mong may nangyaring masama." Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig ko, Kaylangan ko na bang matakot? as in kahit may pinapatay na bawal pa rin pumasok sa loob? "B-Bakit po?" curious na Tanong ko Kay Mr, Reyes Hindi siya agad sumagot. "Because that's the only rule Sir Sebastian personally made." napatango tango nalang Ako sa sinabi nya kahit Hindi ko Naman talaga naintindihan Yung reason. "Let's go, Miss Bellamy." tahimik akong tumango bago muling hinila ang maleta ko. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang lingunin ang direksiyong nilakaran ni Sebastian. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko sa simpleng presensya niya. Hindi naman siya sumigaw, Hindi rin siya nagtaas ng boses. Pero sa bawat salitang binibitawan niya, pakiramdam ko ay nag tataasan Ang mga balahibo ko sa Takot. Hindi na ako nagtangkang magtanong. ika nga nila " Your curiosity will kill you" kaya Kung may natutunan man ako sa loob lamang ng ilang minuto sa mansion na iyon, iyon ay ang huwag mangialam sa mga bagay na hindi ko kailangang malaman. Lumiko kami sa kanang hallway kung saan mas lalong naging tahimik ang paligid. Habang naglalakad ay isa-isa niyang itinuro ang mga silid na madalas kong lilinisin. "That door is the library. Hindi pumapasok doon ang kahit sino nang walang utos ni Sir Sebastian." tumango ako. "Sa kabilang side naman ang dining hall. Doon naghahapunan ang mga bodyguards kapag tapos na ang duty nila. At ang kusina..." itinuro niya ang malaking double door sa dulo ng hallway, "iyan ang magiging pangalawa mong tahanan." Napangiti ako nang bahagya. "Mukhang malawak Ang lilinisin ko ha" pabulong kong usal sa Sarili ko. Bahagya siyang natawa ng marinig Ang sinabi ko. "May apat na palapag ang mansion, una ay Ang main level ito mismo kung nasaan Tayo Ang tawag dito ay main level, pangalawa naman ay leisure level dun matatagpuaan nag gym, pool, cinema etc. pangatlo Naman ay security level dito Makikita Ang training area ng security team, wine cellar, lastly ay Ang tinatawag nating private level dito natin Makikita Ang residence lounge." Hindi ko napigilang mapasinghap sa mga narinig ko bawat palapag ay may kanya kanyang tawag how is that possible medj sumakit Ang ulo ko sa mga nalaman ko. "Parang hotel." Bulalas ko. "Sir Sebastian prefers privacy." Huminto kami sa harap ng elevator. "At dahil gusto niyang nasa loob lang ng property ang lahat ng kailangan niya, ipinagawa niya ang lahat ng 'yon." Bumukas ang elevator at pumasok kami. Habang umaakyat, napansin kong nakaayos sa gilid ang maliliit na brass plates na may nakaukit na pangalan ng bawat palapag. Main level - ito Yung 1st floor Leisure level- 2nd floor Security Level- 3rd floor Private Level- 4th floor "Mr. Reyes..."mahinang tawag ko sakanya. "Bakit po nasa main level Ang Office ni sir Sebastian?" Takhang Tanong ko sakanya. "Be-" Hindi na nya natuloy Ang sasabihin nya Ng biglang bumakas Ang pinto ng elevator agad akong sinalubong ng isang mahaba at maliwanag na hallway. Pare-pareho ang disenyo ng bawat pinto, ngunit kapansin-pansing mas malaki ang pintong nasa pinakadulong kanan. Matte black ang kulay nito, at sa gitna ay may silver plate na may nakaukit na isang letrang D. Hindi ko na kailangang hulaan kung kaninong kwarto iyon. "Sa dulo ang silid ni Sir Sebastian," ani ni Mr. Reyes na tila nabasa ang iniisip ko. "At sa kabilang dulo naman ang magiging kwarto mo." Napalingon ako sa kaliwa napakahaba ng hallway. Sa magkabilang gilid nito ay sunod-sunod ang mga pinto. "Lahat po ba ng 'yan... occupied?" "Yes." "Mga bodyguards po ba lahat?" tumango siya. "Twenty of them." hindi ko napigilang mapabuntong-hininga dahil sa narinig ko so ibig Sabihin 23 lahat ng kwartong mayroon rito? at ibig Sabihin???? "Ibig sabihin... ako lang ang babae rito?" "Exactly." bahagya siyang ngumiti. "Kaya siguradong magiging usap-usapan ka sa unang linggo." "Ano po?" "Huwag kang mag-alala. Sanay ang mga 'yon sa disiplina. Walang mag tatangka sayo." Desidido nyang sabi na Akala mo Ganon Ako kapangit para pag diskitahan grabe Naman. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa pinakadulo ng hallway. Huminto si Mr. Reyes sa tapat ng puting pinto at inilabas ang isang susi. "From today onwards... this is your room." Marahan niyang pinihit ang doorknob bago tuluyang buksan ang pinto napahinto ako. Mas maganda iyon kaysa sa inaasahan ko. May queen-sized bed, malaking aparador, sariling banyo, maliit na study table, at isang malawak na bintanang tanaw ang likod ng mansion. Unti-unti akong pumasok sa loob habang iniikot ang paningin. "Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin." Hindi pa man ako nakakasagot ay may maririnig kaming mabilis na yabag sa hallway. "Mr. Reyes." pareho kaming napalingon. Isa sa mga bodyguard ang huminto sa harapan namin. "Sir Sebastian is asking for you." bahagyang tumango si Mr. Reyes. "I'm coming." pagkatapos ay binalingan niya ako. "Unpack your things first, Miss Bellamy. After that, babalikan kita para sa orientation." tumango lang Ako bilang pag sang ayon sakanya. "Yes, Mr. Reyes." iniabot lang sa akin ni mr Reyes Ang dalawang pares ng susi Pagkaalis nilang dalawa, tuluyan kong isinara ang pinto napasandal ako rito habang marahang pinikit ang mga mata ko. Tok. Tok. Tok. Napabalikwas ako sa malakas na katok na nagmumula sa labas ng silid ko. "Miss Bellamy?" Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong napaupo at napatingin sa paligid. Nandoon pa rin ang maleta ko sa tabi ng kama, hindi pa nabubuksan. Ang shoulder bag ko naman ay nakapatong lang sa study table, eksakto kung saan ko iyon inilapag kanina. Shit. Agad kong hinanap ang orasan sa bedside table. 2:00 PM. "What?!" 2 pm na?? Omg Omg parang binuhusan ako ng malamig na tubig atbbigpang nagising Ang diwa ko. Dalawang oras bako nakatulog? Hindi no mas matagal pa? Kasi Naman Hindi ko tinignan ung Oras Hindi manlang Ako nag alarm gaga talaga Ako. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, pero isang bagay ang sigurado hindi ko nagawa ang ipinagagawa ni Mr. Reyes. Hindi ko naisasalansan ang mga gamit ko hindi ko pa natatapos ang orientation. At mas lalong hindi ko pa nababasa ang folder na naglalaman ng mga rules ng mansion. Tok. Tok. Tok. "Miss Bellamy?" muling tawag ng boses sa labas. "Gising na po ba kayo?" Agad akong bumaba ng kama at halos madapa sa pagmamadali. Mabilis kong inayos ang gusot kong buhok gamit ang mga daliri ko bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Mr. Reyes. Hindi Naman siya mukhang galit hindi rin siya mukhang masaya sakto lang dismayado! Patay dismayado na agad sya. "Good afternoon," mahinahon niyang bati. Napayuko ako dahil sa pag Ka pahiya pano ba Naman Yung mga inuutusan nya diko nagawa ni mag palit nga ng damit Hindi ko din nagawa eh hysss "I'm so sorry, Mr. Reyes. Hindi ko po sinasadyang makatulog." Saglit niya akong tiningnan bago bumuntong-hininga. "Come with me." napalunok ako sa sobrang kaba paktay na talaga, diko naman sinasadyang makatulog alam n'yo na pagod diba normal lang Naman un. "Sir Sebastian is waiting." Mas lalo lang bumilis ang t***k ng puso ko animoy may nag kakarerahang kabayo sa sobrang bilis Wth? 'Sorry po sir Kasi nakatulog Ako??" Tama ba Mali Mali. "ehee Serry pe ser keshe nakatulog pe ake " sabay Lagay ng daliri sa bibig?? No malandi masyado "PASENSYA NA SIR NAKATULOG AKO PAGOD KASI AKO!!!" pagalit kaya?? huhuhu tulungan n'yo Naman Ako nag papractice Ako ng sasabihin ko Kay sir baka ma sisante Ako unang Araw pa lang diba?? need ko tong worki work na to eh. tsskk Great, Scarlett. First day mo pa lang, sumablay ka na agad. Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto na kahoy. Hindi ko pa man naitatanong kung anong silid iyon ay dalawang beses na kumatok si Mr. Reyes. Tok. Tok. "Come in." Mababang boses Ang nag salita at Malamig Parang nag taasan Ang balahibo ko sa nakakatakot na tonong iyon kahit dalawang salita lang ang narinig ko, parang biglang nanuyo ang lalamunan ko samahan pa ng Kaba ng dibdib ko. Binuksan ni Mr. Reyes ang pinto at bahagyang tumabi. "Sir." Nakaangat man ang ulo ko, hindi ko pa rin magawang tingnan agad ang lalaki sa loob ng silid na ito katakot asi be baka masisante me. "She's here." Tahimik ang buong opisina, Naririnig ko lang ang mahinang pagtipa ng mga daliri nya sa keyboard. Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Sebastian. "Leave us." napatingin ako kay Mr. Reyes nag puppy eyes pako sakanya baka sakaling Hindi nyako iwan. "Sir..." "It's fine," bulong niya bago tuluyang lumabas at isinara ang pinto at kaming dalawa na lang ang naiwan omo omo huhuhu help baka patayin Ako neto guys. Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas tahimik lang si Sebastian habang binabasa ang ilang dokumentong nasa harapan niya. Ni hindi man lang niya ako nilingon. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo akong naiilang sa nangyayare Napakalamig ng buong kwarto any time magiging yello Ako eh. "You slept." unti-unti kong ibinaba ang tingin ko sa paahan ko medj may pag kapahiyang naramdaman. "...Yes, Sir." "On your first day." Napapikit ako oo na nga natulog Nako diba?? Eh pagod nga Ako. "I'm sorry, Sir. Hindi ko po sinasadya. Pagod lang po talaga ako sa biyahe at-" "I didn't ask for an explanation." napatikom ako ng bibig Ang bastos nag sasalita pa Yung tao puputulin tsk sampalin kita Jan Nako pasalamat Ka medj natatakot Ako sayo. Dahan-dahan niyang isinara ang hawak niyang folder bago tuluyang tumingin sa akin agad na nagtama ang mga mata namin. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sa simpleng tingin lang niya ay pakiramdam ko matutunaw Ako sa pag kakatitig nya Ang Pogi sheet beybe pakiss nga wag kana magalit no no erase yon tss focus Scarlett. "You applied to work." tumango ako Tama Ka sir. "You said you needed this job." "...Yes, Sir." "So don't give me a reason to think I made the wrong decision." parang may humarang sa lalamunan ko at hirap Akong makalunok. "I won't happen again, Sir." "It better not." Muli niyang ibinaba ang tingin sa mga papeles. "Starting tomorrow, your day begins at six in the morning." tumango ako lang Ako bilang pag sang ayon. "Breakfast is served at six-thirty. The mansion should already be spotless before eight." "Yes, Sir." "And one more thing..." mapahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko. "If I have to call your name twice..." Huminto siya sandali bago tuluyang ibinaba ang hawak niyang fountain pen. "...I'll find someone else to replace you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD