" 1 2 3 push " Ani ng doctorang nag papaanak Kay Eunice sa Isang private hospital sa ibang bansa..
at lumabas na nga Ang Isang malusog na batang lalaki na siyang labis na ikinatuwa ni Eunice..
after 3 years bumalik ng pinas si Eunice kasama Ang anak nila ni Albert, Plano ni Eunice na ipakilala Kay Albert pag dating nito sa pilipinas ngunit inde nangyare Ang gusto nya nang dahil pinigilan sya ng mga magulang nya..
"bakit? para saan pa at ipakikila mo pa Ang apo Namin sa walang kwentang lalaking Yun?" Galit na tinuran ng mama ni Eunice
"ma, kahit Anong nangyare inde mababago na si Albert Ang tatay ng anak ko" Ani Eunice sa Ina..
ngunit inde nanalo si Eunice sa knyang mama kaya lumaki Ang anak nitong inde Kilala si Albert..
muling nag tagpo Ang landas ni Eunice at Albert sa loob ng 711, nagpapacashin si Eunice dahil marami syang babayarang mga order online na laruan at iba pang gamit para sa anak habang si Albert at bumibili ng siopao na ipapasalubong sa anak nila ni nica..
"Eunice" mahinang sigaw ni Albert ng Makita Ang dalaga
agad napalingon at Nakita ni Eunice kung sino ang tumatawag sa kanya kaya nagmamadali itong nagpacashin at astang aalis agad.. ngunit napigilan sya ni Albert at bahagyang kinamusta sya
"kamusta?, Ang baby natin babae ba sya o lalaki?" nakangiting wika ni Albert
ngunit walang sagot syang nakuha Kay Eunice sahalip ay umalis ito agad.
inde maitago ni Eunice Ang kasiyahan ng muli niyang nasilayan si Albert ngunit nangibabaw Ang takot nya sa kanyang mga magulang kaya minabuti niyang umiwas Dito..
kasalukuyang nagsasama na sila Albert at nica napilitang pakisamahan ni Albert si nica dahil naging mabait, matiyaga at matiisin itong si nica. at syempre dahil narin sa may anak na sila..
dahil nasa iisang baranggay lang nakatira Sila Albert at Eunice inde maiwasang magkakatagpo ulit Sila..
at ayun na nga, lumipas Ang mga araw at muli Silang pinagtagpo ng Tadhana nagkita muli ng inde inaasahan Sila Albert at Eunice at sa pagkakataong ito ay inde na nagawang umiwas ni Eunice,.
"bakit mo ba ko iniiwasan? kamustahin lang kita at Ang anak natin?" Ani Albert
"sobrang ayos at masaya Ang Buhay ng anak ko Ngayon, busog na busog sa pagmamahal na ibinibigay ng mga magulang ko sa kanya" Ani eunice
"kaya ko ring ibigay Ang lahat ng mga yan kung binigyan nyo lang Ako ng pagkakataon" may panunumbat sa tono ng pag uusap ni Albert..
pero sa gitna ng usapan nauwe din sa mabuting usapan Hanggang sa nagkamabutihan nanaman Sila..
pag mga puso na talaga Ang nag usap Wala ng makakapigil sa pagmamahal an nilang ilang ulit ng sinubok ng panahon.
simula nuon ay palihim na Naman Silang nagkikita dahil inde nila pedeng ipaalam kahit kanino dahil may kinakasama na nga si Albert, at si Eunice Naman ay nakadepende parin sa kanyang mga magulang..
tumagal ulit Ang sikreto nilang relasyon at masaya Naman Sila pareho sa sandaling Oras na nagkakasama Sila, Hanggang sa dumating Ang araw na pinasya ng mama ni Eunice na ipadala sya sa Amerika upang sya Ang mag manage ng business nila doon, walang nagawa si Eunice kundi Ang sumunod at inde manlang sya nakapag paalam Kay Albert. dahil walang telepono si Albert nawalan nanaman Sila ng communication ni Eunice..,