Kahit hindi ko gusto si Sarina para kay daddy ay hindi naman din ako natutuwa na pinagsabihan ito ni daddy ng hindi mga magagandang salita kanina.
Kung ako kasi ang nasa posisyon ni Sarina ay baka umalis ako ng wala sa oras sa lugar na ‘to ng hindi nagpapaalam kahit pa nga masama ang panahon.
“Zariea, nabalitaan ko nga pala na pinagalitan ng daddy mo ‘yong malditang bisita niya, ah? Totoo ba?”
Umigkas ang isang kilay ko nang puntahan ako mismo ni Aria dito sa kuwarto ko habang nagbabasa ako ng libro. Nakabukas kasi ang pinto nitong kuwarto ko kaya tuloy-tuloy lang ang babaeng 'to sa paghakbang papasok dito.
"Tama ako, 'no?"
Paano at kanino kaya nabalitaan ni Aria ang tungkol sa bagay na iyon gayong kaninang madaling-araw nangyari iyon at wala pang gising bukod sa aming tatlo nina Daddy Quillian at Sarina.
“Sino naman ang nagbalita sa iyo?” curious kong tanong kay Aria.
Ang isa sa mga kasambahay namin na matindi ang pagkakagusto kay daddy. “Narinig ko lang.”
“Narinig mo saan at kanino?”
“Narinig ko lang diyan sa tabi-tabi. So, ano na nga? Totoo ba o hindi? Siguro totoo, ano?”
“Hindi,” mariin kong tanggi. “Walang nangyaring gano’n, Aria.”
“Sigurado ka?”
“Oo naman. At kung sakaling totoo man ang mga sinasabi mo, ba’t gusto mong alamin ang tungkol sa bagay na ‘yon? Hindi na sakop ng trabaho mo na makialam sa buhay ng ibang tao, Aria. Kahit kailan talaga, ang hilig mong makialam. Kapag may nangyayari rito, gusto mo malaman mo agad. Ayos ka lang ba?”
Inirapan ako ni Aria dahil sa naging pahayag ko. Ito rin ang ayaw ko sa babaeng ‘to dahil mahilig makialam sa buhay ng iba imbes na makinig at manood lang.
“Bumalik ka na sa trabaho mo at iwasan mo na makialam sa iba dahil baka mapagalitan ka ni daddy kapag narinig ka niya. Ayaw pa naman ni daddy ng ganiyang pag-uugali.”
Umirap ulit si Aria sa akin bago niya ako tinalikuran. Maldita talaga ang babaeng ‘yon kahit kailan!
“Zariea, ipinapatawag ka ng daddy mo. Bumaba ka raw muna dahil may itatanong daw siya sa iyo.”
Pag-alis ni Aria ay pumalit naman bigla si Yaya Elsa.
“Ano daw po?” tanong ko kay Yaya Elsa.
“Hindi ko rin alam, eh. Sige na, puntahan mo muna. Naroon siya sa sala, Hija.”
“Sige po,” sagot ko habang nakangiti at pansamantala ko munang tiniklop ang binabasa kong libro at ipinatong muna iyon sa ibabaw ng kama ko.
Ano naman kaya ang itatanong sa akin ni daddy?
Wala naman akong kasalanan na ginawa. Hindi ko rin naman siya sinuway sa mga gusto niya.
Pagdating ko sala ay naabutan ko si daddy na nagbabasa ng magazine habang naka-krus ang mga legs niya.
Ba’t parang hindi maganda ang araw niya ngayon? Nakakunot kasi ang noo niya habang nagbabasa, eh.
“Zariea, come here.” Paano niya kaya nalaman na nandito na ako kahit hindi siya nakatingin sa akin? May third eye ba ang daddy ko? “Double time, Zariea.”
“Nandiyan na po!” ani ko at patakbong nagtungo sa harapan ni daddy. “Bakit, Daddy?”
“Look at this.” May inihagis siya sa akin na compilation ng iba’t ibang design ng damit. Simula sa simple hanggang sa engrande pati na rin ang presyo ng mga ito. “Choose.”
“Ha?”
“Choose anything you want and we will buy it.”
“Ha?”
“What the hell? Don't you have anything else to say?”
“Ah-eh…”
“Time is running, Zariea,” medyo inis nang wika sa akin ni Daddy. “Every second is important to me. So, please don't waste my time on this.”
Napasimangot ako bigla.
Ba’t naman kasi pinipilit niya ako na pumili ng damit gayong halos hindi na nga magkasya sa closet ko ang mga damit ko?
“Puwede bang hindi na lang ako pumili, Daddy?”
“What?”
“Eh, kasi…ang dami ko pang damit. Naiisip ko na nga na mag-live selling para mabawasan kahit papaano ‘yong mga damit ko, eh. Sa sobrang dami kasi, hindi ko naman na naisusuot ‘yong iba. Sayang lang.”
“Zariea, I want you to choose a dress that you'll be wearing at your birthday party.”
“‘Wag na, Daddy,” tanggi ko. “Sayang lang ang pera mo. Kita mo naman na sobrang mahal ng mga iyan, eh. Ibigay mo na lang kaya sa akin ‘yong pera na ibibili mo ng damit ko?”
“Zariea, I don't have time for your craziness,” seryosong wika ni daddy sa akin dahilan para mawala ang matamis na ngiti na nakapaskil sa mga labi ko.
Akala ko, papayag, eh. Tiba-tiba sana ako.
“Nagbibiro lang, eh.”
“If you want money, I can give you money.”
“Can you give me millions, Daddy?” pabiro long tanong.
“I can even give you one of my company I owned not just the money, Zariea,” walang pakialam niyang sabi na para bang bibigyan niya lang ako ng isang garapon na candy.
“Ay, pera lang ang gusto ko,” ani ko. “Ayaw ko sa company mo dahil maraming trabaho.”
“Tsk. So, you have no plan to help me someday?”
“Ipagluluto na lang kita palagi, Daddy. Ipagluluto kita bago ka pumasok tapos kapag lunch naman, hahatiran kita ng pagkain tapos hihintayin kita hanggang sa mag-uwian na. What do you think? Okay naman ang plano ko sa future, ‘di ba? Ako ang magiging dietitian mo. I will always take care of your health. Araw-araw kong imo-monitor ang sugar mo, ang dugo mo at pati na rin–”
“Zariea, you're out of the topic.”
“Hindi naman, ah.”
“Are you going to pick out an outfit or not?” tila inip na tanong ni daddy sa akin kaya napilitan na lang akong pumili ng damit kahit ayaw ko.
“Ito na lang,” ani ko sabay turo sa kulay pink na dress. Simple lang kasi iyon at saka medyo mura kumpara sa iba.
Kumunot ang noo ni daddy sa damit na napili ko. Halatang hindi siya sang-ayon base sa nakikita kong reaction ng mukha niya.
“Choose another one, Zariea.”
“‘Yan na lang dahil kahit simple ay maganda naman.”
“Don't look at the price.”
Alam na alam talaga niya kung ano ang laman ng isip ko, eh.
Sabagay, matagal na kasi kaming nagsasama kaya kilalang-kilala na talaga niya ako, eh.
Paano ba naman kasi sobrang mamahal ng mga presyo! Sayang lang ang pera! Mas gusto ko na lang na ibili ng mga pagkain ‘yong ibibili sana ng dress, eh.
“Daddy, ‘wag na tayong bumili ng damit. Ibili na lang natin ‘yong pera mo ng maraming pagkain para mabusog tayo.”
“Zariea–”
“Oo na po. Sige na po, hindi na ako mangungulit,” putol ko kay daddy. “‘Yan na lang pong purple o kaya po ‘yang skyblue na dress. P'wede rin ‘yang white o kaya iyang red.”
“Okay. I will buy everything you pointed out.”
“W-what? No!”
“Why?”
“Daddy, sayang ang pera mo!”
“I have a lot of money and you know that, Zariea.”
Hinawakan ko ang kamay ni daddy dahilan para bumaba ang tingin niya roon. “Kailangan mag-ipon ka lang nang mag-ipon para kapag matanda ka na, hindi mo na kailangan magtrabaho. Daddy, alam mo ba, marami na kaya akong ipon dahil kaunti lang ang ginagastos ko sa baon ko. Nagbabaon kasi ako ng pagkain kaya halos hindi ko nagagalaw ang ibinibigay mong allowance.”
“Do you think I'm happy?”
“Not just happy but also proud, Daddy!” mayabang kong sabi.
“Well, I'm not, Zariea.”
“Huh?”
“I'm working hard for you because I want to give everything you need in this world, Zariea. You don't need to scrimp on yourself just to save money, because we aren't short on funds for goodness sake, Zariea.”
“Nanghihinayang ako sa pera, eh. Natutuwa kasi ako kapag araw-araw mayroon akong naiipon.”
Napabuga ng hangin si daddy ninong. Dapat nga magpasalamat siya sa akin kasi hindi ako magastos, eh.
Isa pa, sa mismong ipon ko kaya ako kumukuha ng mga expenses ko sa school at hindi na nanghihingi sa kaniya.
Nabibilhan ko rin ng mga pasalubong ang mga kasama namin dito sa mansyon at kapag birthday nila ay lagi ko rin silang binibigyan ng pera.
“You always give me headache, Zariea,” reklamo ni daddy kaya naman naisipan kong hilutin ng bahagya ang sentido niya.
“Sorry, Daddy. Pero, tama naman ang ginagawa ko, 'di ba? Mag-ipon nang mag-ipon para secured ang future!"
"Jesus Christ, Zariea! You will be the death of me!"