Chapter 3

1058 Words
                      Napatingin si Hope sa inilapag na magazine ni Nicole sa harapan nila ng kanyang Kuya Nicolai.  Kasalukuyan silang kumakain ng agahan. "Sa magazine na 'yan nakalagay ang mga kumpanyang naghahanap ng mga bagong employee pero rekomendasyon kong subukan niyong mag-apply sa Donovan Empire. Doon ako nagtatrabaho bilang Chief Finance Officer." Ani Nicole. Kinuha niya ang magazine at binasa. "Donovan Empire ... wow." Aniya. "Parang magandang magtrabaho dito, Kuya..." Ibinigay niya ang magazine. "Architecture ang hinahanap nila." Tinignan naman nito ang magazine. Ipinagpatuloy ang pagkain. "Nasabi niyo na baka magtatagal kayo dito." Sabi ni Tita Nikki. "Opo, tita. Pero depende po siguro." Sagot niya. Napailing ang ginang. "Ginaya pala ni Reynald ang ginawa ng ama nito sa kanya." Nagbaba siya ng tingin. "Hope, Nicolai, pwede kayong tumira dito hangga't kailan niyo gusto." "Salamat po, Tita." Masaya niyang saad. Ang kuya Nicolai naman niya ay tahimik na nagbabasa ng magazine. "Anyway, Hope, gusto mo bang magtrabaho sa akin sa restaurant?" Tanong ni Tita Nikki. Ngumiti ito. "Nasabi kasi sa akin ni Nicolai na chef ka sa pag-aari niyong restaurant." "Opo. May restaurant po kayo?" "Oo pero wala namang hilig ang Ate Nicole mo sa pagluluto kaya hindi niya ako natutulungan sa business namin." Ani ng ginang. Tumawa naman si Nicole. "Sige po, Tita. Sa inyo na lang po ako magtatrabaho." Aniya at tumingin sa kuya niya. "Kuya, ano? Mag-apply ka sa Donovan Empire?" Tanong niya. "Magbabakasakali lang." Sagot nito. "Mabait naman ang CEO ng Donovan Empire. Hindi seryoso tulad ng ama nito." Ani Nicole. "Ate, sasabay na ako sayo mamaya para mag-apply." Sabi ng Kuya niya at nagpatuloy sa pagkain nito. "Sasabihin ko na, Nicolai. Dahil architecture ng company ang aaplayan mo. Ang CEO mismo ang mag-interview sa'yo." Sabi ni Nicole. "Mukhang big time yata ang kumpanyang pinagtatatrabahuan mo, Ate." Aniya. "Yep, very big time. Sila ang pinakamalaking real estate company dito sa Italy. Kaya pagbutihin mo, Nicolai, para makuha ka." "Oo naman, Ate. Nakakapagpanibago lang na hindi sa pag-aari ni Dad ako magtatrabaho pero okay na rin 'to." Ani ng Kuya niya. "Napahaba na ang usapan ninyo. Kumain na kayo." Sabad ni Tita Nikki.                         One week later.... Buong maghapon ay sa kusina lang si Hope at nagluluto ng mga order ng mga customer nila dito sa pag-aari ni Tita Nikki na restaurant. May kasama siyang chef at hati silang dalawa sa trabaho. Si Tita Nikki naman ang manager ng restaurant. Mabait naman ang mga kasama niya kaya madali niyang nakagaan ng mga ito ng loob at nakakabiruan niya rin ang mga ito. Ang Kuya Nicolai naman niya ay natanggap sa Donovan Empire. Masaya siya para rito. Mabait daw ang CEO kaya wala itong problema sa trabaho. Minasahe niya ang leeg nang maramdaman niyang nangangawit na siya. "Are you okay?" Tanong ni Dave, ang kasama niyang chef. Tumango siya. "Yeah." "Magpahinga ka muna kaya kahit saglit lang." Anito. "Hindi na, kaya ko 'to." Sabi niya. Ipinagpatuloy niya ang paghiwa sa karne nang pumasok ang waiter, si Juluis. "Hope, gusto kang makilala ng isang mag-asawang customer." Anito. "Ha? Bakit? May mali ba sa lasa ng pagkain?" Nag-aalala niyang tanong. Bigla siyang kinabahan. Nagkibit ng balikat si Juluis at lumabas ng kusina. "Huwag kang masyadong kabahan, Hope." Ani Dave. "Paano ako hindi kakabahan? One week na ako dito at ngayon lang na may gustong makakilala sa akin. Baka naman kasi may mali sa lasa ng niluto kong pagkain nila." Aniya. Napailing si Dave. Naghugas siya ng kamay at tinanggal ang suot niyang apron. Inayos niya ang sarili at lumabas ng kusina. "Juluis, nasaan ang mag-asawa?" Tanong niya. "Table 11." "Okay." Hinanap niya ang table 11 at agad niya itong nakita. Kabado siyang naglakad palapit sa mag-asawa. "Good afternoon, Sir, Ma'am." Bati niya sa mga ito. Napatingin sa kanya ang mag-asawa na mukhang mga artista dahil sa kanilang hitsura pero ang nakapukaw sa kanya ay ang kulay gintong mata ng babae. Ang ganda nito. Para itong isang diyosa. "Ahmm, hija." Ani ng babae na ikinagulat niya. Tama ba ang pagkakarinig niya? Tinawag siya nitong hija? "P-po?" "Matagal na kaming kumakain dito ng asawa ko at ngayon ko lang natikman ang ganitong lasa ng paborito naming kinakain dito, mas masarap siya ngayon kaysa dati." Nakangiting sabi ng babae na ikinahinga niya ng maluwang. Tumingin siya sa asawa nito at seryoso lang itong kumakain. "Nakakatakot..." Bulong niya at iniwas ang tingin. Ngumiti siya sa babae. "Salamat po at nasarapan kayo." "Bago ka lang ba dito?" Tumango siya. "Opo." "Ah, kaya pala. Anong pangalan mo, hija?" Hindi talaga siya komportable na tinatawag siya nitong 'hija' dahil mukhang hindi nalalayo ang edad nila. "Hope po." "Nice to meet you, Hope. I'm Avery and this is my husband, Zachariah." Tinanguan siya ng asawa nito. Nang hawakan ng babae ang kamay niya ay parang may kuryente na dumaloy sa ugat niya papunta sa kanyang utak. Nang tumingin siya sa babae ay mukha itong nagulat and then later, her eyes filled with excitement and happiness. Binitawan nito ang kamay niya. "I'm very happy to meet you, Hope." Yumuko siya. "Ganun din po ako." Aniya. Nagpaalam na siya sa mga ito. "Enjoy your lunch po." Bumalik siya sa kusina at napasandal sa pader. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Dave. "Hindi ko din alam." Sagot niya at napabuga ng hangin. Nang wala sa sariling napatingin siya sa maliit na bintana ng kusina. Nagulat siya nang may makita siya doon na taong nakasilip. Bigla itong nawala nang mapansin siya nitong nakatingin dito. Kumunot ang nuo. Sino naman kaya 'yun? Napailing siya at bumalik sa gawain niya kanina na iniwan niya. "Mukhang mas lalong makikilala ang restaurant ni Tita Nikki." Sabi ni Dave. "Paano mo nasabi?" Balik niya. "Hindi ba nakatanggap na ang restaurant niya ng 5 stars rating sa mga hotel kaya kilala na ang restaurant ni Tita Nikki." Aniya. "Mas lalo pang makikilala ngayon dahil sa'yo." Anito. "Bakit ako?" "Kilala ko kung sino ang kinausap mo kanina. Isa sila sa mga mayayamang negosyante dito sa Italy. Sila ang may-ari ng Donovan Empire." Nanlaki ang mata niya. "Seryoso ka ba?" "Sa tingin mo nagbibiro ako." Balik nito. "So si Sir Zachariah ang CEO or what?" Tanong niya. Umiling si Dave. "Hindi siya. Actually, 'yong anak niya. Quadruplets ang anak niya kaya hindi ko kilala kung sino ang pumalit sa kanya." "Quadruplets?" Gulat niyang tanong. "Sigurado ka? Ang ganda ng asawa niya at ang sexy pa. Hindi birong magluwal ng quadruplets 'no." Natawa si Dave sa reaksiyon niya at napailing. "Ewan ko sa'yo, Hope." Sumabad naman ang mga assisstant chef nila. "Hayaan niyo na si Chef Hope kung ayaw niyang maniwala." Nagtawanan ang mga ito. "Kaya naman pala tinawag niya akong 'hija' kanina." Aniya. Napailing siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD