Chapter 1

1000 Words
                          Hindi maiwasang hindi mapangiti ni Zane habang nakatingin sa Alpha King at Luna Queen na nasa hardin at kinakausap ng Luna Queen ang mga batang lobo. "She's really a Luna Queen." Napalingon siya sa kanyang kapatid na si Zion. Tulad niya ay nakamasid din ito kay Zeus at Maxine. He smiled. "Thanks to her. Nabuhay si Zeus." Aniya. Tumango si Zion at biglang may pumulupot sa kanilang mga ugat. Iisa lang pumasok na pwedeng gumawa nito sa kanila. "Zeke!" Sabay nilang sabi ni Zion. "Zeus!" Tawag niya sa kanyang kapatid. Sabay na lumingon ang mag-asawa. "Zeus, help us." Aniya at tinignan ng masama si Zeke na tatawa tawang lumapit sa kanila. Ganito ang lagi nitong ginagawa sa kanilang tatlo. Mabuti si Zeus at kaya nitong sunugin ang ugat ni Zeke. E sila ni Zion,tubig ang kaya niyang kontrolin at si Zion naman ay hangin pero hindi naman nito nagagamit basta basta ang kapangyarihan nito sa hangin kung may nakapulupot ditong ugat. "Zeke, pakawalan mo kami dito." Seryosong sabi ni Zion. Ito talaga ang nagmana sa ugali ni Zues. Ngumisi lang si Zeke. Doon naman lumapit sa kanila si Zeus kasama si Maxine na malaki na ang tiyan. Ilang buwan na lang ay manganganak na ito. "Zeke, pakawalan mo na sila." Zeus said using his Alpha tone. Nginisihan niya si Zeke walang nagawa kung hindi ang pakawalan sila ni Zion. "Kayo talaga..." Naiiling na sabi ni Maxine. Nagpaalam ito na papasok na sa loob ng palasyo at agad naman na sinamahan ni Zeus. "Kayong tatlo, huwag kayong magpatayan." Bilin ni Zeus. "Yes, Alpha King." Sagot nilang tatlo at nagkatinginan. Nang mawala si Zeus ay binatukan ni Zion si Zeke. "Ouch! Bakit?" Hinimas nito ang parte ng ulo na binatukan ni Zion. "Pwedeng huwag mong gamitin sa amin ang kakayahan mo." Umirap sa hangin si Zion at tinalikuran silang dalawa. Nagkatinginan sila ni Zeke at sabay na napangisi. Nang muntikan ng matisod si Zion dahil sa batong nasa harapan nito na hindi nito agad napansin. Sino pa nga ba ang may kasalanan kung hindi ang katabi niya. Lumingon sa kanila ang kapatid.  Agad  niyang itinuro si Zeke. "Opps! Sorry." Sabi nito. "Zeke!" Biglang nawala si Zion. Mukhang ginamit nito ang kakayahan sa hangin na maging invisible. Nagkatinginan silang dalawa ni Zeke. Nagkibit ito ng balikat. Nang biglang humagis ng ilang metro si Zeke. Hindi niya talaga mapigilang hindi matawa dahil sa ginawa ni Zion. Lumitaw si Zion sa tabi niya. Bigla silang sinugod ni Zeke. Agad naman silang tumakbo palayo ni Zion. Tawa siya ng tawa dahil si Zion talaga ng hinahabol ni Zeke. "Prince Zane." Tumingin siya sa mga batang lobo. "Bakit?" Tanong niya sa mga ito. "Let's play." Anito. "What kind of play?" Tanong niya. Wala namang masama kung makipaglaro siya sa mga bata. Ngumiti ang bata at tumingin sa mga batang kasama nito. Nang biglang may naghagis sa kanyang bola na mabilis niyang sinalo. "Taya!" Sigaw ng batang naghagis sa kanya ng bola ng baseball. Biglang nagsitakbuhan ang mga bata palayo sa kanya. "Mga lokong bata, inisahan ako." Napailing siya. "Zeke!" Tawag niya sa kapatid na abala sa paghabol kay Zion. Tumigil ito at tumingin sa kanya. "What?" Malakas niyang ibinato dito ang bola. "Taya!" Ngumisi siya at itinuro ang mga bata na magkakahiwalay na ngayon. "Sa kanila mo ibato pero huwag mong lakasan." Ngumisi si Zeke. "Okay." Ibinato nito sa bata ang bola na agad namang sinalo ng bata na ipinasa naman nito sa kasama nitong bata.  Nagpasapasahan na ang mga ito nang mapunta ulit ito sa kanya at ibinato niya ito kay Zion na ibinato nito sa likuran niya. Narinig niyang may sumalo sa bola hanggang sa marinig niya ang boses ng ama. "Hindi ka pumasok sa company." Anito. Hinarap niya ang ama. "Sorry, Dad." Itinuro niya si Zion at Zeke. "Hindi rin sila pumasok." "Sorry, Dad." Sabi ng dalawa. Ibinigay ng ama niya ang bola sa bata at nagpatuloy ang mga ito sa paglalaro. Umupo siya sa damuhan at umupo naman ang ama sa tabi niya. Lumapit naman sa kanila si Zion at Zeke, tumabi ng mga ito ng upo sa kanila. "Mukhang may problema ka." Ani ng ama. Ngumuso siya. "Kailan ko kaya makikilala ang mate ko, Dad? Nakakainggit kasi si Zeus." Aniya. Natawa ang ama at kapatid niya. "Akala ko naman kung ano ang problema mo." Ani ng ama at napailing. "Alam mo, Zane, para makita mo ang mate mo. Maglibot ka rin kaya sa kumpanya, malay mo baka nandun ang mate mo." Nakangising sabi ni Zeke. He sighed. "Ginawa ko na 'yan pero wala." Tinapik naman ng ama niya ang kanyang balikat. "Katulad ni Zeus, darating rin ang mate mo. Maghintay ka lang." "Mukhang ang drama niyo yata ngayon." Ani ng ina na hindi nila namalayang lumapit sa kanila. Agad na tumayo ang ama at niyakap ang kanilang ina. Hinalikan rin nito ang huli. Ngumiwi silang dalawa ni Zeke. "Dad, paalala ko lang may mga bata po dito." Aniya. Biglang nawala ang mga magulang nila. Napailing silang magkakapatid. Pumasok silang tatlo sa loob ng palasyo nang makasalubong nila si Aled. Yumuko ito. Tinanguan nila ito. Pero nilingon niya ito dahil mukhang nagmamadali. Kumunot ang nuo niya. Saan naman kaya ito pupunta? Dahil sa kuryusidad ay sinundan niya ito. Akala niya ay magpapatrol lang ito sa pack's boarder pero hindi naman nito kinausap ang Delta nito. Naglakad ang Gamma patungong likod ng palasyo and he suddenly ran. Sinundan niya ito pero siniguro niyang hindi nito maramdaman ang presensiya niya. Dumaan ito sa gilid ng dagat kaya sa tubig siya dumaan upang sundan ito. Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating sila sa syudad. Sa harapan ng isang bahay. Kumunot ang nuo niya. Ano naman kaya ang ginagawa ni Aled dito? Parang may-ari ng bahay na binuksan  ni Aled ang gate at pumasok. Nagtago siya sa likod ng puno nang biglang lumingon sa kinaroroonan niya si Aled. Sana naman ay hindi nito makilala ang presensiya niya. Muli siyang sumilip at napa-oh na lang nang makita ang isang babae na pinagbuksan ng pinto si Aled at hinalikan ni Aled ang babae. Is that his mate? Napailing siya. Lagot si Aled sa kapatid nitong si Cassy na nahanap na ni Aled ang mate nito. Sana siya din mahanap na niya ang mate niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD