3

1904 Words
Halos isang linggo na ang nakalipas at nagsimula na ang practice game namin kalaban ang kabilang school ay hindi parin ako nakakaporma kay Ginger.   Isang linggo na akong kuntento na sa pagtanaw-tanaw nalang sa'kanya mula sa malayo. Sa totoo lang ay ngayon lang ako na-hassle ng ganito pagdating sa babae. Kadalasan kasi ay sila na ang nauunang gumawa ng first move para makuha ang atensyon ko. Pero ngayon, ito ako at hindi malaman kung paano ko s'ya lalapitan.   Tamad na umupo ako at isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan ko. Dahil graduating ay halos wala na kaming ginagawa dito sa classroom. Sa susunod na araw pa ang second game at bukas palang ang practice.   "Chix?" rinig kong tanong ni Rusty kay Kit. Napatingin ako sa'kanila. Agad na tumango si Kit at luminga muna sa paligid bago nagsalita. Tsk! Panigurado ay nag-iingat yan dahil baka makarating sa ex n'yang si Mariel ang mga pinaggagagawa n'yang pambababae.   "Sobrang chix, Pre! Hanep ang wankata. Mahihiya ang mga college students dyan sa tapat. Ang kaso lang ay mataray tsaka snob. 'Yung tipong hindi ka pa nagsisimula, tinataboy ka na. At kapag humirit ka, babarahin ka kaya ikaw na lang ang kusang mahihiya." sagot nito at nagbuntong-hininga. Napailing ako. Panigurado, may banat na naman na kasunod iyang tirada ni Kit.   "Ang mga babae talaga, minsan parang true love... Ang hirap kuhanin."   Napapailing pa ito na parang may matinding pinagdadaanan sa buhay. Tsk!   "'Yung iba d'yan, magaling lang humugot, e! Puro satsat, kulang sa gawa!"   Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng kakapasok lang ng room. Si Mariel, ang ex-girlfriend nitong si Kit. Nakahalukipkip s'ya at inirapan pa si Kit bago naglakad at tumuloy sa table nito. Bumungisngis ang mga kaibigan nito at isa-isang nakipag-apir pa kay Mariel na nakangisi.   "Talagang magaling 'yon! Kung hindi 'yon magaling humugot, malamang buntis ka na ngayon...." mahinang parinig naman ni Kit.   Sapat na para umabot iyon sa pandinig ni Mariel. Marahas na napatayo ito at tinungo ang gawi namin at agad binigyan ng matunog na sampal sa pisngi si Kit. Natulala ito at nanlalaki ang mga matang tiningala si Mariel.   "How dare you say that!" nanginginig at basag ang boses na bulalas nito sabay takbo at labas ng classroom. Tulalang sinundan ito ng tingin ni Kit. Natawa si Rusty at tinapik tapik pa ito sa balikat.   "Way to go, asshole!" naiiling na sabi ni Rusty. Napailing na lang din ako nang tumayo s'ya matapos timbangin ang sarili at mukhang susundan si Mariel.   "Gago talaga..." bulong ko habang sinusundan s'ya ng tingin. Tumawa naman si Rusty at nagpipindot sa cellphone. Napatingin ako sa'kanya.   Eh kung manghingi na kaya ako ng tulong sa'kanya para makalapit kay Max? Tama! Bestfriend n'ya 'yun kaya siguradong matutulungan n'ya ako.   Nag-angat s'ya ng tingin na parang naramdaman ang titig ko. Kumunot ang noo n'ya.   "Bakit, tol? May problema ba?" tanong n'ya. Umayos ako ng upo at seryosong tinignan s'ya. It's now or never. Kung hindi pa ako kikilos sa ngayon ay baka mabaling na sa iba ang atensyon ni Ginger. Tumikhim ako bago nagsalita.   "Close kayo ni Max, 'di ba?" walang ligoy na tanong ko. Kumunot naman ang noo n'ya.   "Yeah. Bakit? Anong kailangan mo kay Max?" tanong n'yang mukhang defensive na kaagad.   "Pwede mo ba 'kong ipakilala sa'kanya?" tanong ko. Lalong kumunot ang noo n'ya at nagsalubong ang mga kilay. Maya-maya ay tumawa ito ng mapakla. Tumaas ang kilay ko sa naging reaksyon n'ya.   "Tang'na naman, Gav! Ang daming ibang babae dyan. Spare her. Hindi s'ya katulad ng mga babaeng pinagtitripan at tinitikman mo lang." medyo iritadong litanya nito. Nalaglag ang panga ko at agad umiling.   "What? Wala akong gusto sa Max na 'yun kung yan ang iniisip mo! What the f**k? Mukha ba 'kong magkakagusto sa tipo n'ya?" natatawang tanong ko. Tumagilid naman ang ulo n'ya at nagtatanong na tinignan ako.   "What exactly is her type? Huh?" halatang offended ito sa sinabi ko. Agad na umiling ako. Masyadong sensitive itong si Rusty pagdating kay Max.   "Relax, pre. Wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko. Alam mo kung anong mga tipo kong babae. At hindi ganoon ang tingin ko kay Max." Paliwanag ko. Tumango s'ya at tinaasan ako ng kilay.   "So, bakit gusto mong ipakilala kita sa'kanya?" tanong n'ya.   "Because, I wan't to get close to her para mas madali kong mapormahan 'yung pinsan n'ya." sagot ko. Kumunot ulit ang noo n'ya.   "Pinsan?"   "Yeah... I like her cousin. Si Ginger. You've met her already, right?" sagot ko. Napamaang naman s'ya at napailing bago nag-iwas ng tingin.   "Y-You like her? May number n'ya ako. You wanna get it?" biglang tanong n'ya. Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. May number s'ya ni Ginger? Why is that? Bago pa ako nakapagtanong ay nagsalita na ulit s'ya.   "N-Nakitext kasi si Max sa'kin. Yeah! Kaya may number s'ya sa akin. You wanna get it?" sabi n'ya at agad tinignan ang phone. I'm tempted to get it pero agad na umiling ako.   "No thanks, Rusty. I'll get it personally. Sa ngayon, kailangan kong maging kaibigan muna si Max para mas madali akong makalapit sa pinsan n'ya. Can you do that for me?" nag-aalangang tanong ko. Medyo protective kasi 'to si Rusty pagdating kay Max. Nagulat ako nang tumango s'ya.   "S-Sure! 'Yun lang pala. Make yourself free after lunch. Ipapakilala kita sa kanya." sabi n'ya. Ngumiti ako at nakipag high five sa'kanya.   Nang maglunch break ay sinamahan ako ni Rusty sa soccer field. Doon daw kasi tumatambay si Max kasama ang mga kaibigan n'ya pag lunch. Malayo palang kami ay tanaw na tanaw ko na sila sa ilalim ng isang paper tree. Bale, tatlo sila doon. Nakaharap ang dalawa sa gawi namin at nakatayo habang pinapanood si Max na nag-gigitara. Nakatalikod s'ya sa gawi namin pero alam kong s'ya 'yun dahil nakilala ko ang baseball cap na pula na may nakasulat na letter M. Medyo naririnig ko mula dito ang tunog ng gitara n'ya.   Habang papalapit kami sa gawi nila ay lalong lumalakas ang tunog at dinig ko narin ang boses n'ya. Whoa! Ang galing palang maggitara ng isang 'to. At ang ganda ng boses, a? Parang babaeng-babae.   Maaari bang malaman ko? Kung feel na feel mo ng sabihin Sana ay sabihin na ito Request ng puso ko'y ikaw Kung tameme ka 'tsong ako na ang manliligaw...   I know the song and I've heard it before. The acoustic vibe and her rendition of the song is way better than the original. Parang gusto ko tuloy na pumikit habang pinapakinggan ang pag-strum n'ya sa gitara.   Umangat ang tingin ng dalawa n'yang kasama sa amin. Sinenyasan kaagad ni Rusty ang mga ito na tumahimik. Pagkatapos ay dahan-dahan s'yang lumapit at tinakpan ang mga mata nito. Napatigil si Max sa pag-strum at hinawakan ang kamay ni Rusty.   "Guess who?" nakangising tanong pa ni Rusty. Napailing nalang ako at inayos ang bag sa balikat. Nakatitig 'yung dalawang kaibigan ni Max sa amin at mukhang nagtataka kung bakit kami nandito.   "Tao ba 'to? Ay mukhang hindi! Amoy kalawang, e!" pambabara kaagad ni Max. Napakamot naman sa ulo si Rusty at saka binitawan na ang mata n'ya.   "Sana pala binago ko ang boses ko! Sayang!" sabi ni Rusty. Tumawa si Max at kinusot ang mata bago nag-angat ng tingin sa amin. Nawala ang ngiti n'ya nang mapadako ang tingin sa akin.   She's at it again. Ano bang nagawa ko sa'kanya at ganito n'ya ako kung tignan? 'Yung tipong parang may lihim na galit.   Agad na nilipat n'ya ang atensyon kay Rusty.   "Naligaw kayo dito, Kalawang? Na-miss mo 'ko agad?" kantyaw nito. Umakto namang parang sukang-suka si Rusty. Agad umangat ang kamay ni Max at lumipad 'yun sa batok n'ya.   "Aray! Akala ko kasi palad mo lang ang makapal, pati pala mukha—aray! Biro lang, masyado ka namang pikon!" kantyaw pabalik ni Rusty.   "Bakit nga kayo nandito? Istorbo ka'yo sa jamming namin!" sabi nito at sinulyapan pa ako bago binalik ang tingin sa gitara n'ya at nagsimulang mag-strum ulit. Pinigilan naman ni Rusty ang kamay n'ya kaya nag-angat s'ya ng tingin dito. Ang dalawa nitong kaklase ay matamang nakatingin lang sa amin.   "Saglit lang, Max. Ipapakilala ko sa'yo 'tong kaibigan 'ko kahit kilala mo na naman." sabi ni Rusty. Pinanood ko ang reaksyon ni Max. Kunot noo s'ya at inayos ang cap bago sumulyap sa akin at muling binalik ang tingin kay Rusty.   "Anong trip na naman 'to, Kalawang? Kung ano man yan, hindi ako interesado sa kahit kaninong lalake..." sagot ni Max. Tumawa naman ng malakas si Rusty kaya kumunot ang noo n'ya lalo.   "Gusto ka lang makilala, hindi ka naman popormahan! Utak mo, ha? Advance mag-isip! Assuming!" kantyaw nito. Kitang-kita ko ang paglunok ni Max at pagkurap at saka sinulyapan ako bago lumipad na naman ang kamay para batukan si Rusty.   "Sino namang may sabi sa'yong ganoon ang iniisip ko, leche ka?!" singhal nito kay Rusty. Tumawa lang si Rusty at sinenyasan akong lumapit. Agad na humakbang naman ako palapit kay Max.   "Gav, Pare, bestfriend ko, si Max. Max, si Gavin, kilala mo na s'ya 'di ba? Ace player yan kaya imposibleng hindi mo kilala." pakilala ni Rusty na medyo natatawa pa rin. Umismid si Max at binaling ang tingin sa gitara.   "Oo, kilala ko naman. Bakit pa kailangang ipakilala? Hindi naman ako tonta..." rinig kong sabi nito kahit na mukhang sinadya n'ya iyong hinaan. Napakamot naman sa ulo si Rusty. Tumikhim ako at naglahad ng kamay sa'kanya.   "Gavin nga pala... Nice meeting you, Maxene..." sabi ko at sinubukan s'yang ngitian. Kunot ang noo n'ya nang mag-angat ng tingin sa akin. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong titigan ang mukha n'ya sa malapitan.   Maliit ang bilugan n'yang mukha at may maliit at matangos na ilong. Manipis at natural na mapula ang mga labi n'ya. Walang mababakas na kahit anong kolorete sa mukha. Natural na natural. Parang bagong hilamos pa nga s'ya sa sobrang clear ng mukha. Kumibot-kibot ang mga labi nito.   "Max na lang. Masyado kang pormal." sabi nito at imbes na kuhanin ang nakalahad kong kamay ay binangga n'ya lang ito na parang nakipag fist bump. Kahit papaano ay napangiti ako. Atleast, she's trying to loosen up a bit and that's a good sign.   "Okay, Max! Mas bagay nga sa'yo yang nickname mo. Mas astig pakinggan!" sabi ko. Napatingin pa s'ya sa'kin.   "Basketball player ka nga!" sabi nito   "Ha?"   "Wala! Bolero ka sabi ko!" Sabi n'ya at saka nagsimulang mag-strum na ulit sa gitara. Nakangiting pinanood ko s'ya. Nang sumunod na mga sandali ay naging normal na ang pakikipag-usap n'ya sa akin. Ngumingiti na rin s'ya kapag sinusubukan kong magbiro.   At nang aminin ko sa kanyang napagkamalan ko s'yang lesbian dahil sa porma n'ya ay ang lakas ng tawa n'ya habang hinahampas ang dalawa n'yang kasama. Nangingiting pinanood ko s'yang binabato ng mga tuyong dahon ang dalawang kasama n'ya dahil sa pangangantyaw ng mga ito.   Siniko ako ni Rusty at pasimpleng kinindatan. I gave him a thumbs-up and mouthed "Thank you!"   Para akong lumulutang matapos marinig ang bell na tanda na tapos na ang lunch break.   "Bye!" kumaway pa si Max nang hatakin na ako ni Rusty dahil ngayon lang kami naabutan ng bell na nasa labas pa ng classroom.   "See you later!" nakuha ko pang lingunin s'ya habang tumatakbo.   "Baka sana madapa kayo!" Pahabol pa n'ya at saka humalakhak dahil nag-dirty finger si Rusty bilang sagot. Naiiling ako habang nakangiti.   I feel like I am one step closer to Ginger now that I am close to Max.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD