Ilang minuto yata akong natulala dahil sa sinabi ni Ginger. Paulit ulit sa utak ko 'yung huling sinabi n'ya. "She's in love with someone else..." "Damn!" napasinghap ako ng sunud sunod. I need to talk to Max! Nakakailang hakbang pa lang ako pabalik sa garden ay napahinto agad ako dahil sa biglang paglitaw ni Rusty. Tumigil din s'ya sa paglalakad at matamang tinitigan ako. Humakbang ako palapit sa'kanya pero hindi s'ya gumalaw at nanatiling nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip n'ya. Blangko rin ang ekspresyon sa mukha n'ya. "Why the hell did you lie to me?" hindi ko na napigilang itanong. Ramdam ko narin ang namumuong inis para sa'kanya. Mula sa paglilihim n'ya sa akin about sa feelings ni Ginger sa'kanya at sa pagsasabi n'ya sa akin na sila na ni Max. Huminga ako ng

