Intro

219 Words
    Sa buhay ng isang playboy, darating at darating talaga ang isang babaeng magpaparamdam sa'yo na hindi niya nakikita ang nakikita sa'yo ng ibang tao. Na hindi ikaw ang ideal na lalake para sa kanya. Na kahit kailan ay hinding hindi s'ya papatol sa katulad mong hindi marunong magseryoso sa buhay at lalo na sa babae. At ang masaklap pa d'yan, hindi mo rin siya nakikita dati. She's definitely not your type—the exact opposite of your ideal type. And never in your wildest dream na papatol ka sa isang katulad n'ya.     Hindi mo alam. Hindi mo namalayan. Basta nagising ka na lang isang araw na hinahanap hanap mo na s'ya. Na hindi na kompleto ang araw mo nang hindi siya nakikita. Nasanay ka nang kasama s'ya.     Ako si Gavin. Kung gaano kataas ang standards ko sa pagpili ng babae, lahat 'yun nawala nang makilala ko s'ya.        S'ya na ginamit ko lang tulay para mapalapit sa babaeng pinapangarap ko.        Pero nagbago ang lahat dahil akala ko magiging masaya ako kapag napasagot ko ang babaeng pinapangarap ko. Ang babaeng pangarap ng lahat.      Pero heto ako ngayon at iniisip kung kailan ulit kami magkikita ni Max—ang babae, este hindi ko sigurado kung babae. Na s'yang naging tulay para mapasagot ko ang babaeng pinangarap ko. NOTE: Written under guy's perceptions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD