Chapter 1: This gangster
Pristine Madrigal
Alasyete na ng umaga. Ito ang unang araw ng pasukan matapos ang semestral break. Nilagay ko sa paradahan ng bike ang bisekleta ko. Wala talaga ako sa mood para pumasok sa eskwela lalo na't kulang nanaman ako sa tulog ang sakit tuloy ng ulo ko.
Sa Lancaster Highschool ako nag-aaral at huling taon ko na bilang Senior High. Hindi gaanong kalakihan ang school namin. Mayroon lamang itong dalawang malaking building na may apat na palapag. Mayroong malaking area na pwedeng tambayan ng mga estudyante pati na rin school grounds.
Papikit-pikit pa ako habang naglalakad sa pathway ng school nang mapansin kong parang wala atang masyadong estudyante ang nagkalat. Mali ba ako ng tingin sa kalendaryo? Di kaya wala pa palang pasok at masyado lang akong naexcite?
Naexcite? Ako? Sakin talaga nanggalin. Nah! Gusto kong pumapasok sa eskwela pero may mga pagkakataon talagang tinatamaan ako ng katamaran.
Nagkibit balikat na lang ako. Baka napaaga lang talaga ako ng pasok kaya ganoon. Isa pa kakaumpisa pa lang naman ng klase. May mga ilang estudyante na hindi pa nakakapasok siguro dahil bakasyon pa.
Nagkaroon ako ng ideya kung bakit wala akong mahagilap na mga estudyante. Mula sa kinatatayuan ko kung saan tanaw ang school grounds ay may tumpukan ng mga estudyante. May kutob ako kung anong nangyayari. Isa lang naman ang ibig sabihin kapag may kumpulan. Maaring may nag-aaway na naman.
Nakisingit ako sa kumpulan.
At hindi nga ako nagkamali, pagkalapit na pagkalapit ko pa lang doon sa tumpukan ay dalawang grupo ng mga lalaki kaagad ang bumungad saakin.
Binubuo ng pitong miyembro ang isang grupo samantalang yung isa naman ay sampu.
Hindi pa sila nag-aaway pero may kutob akong doon na rin yun papunta. Ang sasama ng tingin nila sa isa't-isa na parang mangangain ng tao. Nagsusukatan ng tingin yung dalawa na sa tingin ko ay mga lider ng bawat grupo. Hindi sila pamilyar sa akin. May transferee na naman bang pasaway ang magpapasakit sa mga ulo namin?
Akala ko pa naman magiging maayos at tahimik na ang last year ko sa school na ito. Hindi pala dapat ako nagsasalita ng tapos.
"Layuan mo siya," sabi nung isang lalaki na may maangas na itsura. Sinusukat nito ang tingin ang kaharap na lalaki. Halos magkasing tangkad lang sila at magkahawig pero magkaiba sila ng kulay ng buhok. Iyong nasa panig ng pitong grupo itim na itim ang buhok habang iyong nasa kabilang panig naman parang brown kapag nasisikatan ng araw.
"Wala akong lalayuan dahil wala naman akong nilalapitan," pinal na sagot nung lalaking itim ang buhok.
"Huwag ka ng magmalinis Corpuz, gawin mo ang sinasabi ko alam mo naman siguro ang mga kaya kong gawin," tila ba hindi naniniwala itong lalaking brown ang buhok.
Yung lalaking itim ang buhok ay ngumisi lang sa narinig niya. Kalmadong kalmado ito parang hindi niya sineseryoso yung mga pagbabanta sa kanya.
Mukhang nag-eenjoy ang madla sa panonood pero kailangan ko munang putulin ang palabas. Hindi ko naman talaga forte ang pagsaway sa mga lalaking pasaway dahil sina Kyle iyon pero hindi naman pupwede na magkunwari akong walang nakita. Isa pa nasa campus sila kaya technically dapat silang sumunod sa patakaran ng eskwelahan.
Masayang maging presidente dahil marami akong nagagawa para sa school pati sa mga kapwa estudyante ko. Nagiging tulay kami para ipaalam sa nakakataas ang mga hinaing nila. Kung hindi lang dahil sa isang malalim na dahilan baka hindi ako nagsubok sa posisyong ito.
"Then make me," hinigit bigla nung lalaking brown ang buhok yung kwelyo nung itim na buhok na lalaki na sa hula ko ay si Corpuz.
Nagpanik na ako dahil mag-aambahan na iyong mga grupo nila. Hinihintay lang talaga nila ang mga leader nila na mag-umpisa. Nasaan na ba ang guard namin?! Bakit hindi sila sinasaway?
Kumulbit ako ng isang estudyante at inutusan itong tawagin ang guard namin para maawat ang lalaking ito.
"Subukan niyong gumawa ng gulo," nakuha ko ang atensyon ng lahat pati yung dalawang lalaki na malapit ng magsuntukan kung hindi lang ako nagsalita. Pakiramdam ko tuloy ako ang kontrabida saakin na kasi napunta yung masasamang mga tingin nila. Napalunok ako dahil para akong nasa gitna ng dalawang lobo na maglalapaan na sana kung hindi lang ako pumagitna.
"H-Hindi niyo magugustuhan ang kaya kong gawin. Dadalhin ko kayo sa Principal's office kapag hindi pa kayo tumigil."
Bahagyang nanginig ang mga tuhod ko. Subukan talaga nila na ako ang patulan. Nakakainis iyong ibang estudyante imbis na magtawag ng mga teacher mas inuna pang manood at icheer ang gusto nilang grupo na manalo. Paano na lang kung hindi ako nakiusyoso?
Binitawan nung lalaki yung pagkakahawak niya sa kwelyo ni Corpuz at lumapit saakin ng may maangas na itsura. Sanay akong muntik muntikan ng maambahan ng suntok o kaya masugod pero itong lalaki sa harapan ko nakakatakot siya. Parang hindi siya magdadalawang isip na saktan ako.
"Wow kumuha ka pa talaga ng tagaprotekta Corpuz? Ganyan ka na ba kaduwag? Do you really think that I can't beat a girl?"
"Tama na 'yan Gino. Huwag kang mandamay ng iba," saway ng kasama niya. Ako naman parang estatwa, nawala iyong tapang ko kanina. Naiinis ako sa kahambugan niya.
Tiningnan ko yung Corpuz na walang pakialam kung may madamay man sa away nila. Wala ba siyang balak na tulungan ako? Akala ko pa naman ang bait bait masama rin pala ang ugali.
"Ikaw babae, what do you think your doing? Sa tingin mo ba porket nagtapang-tapangan ka ay susunod ako sa sinasabi---" unti-unting lumapit sa akin si Gino. Siguro dahil na rin sa adrenaline rush at defense mechanism ko kaya nagpadala ako sa bugso ng damdamin.
Nasikmuraan ko siya! I cover my mouth with my both hands in disbelief. Pero siya naman kasi! Kasalanan niya. Ang hirap dahil mas nangingibabaw ang kalambutan ng puso ko. Gusto kong humingi na ng sorry pero kung gagawin ko iyon para ko na rin inamin sa kanya na kayang kaya niya ako.
Kailangan kong ipakita sa kanya sa kanila na hindi porke babae ako dapat na nila akong ipagsawalang bahala. Kaya ko rin mang disiplina ng mga kapwa ko estudyante lalo na sa mga lalaki. Paulit-ulit na pinapaalala sakin ni Edward.
"Hindi ako mahilig makisali sa mga gulo. Pero... baka ako mismo ang magumpisa kung hindi kayo titigil!" seryoso kong sabi sa kanilang lahat.
Mukhang nakarecover na siya sa ginawa ko at ang sama ng tingin niya saakin. Sabagay sino ba namang hindi napahiya siya sa ginawa ko. Saka na ako kakabahan.
"Ikaw!" Sasampalin niya sana ako ng may pumigil sa kamay niya, si Corpuz iyon. Saktong sakto ang pagsalag niya sa kamay ni Gino.
"Hindi mo naman siguro gugustuhing mabalita na nananakit ng babae. Sa akin ka may problema kaya huwag kang mandamay ng iba!"
Tinampal ni Gino ang kamay ni Corpuz, mas lalo pa yatang nadagdagan ang galit nito, "Were not done yet," sinenyasan niya yung mga kasamahan niya para umalis na agad namang sinunod ng mga iyon.
Nagsialisan na rin ang mga estudyanteng nakikiusyoso at kami na lang walo ang natitira. Hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Hoy miss ano bang plano mo sa buhay? Hindi mo kilala ang binabangga mo. Knowing Gino he will never leave you hanggang hindi siya nakakaganti," biglang nagsalita yung isa sa mga kasamahan ni Corpuz na medyo bad boy din ang dating. Naramdaman ko na binitawan na ni Corpuz ang kamay kong hawak niya.
"A-ako ang studetn President! Nanggugulo kayo kaya natural lang na awatin ko kayo!" deklara ko.
"Tsk tsk paano na yan Trake, mukhang hindi to palalagpasin ni Gino anong gagawin natin?"
Trake pala ang pangalan niya. Parang hindi naman nila ako pinapansin.
Tiningnan ako saglit ni Trake. Bakit pakiramdam ko inirapan muna niya ako?
"None of our business. Bahala siya matanda na siya she can take care of herself atsaka sana naisip na niya yun bago siya nakisawsaw, sino bang nagsabing makisali siya sa gulo? Ang besides it has nothing to do with me with us. Siya ang naghukay ng libingan niya kaya siya ang may kasalanan,"
Teka gumaganti ang damuho na 'yon?
"A-anong ibig niyong sabihin?" tanong ko.
Para akong nakikipag-usap sa kawalan dahil wala ni isa sa kanila ang sumasagot sa tanong ko. Tinatakot lang nila ako! Bakit niya naman ako gagantihan? Sinuntok ko siya pero defense mechanism yon. Argghh nakakainis!