KATH P.O.V
Two weeks na ang nakakalipas hindi na ako pinapasok ni mama sa konkuk university dahil nalaman na nga ang nangyayare sa akin dun simula mag viral ang video na pinost Iyon
Grabe sobrang galet ni mama nung araw na iyon gusto nga sugurin ang university ng dahil sa ginawa ito sakin ng mga bullies pero pinigilan namin siya dahil baka lumala pa ang gulo na iyon
Sa wakas ililipat na ako sa isang university sa sogang balita ko kase mga disiplanado mga student dun di kagaya dito sa university namin mga balagbag talaga
Ay naku wala ako magawa ngayong araw mamaya nalang ako pupunta sa austin comics store masyado pang maaga nagpagulong gulong lang ako sa higaan ko
Si kevin balak narin pala lumipat sa sogang university dahil narin sa ginawa sa akin ng mga tao dun di na nga kinaya suguro naawa na din kahit ganun yung kapatid ko na yun may pusong mamon rin pala hahaha
binuksan ko muna yung social media acc ko dahil gusto ko makipag usap sa mga internet friends ko dahil bored ako ngayon wala talaga magawa makipag kwentuhan muna ako hehehe
CONVERSATIONS ON CHAT
ME : HELLO KAMUSTA KAYO?
KELLY : ETO BUSY MASYADO SA MGA SCHOOL WORKS DI NA NGA NAKAKAPAG ONLINE SA DAMING PINAPAGAWA BA NAMAN
ZAIRENE: HAHA BUTI NAMAN SAMIN WALA MASYADO PINAPAGAWA SKL HAHAA
KIM: HAHA TAMAD KALANG TALAGA EH IKAW KATH BAT NGAYON KALANG NAG PARAMDAM HA? SIGURO MAY LOVELIFE KANA NOH?
ME: ACTUALLY NOPE MAHABANG KWENTO BTW LILIPAT NA NGA AKO SA ISANG UNIVERSITY PALA
KATTY: SHARE US NAMAN NG KWENTO DYAN HAHAHA
NICA: YEAH ISHARE MO NAMAN HUHUHU
ME: KAYO TALAGA MGA MAHIHILIG SA CHIMIS HAHAHA SIGE NA NGA IKUKWENTO KO NA MASYADONG MAHABA TALAGA YUNG PANGYAYARE EH PAPAIKSIIN KO NALANG
so ayun na nga ikwinento ko na sa kanila yung pangyayaring eksena nung nakaraan diko expect na magiging ganun ang mga reactions nila galet na galet kala mo sila yung biktima eh mga oa hahaha pero sa totoo lang mas okay pa yung mga kaibigan ko sa internet buti pa sila dinadamayan ako sa nararamdaman ko ngayon nakakatuwa naman
so ayun na nga binigyan ako ng tips kung paano daw magpapaganda para naman daw matauhan si adrian baka daw maglaway kapag gumanda ako hahaha loko loko talaga yun mga yun inaamin ko naman sa sarili ko nasaktan ako sa ginawa ni adrian pero kakaunti nalang ang natitirang pain ko para sa kanya at higit sa lahat hindi ko naman siya naging boyfriend di naman bagay sakin mag move on dahil hindi naman naging kami
nasaktan lang talaga ako sa ginawa dahil yung ginawang effort ko para sa kanya bilang pasasalamat naitapon lang sa wala
so yun na nga may isinend si nica isang link isa daw itong nakakatulong sa pagpapaganda baka daw makatulong ito para sa akin dahil nagbibigay daw ito ng mga tamang tips baka ito na ang solusyon para gumanda ako wala naman masama kung mag try ako eh
bumungad sa aking harapan ang isang video na tutorial kung paano mag make up namangha ako sa babae dahil sobrang ganda neto waaahhh oh my gosh ito na nga makakapag bago sa buhay ko this is it
so yun nga alas singko na ng hapon ako natapos kakapanood ng mga tutorial kung paano ang tamang pag apply sa mukha ng make up nakakatuwa lang dahil may basic na ako nalalaman kahit papaano sa pag lalagay ng make up
ay oo nga pala paano ako makakabili ng mga make up kung wala ako pera hmm alam ko na may naisip na ako kung paano ako makakabili hehehe
kumuha ako ng isang cutter dahil balak ko na buksan ang alkansya ko na baboy nagdadalawang isip talaga ako kung bubuksan pa ba ito pero kailangan ko talaga ehh ngayon mas kailangan ko na ito gamiting pera na inipon ko sobrang bigat na nga nakaipon ata ako ng maraming pera na balak ko pa naman pumunta sa isang concert nextyear na boygroup na straykids south korea mag totour sila dito sa pilipinas pero hindi na ako makakapunta nakakalungkot nga lang pero di bali na mas makakatulong naman ito dahil gagamitin ko ito sa pagbabago ko sa katauhan ko ngayon
Kinabukasan(ʘᴗʘ✿)
Nandito ako sa isang mall first day ko mag shopping mag isa dahil hindi naman ako sanay magpunta ng mall kapag hindi kasama sila mama kung mag grocery ito nakakatuwa dahil mamimili ako ng mga make up na gagamitin ko
Lumapit ako sa mga liptint kung saan nakalagay ito napa wow nalang ako sa naisip ko ang gaganda iba't ibang kulay talaga sa dami ng liptint dito hindi ko alam ang pipiliin ko mahihirapan talaga ako sa pagpili dahil lahat ng klaseng kulay ay bet ko diko naman pwede bilhin lahat dahil marami pa akong kailangan bilhin dito sa mga cosmetics na products

Lumapit sa akin ang isang sales lady nakangiti ito sa akin
HELLO MAAM GOOD DAY! ANO PO HANAP NYO?
HMM HINAHANAP KO YUNG LIPTINT NA BABAGAY SA AKIN NAHIHIRAPAN KASE AKO SA PAGPILI EH ANG DAMING SHADES KASE NA PWEDE PAGPILIAN
Ay maam mas bagay po ito sainyo yung #2 na shades etong cherry liptint matte waterproof narin po siya kung gusto nyo po itry pwede po

Pwede? itry po? Para sigurado na hehehe baka di bumagay pasensya na
Naku maam babagay po talaga sainyo yang kulay na iyan dahil maputi naman po kayo eh unless kung maitim ka di talaga babagay sayo ito
humarap na ako sa salamin at sinumulan maglagay sa labi ng liptint na iyon wow di ako makapaniwala bagay nga sa akin itong kulay perfect mukhang di nga nagsisinungaling itong sales lady na ito
Tama ka po bagay nga po ito sa akin kukunin ko na ito salamat sa tulong mo nagustuhan ko yung kulay
Dba sabi ko naman sayo maam babagay po talaga yang shades sa inyo tiyak na maiinlove lalo sa inyo yung partner nyo hahaha
Nasamid ako sa sariling laway ng sabihin ng sales lady ang salitang partner jusko nbsb po talaga ako hindi pa ako nagkakaroon ng jowa Talaga
Ngumiti nalang ako sa kanyang harapan bago umalis sumunod naman ako pumunta sa mga cosmetics na tulad ng foundation cream, concealer,mascara,eye shadow at kung ano ano pang klaseng make up ibinili ko na

Naku ang dami ko nang nabiling mga make up hmm may kulang pa
Pumunta naman ako sa mga skin care routine balak ko rin bumili ng pampakinis ng balat may mga white heads na talaga ako at maliliit na pimples baka dumami pa ito kailangan ko na maiwasan bago dumami

Ayan kumpleto na lahat excited kung sabi sa sarili ko sa wakas gaganda na ako yehey! Maraming salamat sa mga internet friends ko sa suggestion nila talagang swerte ako sa kanila kahit minalas ako sa pag ibig
Well wala akong balak maghingate kay adrian dahil hindi naman siya kawalan na tao marami pang lalaki dyan na magmamahal sa akin ng totoo at maghintay lang dahil kusa itong darating sa atin
Kase kung magmamadali kang maghanap ng lalaki para sayo dahil atat ka na magkajowa paulet ulet ka parin masasaktan dahil pinipilit mo ang sarili mo
Maghintay sa tamang panahon hintayin mo yung taong para sayo na binigay ng diyos dahil siya lang ang makakagawa nun para sayo wag kang magmadali kakahanap
Nakauwi na ako sa bahay ng sobrang saya dahil sa wakas makakapag practice na ako mag make up sa sarili ko
Binuksan ko na yung laptop at hinanap ang vlog ni miss sarah pinindot ang kanyang video na ituturo nga ang basic tutorial makeup para sa mga beginners na kagaya ko
Inilabas ko na ang make up na pinamili ko kanina at isa isang iniayos sa lamesa
Pinakinggan ko naman ang mga bawat proper ways na itinuturo ni miss sarah sa kanyang vlog ang pagtuturo ngayon ng tamang paglagay ng foundation sa mukha
Tips no 1 paano ba ang tamang paglagay ng foundation sa iyong mukha at ano ang nababagay sa inyong kulay panoorin at makinig ng mabuti ani ni miss sarah sa kanyang vlog na pinapanood ko
Ayan ang nasa tips no 1 na ginagaya ko na ang kanyang video sinimulan ko narin mag apply sa mukha ng foundation
Hays sa wakas tapos ko na maglagay ng make up pero bat ganun hindi ko magaya ang nasa video na dapat sundin kainis naman nasobrahan ata ako sa paglagay ng foundation powder kaya nagmukha akong harina at nagkamali ako ng lagay ng eye shadow hindi bumagay sa akin ang kulay blue
Binura ko na sa mukha ko ang mga make up dahil naiinis ako sa sarili ko bat ganto hindi ko magaya ang nasa video ni miss sarah nadidismaya na sinabi ko sa sarili ko
Bukas na nga lang ulet ako magpractice ng make up nakakapagod din maglagay nagugutom narin ako bumaba na kaya ako naaamoy ko na ang luto ni mama
Oh hello ma ano niluluto? mo tugon ko kay mama na masaya itong nagluluto dahil sa sobrang bango naku si mama talaga hilig na nga kase ang pagluluto kaya di na ako magtataka araw araw masasarap ang aming ulam
Oh niluluto ko ang paborito ng iyong tatay na tinolang manok kamusta? Ka naman? Ok ka na ba? Naka move on? na
Naku ikaw talaga mama patawa ka eh noh? hindi ko naman jinowa si adrian umamin lang ako sa kanya ng feelings ko natatawa pang sinabi ko kay mama nagtaka naman ako kung bat hindi umiimik si mama tinignan ko ang kanyang reaction patay may hindi ata ako nasabi kay mama na hindi maganda! Lagot ako neto huhuhuu nakita ko ang kanyang mukha na parang kumukulong kaldero dahil mukha na itong sasabog sa galet
Walang hiya kang bata ka! Hindi kita pinalaki ng bastos at kakausapin mo ako ng ganyan! Aba aba anong sabi mo patawa ako? Ha sigaw ni mama ngayon sa akin kunti nalang sasabog na talaga siya sa galet kailangan ko na makatakbo siguradong hahampasin ako neto ng kaldero sa ulo mahirap na baka magkabukol pa ako
Ma sorry diko sinasadya magsalita sayo ng ganun huhuhu kaya patawarin mo ako pls naka peace sign ako sa harap nga bago ako tumakbo sa hagdan pabalik sa kwarto at di nga ako nagkakamali hinabol ako ni mama na may hawak na kaldero
Hoy lumabas kang bata dyan wala kang modo! Lumabas ka at tuturuan kita ng leksiyon sigaw pa ni mama sa labas ng kwarto ko at pinagpapalo ang pintuan
Kinabukasan(◡ ω ◡)
ngayong araw ulet ako mag practice ng make up gusto ko na kase matuto at gumanda na sa harap ng mga tao
Ikinuha ko naman sa gilid ng lamesa ang pang ahit ng kilay at mirror balak ko sana mag ahit ng kilay dahil kalat kalat na ito ang sagwang tignan
Sa kalagitnaan ng pag aahit ng aking kilay nagkamali ako ng pag shape what? Hindi na nagpantay sa kabila kainis kailangan ko ito mapapantay dahil panget naman tignan kung di ito pantay
Waahhhhhh sigaw ko sa sarili ko ngayon dahil nasobrahan na ako sa pag ahit ng kilay nakalbo na yung kalahati peste talaga nagkamali na ako huhuhuhu
Ay naku bahala na may eye brow pencil pa naman ako dito drawingan ko nalang ito habang di pa nahaba
Buong araw akong nagpractice sa sarili ko hindi ako sumuko na hindi ko maitama ang maayos na pagmamake up pero sa wakas nagawa ko na sigaw ko ngayon dahil nagawa ko na ang tamang pag mamake up sa sarili
Yehey tumingin ako sa salamin hindi ako makapaniwala dahil ang laki talaga ng pinagbago ko nung dati sa ngayon parang gumanda na ako natutuwa ako
Maraming salamat sa mga video ni miss sarah kundi dahil sa kanya di ako gaganda ng ganito i'm excited for my new life nakangisi kung sabi sa sarili ko dahil sa sayang nararamdaman ko
Kinuha ko naman yung cellphone ko at nag picture gusto ko sana ipakita sa mga internet friends ang itsura ko kung paano nila ako tinulungan na gumanda

Isinend ko na sa kanila ang picture ko at wala pang isang minuto nag reply na mga ito sa akin nagulat ako sa mga reply nila na binabasa ko ngayon
WOW IS THAT YOU? KATHERINE? NAKAKA SHOCKS ANG GANDA MO
WOW SO ANGELIC FACE!
WOW ANG GANDA MO MARE SABI KO SAYO DIBA EFFECTIVE YUNG MGA VLOG NI MISS SARAH
WOW PARANG NATURAL BEAUTY MARS IKAW NA ANG MAGANDA
WOW PARANG DI IKAW KATHYRINE ANG GANDA MO TALAGA
INLOVE NA ATA AKO SAYO KATH(●♡∀♡)JOWAIN MO NA AKO PLS
natutuwa naman ako mabasa ng mga reply ng mga kaibigan ko sa internet ang saya sa pakiramdam feeling ko ang laki na ng self confidence ko sa sarili
Diko maimagine daming pumupuri sa akin ngayon sa social media dahil pinost ko ang picture ko daming nag chachat sa akin pero deadma muna dahil wala pa ako tiwala sa iba
ITO ANG PAGSISIMULA NG AKING BAGONG BUHAY AT KALIMUTAN ANG NAKARAANG MASALIMUOT
Nakangiti kung sinabi sa sarili ko habang nakaharap sa salamin ng aking kwarto
ABANGANN(◍•ᴗ•◍)❤(◍•ᴗ•◍)❤(◍•ᴗ•◍)❤(◍•ᴗ•◍)❤(◍•ᴗ•◍)❤(◍•ᴗ•◍)❤