•| BUTIKI |•
• Anya POV’ s •
Mag iisang buwan na doon si Andrey sa Maynila, sabi niya uuwi siya kada buwan pero wala pa siyang paramdam.
“ Ane? Anya? ” bigla akong napalingon nong narinig ko ang boses na matagal ko nang hinihintay.
“ Andrey? ” hindi ko mapigilang umiyak, sabik na sabik akong muli siyang makasama ewan ko pero kapag nakikita ko siya pakiramdam ko ligtas ako, pakiramdam ko parang sanggang dikit ang mga puso naming dalawa. I really missed him.
“ Anya Marie Gonzalez? Umiiyak ka? ” hindi parin pala siya nag babago, siya parin ‘yong Andrey na umalis sa Davao dahil sa pag aaral.
“ Ba’t ngayon kalang? Na missed kita ng sobra sobra ” kumalas na ako sa pag kakayakap at naka ngusong tumingin sa kanya. Na missed ko ang kakulitan niya.
“ Hayst ikaw din naman na mi-missed kita sobra sobra halika e-kekwento ko sayo ang mga naganap sa Maynila ” hinatak niya ako papunta sa lugar kung saan kami lagi namamalagi kapag ka nakakagawa siya nang kasalanan sa paaralan namin noong elementarya palang kami, kahit nong nag high school kami dito kami nag pupunta kapag gusto niyang lumiban. Ang treehouse na iniregalo ni Mang Pedring sa kanya.
Ngunit sa kasamaang palad namatay si Mang Pedring dahil sa sakit sa atay, naalala ko pa nga nong ililibing na ito grabe ang iyak ni Andrey, tiyuhin niya kase ito at napakabait sa kanya. Kapatid ito nang Mama niya.
“ Kumusta ang Maynila? ” pangunguna kong tanong nong nasa taas na kami nang tree house. Wala paring pinagbago ang tanawin sa ibaba.
“ Ayos lang ” nakanguso niyang saad habang nag buntong hininga. */ Ngumiti.
“ May mga kaibigan ka na ba doon? ”
“ Syempre ‘di naman iyon maiiwasan, alam mo Ane napakabait ng bago kong kaibigan biruin mo pinatira nila ako sa mala palasyong bahay ” masaya niyang ani sa akin, nakaramdan ako nang inggit dahil bilang kaibigan wala akong maipagmamalaki sa kanya kun’di ang pagiging matapat ko lang sa kanya. Masisisi ba ako kung ganon nalang ang pakiramdam ko?
“ Ahh oo nga ang bait nila ” nakangiti kong saad sa kanya.
“ Ano kayang magandang gagawin ngayon? Maliligo ba sa batis? O mag AHHHHHH!!!!! tulong butiki butiki tulong!!!! Ane ” HAHAH tawang tawa ako sa reaction niya nang mahulugan siya ng butiki, hanggang ngayon takot parin pala siya nito.
“ Hoi? Anong tinatawa tawa mo? ” naron parin sa itsura njya ang bakas nang takot at pangangamba na baka bumalik uli’ ang butiki. AHAHAH
“ Andrey? Ano iyang nasa buhok mo? ” pang aasar ko sa kanya, dali dali niyang kinapkapan ang ulo at nag sisigaw AHAHHA para talaga siyang bata.
• Andrey POV’ s•
Hanggang ngayon naiinis parin ako kay Ane, alam niyang takot ako sa butiki nanakot pa */ pout, tsk! Kung ‘di ko lang mahal ang kaibigan kong iyon nasapak ko na siya kanina.
| Flash back |
Martes ng gabi nang nag lilinis ako sa munting silid na ginawa ni Mang Pedring sa akin noon. Habang kinukuhaan ko nang mga alikabok ang bubong biglang may tumalon na butiki sa damit ko kaya mabilis ko itong tinabig para umalis pero nanatili siyang nakakapit sa damit kaya.
“ AH!!!!!!! Mama? Butiki ” Dali dali namang pumasok si Mama sa silid ko na may nag aalalang dala.
“ Anak? Anong nangyari? ” hinihingal niyang tanong sa akin habang ako piangpawisan na nang husto.
“ Ma butiki ” nakapikit ako nong sinabi ko yan lumapit siya sakin at kinuha ang butiki na naka kapit sa damit ko.
Matapos non ay tinulungan ako ni Mama para matapos na ang lahat kahit maliit na silid lang ang kwarto ko pero takot na akong mag linis dahil baka may tatalon na namang butiki.
Sinamahan ako ni Mama hanggang sa makatulog. Kinabukasan kahit sukisikat na ang araw tinatamad akong bumangon kaya kahit gising na ang diwa ko nakapikit parin ang mga mata ko, pero nagtaka ako ng may kung ano ang nasa mukha ko kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko at pag mulat ko
~
“ Butiki ”
“ AHH!! BUTIKI!! ” tawang tawa si Ejay sa reaction ko, tsk palibhasa wala na itong kinatatakutan bukod sa Ate Anya niya.
“ Kuya Andrey? Bakit kayo takot sa butiki? ”
“ Bakit? Kase hindi seguro ako gusto kase ang sama nang tingin sa akin ” naka nguso kong saad sa kanya habang kumakain nang ice candy na tinda ni Manang Robica.
“ Kuya? Bukas ba babalik ka na sa Maynila? ”
“ Oo kase na klase na namin kaya mag papakabait ka huh! ‘Wag mong bigyan nang sakit sa ulo ang ate Anya mo.
“ Oo ” ginulo ko ang buhok niya habang naka ngiting tumingin sa akin.
“ Ejay? Tara na ” mag gagabi na ihahatid ko na siya sa kanila at madaling araw pa ang biyahe ko bukas.