• CONTINUATION • “ Hahaha pasensya kana anak napag alala kita, plinano ko talaga ito nong pag alis mo palang kaninang umaga. Happy birthday. ” saad ni Manang Sabel tsaka hinawakan ang mag kabila ng aking pisnge. Nakaramdam ako ng warm sa malamig niyang palad, pakiramdam ko hindi ako nag iisa pakiramdam ko may kasama na ako simula nong nawala si Nanay Ester. Lumipas ang ilang mga buwan tuloy tuloy parin ang pag lago ng negosyo namin sa State. Patuloy paring kinukumusta ni Dad ang takbo ng negosyo at lage ko ring sagot ay ayos naman. Isang araw habang papauwi na ako galing sa trabaho nakita ko si Marcus na nasa labas ng gate. Kunot noo akong lumabas sa kotse at tinungo siya. “ What the hell are you doing here? ” galit kong tanong sa kanya. Pero ang totoo ang saya ng puso ko nong nakita

