IKA-LABING SIYAM NA PAHINA

2602 Words
• SIGN IN OR DIE IN • Nagising si Andrey ng mapansin niya na parang nasa sasakyan siya, kaya dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mata. Nakita niyang walang malay na nakasandal sa kanyang balikat si Reuhan na may nga pasa sa katawan at mukha. Hindi siya makapag salita dahil may tape ang kanyang bibig. Pumikit siya ulit tsaka pinakinggan lang ang takbo ng sasakyan. Naisip niya kong makakaligtas ba sila sa sitwasyon na ito. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Kung daw noon ay sa teleserye lang makikita ang kiddnapp-an ngayon sitwasyon na niya. Ilang saglit napansin niyang huminto ang sasakyan. “ Hoy! Gising na! ” yugyog ng isang kidnapper. Nag panggap si Andrey na nagising siya dahil sa yugyog nito. Tiningnan niya si Reuhan na kakamulat palang din. Pag ka baba nila sa Van ay ipinasok sila sa isang silid pag katapos ay tinanggal na ang tape na nasa bibig nila, pero nakatali silang dalawa. “ Jaan lang kayo ah! ” natatawang saad ng kiddnapper tsaka lumabas. “ Reuhan? Kumusta ka? Ayos ka lang ba? ” pag aalalang tanong ni Andrey. Nakatali silang dalawa sa upuan silbi nag katalikod silang dalawa sa isat isa. “ Hindi ba sinabi ko sayo na umalis ka? Bakit hindi ka nakinig? ” kunot noong tanong ni Reuhan, sa sitwasyong ito nanatili paring nakakalma si Reuhan. “ Ah iyon ba? Pasensya na, naalala mo iyong sinabi ko sa Mt. banahaw? ” tanong ni Andrey. [ FLASH BACK ] “ Ruehan? Kung ano man iyang hinahanap mo! Balikan nalang natin bukas! Dilikado na! ” pakiusap ni Andrey pero patuloy parin sa pag walis ng mga matataas na damo si Reuhan. “ Umalis kana Nikki! Susunod ako kapag nakita ko na ang hinahanap ko! ” ani ni Ruehan tsaka humakbang. “ Reuhan? Lumalakas na ang ulan! Ano ba! ” “ Iwan mo na ako dito! ” matigas na saad ni Reuhan habang tinititigan si Andrey. “ Kaibigan kita kaya hindi kita pwedeng iwan! ” sigaw ni Andrey sa gitna ng kulog at kidlat. Basang basa na ang dalawa. “ Ganito! Kapag iiwan mo ako dito, pag balik natin mag kaibigan na tayo! ” alok ni Reuhan. Tumigil sandali si Andrey at nag iisip. Marahil iyon ang ginawang pain ni Ruehan para iwan siya. Hindi marunong mag sinungaling si Reuhan kaya alam ni Andrey na totoo iyon. “ Hindi kita iiwan! Ang kaibigan pinapahalagahan hindi iniiwan. Ang pakikipagkakaibigan ay hindi inaalok binibigay iyan at tinanggap. Kaya kahit hindi kita iiwan dito mag kaibigan na tayo! I won't leave you! Oh baka mag tatanong ka kung saan ko iyong English sa tv lang iyon kaya halika na! Mag hahanap tayo ng masisilungan dahil dilikado na kong mag tatagal pa tayo dito sa labas. ” [ END OF FLASH BACK] “ Bakit gusto mo akong kaibiganin? ” walang emosyong tanong ni Reuhan. “ Nasagot ko na iyan nong tinanong mo iyan sa akin, pero uulitin ko ang sagot. Dahil gusto kong kulayan ang madilim mong buhay. ” sa Oras na‘to naibsan ng k’unti ang pag aalala ni Reuhan. Kung hindi siya nakita ni Andrey nong ipinasok siya sa Van hindi ito madadamay. May pag asang siyang tumakbo pero hindi niya ginawa kahit alam niyang dilikado. Isa na iyon sa pag papakita ng tunay na kaibigan na kahit alam nitong maaari siyang mapahamak sa kanyang gagawin, gumawa parin siya ng paraan para sa pag asang mailigtas niya ito. Maya maya ay may narinig silang yapak ng mga paa na papasok sa silid kong saad sila nakalagay. “ Kumusta! Ice? ” sabay silang nagulat nong makita nila ang Mastermind ng kanilang pag kakidnapp “ Mr. Sanchez? ” kunot noong tanong ni Reuhan. “ Hindi ba ikaw ang Ama ni Marcus? ” kunot noo ding tanong ni Andrey. “ HA HA HA HA. ” isang tawang demonyo ang binitawan ni Reymond. “ Ice? Balita ko ang ganda ng takbo ng kompanya niyo. ” huminto ito saglit tsaka tiningnan si Reuhan. Pareho sila ni Andrey na hindi parin maka paniwala sa nang yayari. “ Anong kailangan mo? Bakit mo ito ginawa? ” usisa ni Andrey, bigla namang bumaling ang mata ni Reymond nito. “ Sino ka? He! Alam mo kong hindi kalang nag magaling para iligtas si Ice, seguro hindi ka nadamay. Teka? Baka pera lang din ang habol mo kay Reuhan. ” nakangiting demonyong saad ni Reymond. “ Kahit kailan hindi ako uhaw sa pera kagaya mo! ” galit na saad ni Andrey. Biglang kumulo ang dugo ni Reymond tsaka sinampal ito ng pag ka lakas lakas. Mas Lalo itong nainis nong tumwa ng bahagya si Andrey. “ Anong tinatawa mo ha? ” “ Tsk! Nagagalit ka? Hindi ba tama ako? Kung hindi ka uhaw sa pero bakit mo kailangan na ipa kidnapped si Reuhan? Anong rason? Gusto mo lang bang maka usap siya? ” taas kilay na saad ni Andrey. “ Ayoko ng patagalin ang usapan na ito! Pirmahan mo ito! ” sabay abot sa papel. “ Para saan iyan? ” kunot noong tanong ni Reuhan. “ Kung pipirmahan mo ito, makakalabas kayo dito ng buhay. ” “ Paano kong ayaw niya? ” “ Bang bang. ” nakangisi na saad ni Reymond. “ Hindi ako pipirma. ” malamig na saad ni Reuhan. “ Oh! Pinapakitaan mo ba ako ng walang kwentang ugali mo?! Alam mo iyan talaga ang ipinag tataka ko hindi naman ganyan ang Ama mo, pero bakit parang ang sama ng ugali mo! ” “ Kilala mo ang magulang ko? ” kunot noong tanong nito nag baba sakali na sagutin ito ni Reymond, pero tawa lang ang isinagot nito. “ HA HA HA, ang dami mong tanong pirmahan mo nalang ito. ” galit na saad ni Reymond tsaka ibinigay ang ballpen kay Reuhan. “ Kahit patayin mo ako hindi mo makukuha ang Ari arian namin! ” matigas na saad ni Reuhan. “ Gusto no ng mamatay? ” tsaka hinampas ng makapal na kahoy ang katawan nito. “ REUHAN?!!!!!!! ” gulat na sambit ni Andrey tsaka tinignan ng masama si Reymond. “ Oh? Anong tiningin tingin mo? ” “ Wala kang kwentang ama! ” saad ni Andrey na ikina kulo ng dugo ni Reymond tsaka hinampas din ang katawan nito. [ CHANGE POV ] Kinabukasan.. “ Tita, huwag po kayong mag alala kumikilos po ang kapulisan at patuloy silang tatawag kapag may update na. ” saad ni Calli kay Carol. Kaagad na kinuntak ng kapulisan ang pamilya ni Andrey sa nang yari kaya kaagad na lumuwas ito kasama si Roben at ang Ina nito. “ Nag aalala na ako sa Anak ko ija, paano kong may masamang mang yari sa kanya? ” tumutulo parin ang luha nito. Sino ba namang Ina ang hindi mag aalala sa isang anak. Kaisa isang anak nito si Andrey kapag nawala ito sa kanya, ano pang silbi ng buhay niya. “ Carol anak? Kumain ka muna. ” binigyan ito ni Nanay Edna ng lugaw. Nasa bahay sila ni Calli ngayon kasama sina Marcus at Andrew. “ Mamaya na Lang Nay. ” tanggi nito. Ilang saglit ay lumapit si Andrew at Marcus sa gawi ng mga ito. ” Nanay Carol kumain po kayo. ” saad ni Andrew tsaka nag paalam na kinuha ang lugaw sa kamay ni Nanay Edna. “ Alam niyo po ba na ayaw ni Andrey na magutom ang mahal niya sa buhay? Lalong lalo na po ikaw. ” pag sasalita ni Andrew. “ Alam niyo po Nanay Carol? Nong bagyo nang yari nong nakalipas? Malakas niya iyong hinarap ang tapang niya ‘dba? Tsaka alam niyo po iyong pinaka ayaw niya sa lahat? Iyong may mag aalala sa kanya. ” “ Hindi ko kayo masisisi kase Ina po kayo, pero kong nag alaala tayo sa kanya, mas nag aalala siya sa atin, kase ayaw niya po na may nag aalala sa kanya eh. ” marespetong saad ni Marcus. “ Tama po siya Nanay Carol. Ayaw ni Andrey ang may mag aalala sa kanya, kaya kumain na po muna kayo. ” saad ni Andrew tsaka nag paalam na kinuha ni Andrew ang lugaw na nasa kamay ni Nanay Edna. Lahat nag aalala sa nangyari, mga papaano na nasa kanilang isip, paano kong hindi na nila makita si Andrey? Paano kong may masamang mangyayari kay Andrey, paano silang maiiwan? Paano si Carol? Paano si Nanay Edna? Paano si Marcus, Andrew at si Alfie, lalong lalo na si Calli na kunting panahon palang niyang nakakasama si Andrey. Iyon naba ang huli nilang pag kikita? • Andrey POV • “ Pipirmahan mo? O katapusan mo na! ” galit na saad ni Reymond, mula kagabi hanggang ngayon pinipilit niya paring papapirmahin si Reuhan sa hindi ko alam kong anong klaseng papelis pero ang alam ko importante iyon para sa Papa ni Marcus. “ Tumigil kana! Hindi siya pipirma! ” sigaw ko sa kanya, naaawa na ako kay Reuhan dahil bawat tanggi niya sakit ng katawan ang natatanggap niya. Bigla akong na pa ngiwi ng sinikmuraan ako ng Isa niyang tauhan. “ Matapang kalang dahil may tauhan ka! Pakawalan mo ako dito at mag tutuus tayo!! ” nanggigiitan kong saad pero para lang akong bata na kinaiinisan ng isang ina, at dahil sa inis sinasaktan. “ Tama na! Pakawalan mo siya at pipirma ako. ” bigla akong napalingon sa sinabi niya. “ Anong pinagsasabi mo Reuhan? ” kunot noo kong saad sa kanya, hindi niya pwedeng gawin iyon. “ Hoy! Nakikinig kaba?! ” nag aalalang kong tanong. “ Gaano ba ka importante sayo ang lalaking ito at kaya mong ipag palit ang lahat ng kayamanan mo?! ” nag tatakang tanong ni Reymond sabay tawa demonyo. “ Higit pa sa kayamanan. ” mas lalo akong kinabahan sa sinasabi ‘di ang ibig kong sabihin higit pa sa kanyang kayamanan? Anong meron sa akin? Isa lang akong mahirap na nangangarap na makapagtapos, tapos may isang tao na itinuturi akong higit pa sa kanyang kayamanan. Hindi ko mapagilang maiyak dahil hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon sa sinasabi niya, matutuwa ba ako? O magagalit! O hindi ko alam. “ Pakawalan mo na siya ng mapirmahan ko na iyan. ” mas lalo akong nasaktan sa sinasabi niya. Ano bang gusto niyang sabihin? “ Hindi! Reuhan! Ano ba! Kung kaibigan mo ako hindi mo ito gagawin! ” pinigilan kong umiyak dahil ayokong mapansin niya iyon. “ Ginagawa ko ito dahil kaibigan kita, Andrey? ” ano ba, nasasaktan na ako. “ Reuhan? Hindi mo ito pwedeng gawin! Akala ko ba mag kaibigan tayo?! Hindi mo kailangan na ipalit ang kayamanan sa isang tulad ko! ” “ Kung gagawin mo ito, at mapakawalan ano pang silbi ng buhay ko? Ano pang silbi ng buhay kong walang kaibigan na tulad mo! Tang Ina naman ohhh! ” naiiyak kong saad tsaka inilabas nalang lahat ng sakit ko tsaka sumigaw. Hindi ko alam kong ano iyong nararamdaman ko pero nasasaktan ako sa desisyon niya. “ Andrey? Kung hanggang dito nalang ang pag sasama natin, bigyan mo ng hustisya ang pag kawala ko Andrey tandaan mo. Segi na! Pakawalan mo na siya at pipirma na ako! ” matinik na saad ni Reuhan. Nag handa na ang mga tauhan ni Reymond para kalagan ako sa pag kakatali. Sana lang gagana ang plano ko. Hindi pwedeng ako lang ang makakalabas. Mag kasama kaming nakiddnap, dapat sabay kaming makakaligtas. Ang totoo niyan ay kanina pa maluwag iyong tali ng kamay ko. Nong makalapit na ito sa gawi ko, ay don ko na sinimulan ang nabuong plano sa isip ko. Bigla ko itong hinila sabay untog sa pader ang ulo. Alerto naman iyong ibang mga tauhan ni Reymond, tinignan ko muna si Reuhan saglit. At salamat sa diyos dahil nakaya niyang tanggalin ang tali sa kamay niya. Nakalimutan ko pala cops pala ang isang ito. Habang nakikipag bugbugan sa mga tauhan, ‘ di ko maiwasan na hindi matamaan sa mga malalaki nilang kamao. Estudyante lang ako anong laban ko sa mga ito. Ng tinignan ko si Reuhan hindi pa sila tapos ni Reymond sa pakikipag suntukan. Kaya ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa mga ito. Ilang segundo nang hihina na ako, wala ng lakas ang kamao ko pati na ang buong katawan ko. Sa tingin ko dito na mag tatapos ang lahat. Tunay na ba talagang kay ikli lang ng buhay? Kung ganon, masaya na akong kong hanggang dito nalang ako. Hindi ko man nakita sila Mama at Lola sa huling pag kakataon ng buhay ko. Nakasama ko naman ang isang tao na itinuturing akong kayamanan. Sana, sana sa susunod na buhay mag kaibigan parin tayo, at ang lahat mag sisimula sa inisan hanggang mauwi sa pag kakaibigan. Sayang nga lang at hindi na ako makakapag pa alam. Tinignan ko sa huling pag kakataon ang mukha ng kaibigan ko bago lumisan. Nakangiti ko siyang tinignan. “ NIKKI? ” sigaw niya tsaka ginawang panangga ang katawan niya para hindi ako matamaan sa isang mabigat na upuan. Nakita ko siyang napaduwa ng dugo, at ngumiti ng bahagya. “ */ ngumiti makakaligtas ka. ” saad niya tsaka pumikit ng dahan dahan. .// “ REUHAN!!!!! ” biglang napalingon si Reuhan dahil sa sigaw ni Andrey. Nasa gitna sila ngayon ng kagubatan kinagabihan. Pawis na pawis na bumangon si Andrey habang hinihingal na sinambit ang pangalan ni Reuhan. “ Reuhan.... Reuhan? ah....ayos...ayos ka lang? Anong.... anong nangyari? ” nahihirapang sambit ni Andrey habang hinawakan ang tiyan dahil sa mga pasa na natamo. “ Kumusta ang pakiramramdam mo? Ano iyong masakit? Kumusta iyong mga pasa mo? ” nag aalalang tanong ni Reuhan. Naguguluhan si Andrey na tumingin sa kanyang katawan dahil napalibutan ito ng mga dahon. “ Ano ito? ” tanong ni Andrey habang hinahawakan ang dahon na nasa kanyang kamay. “ Mga herbal na dahon ang mga iyan, mabisang gamot iyan sa mga pasa. ” pag papa liwanag ni Reuhan tsaka dinapo ang kamay sa noo ni Andrey. “ Ikaw? Iyong mga pasa mo? Bakit hindi mo nilagyan? Mas matindi iyong mga pasa mo. ” kunot noong tanong ni Andrey habang tumitingin sa mata ni Reuhan. “ Wala ito, mag pahinga ka lang jan mag hahanap lang ako ng makakain. ” saad ni Reuhan. Nang tumayo na ito kaagad hinanap ang ginawang tungkod, hindi pa man nakakalad ng mag salita si Andrey. “ Ah Reuhan? Paano ta- ” “ Mag pahinga ka muna, huwag kang aalis dito. Babalikan kita naintindihan mo ba? ” bilin ni Reuhan tsaka dahan dahan na lumakad habang naka alalay sa kanya ang tungkod na nasa kanang kamay niya. Hindi madali ang pinag daanan nilang dalawa, ang akala nila ay hindi na sila makakatakas sa impyernong lugar na iyon. Ga’yun paman kinaya nila ang pag subok na iyon, kahit kung tutuusin ay gusto na nilang sumuko ay kinaya parin nila para sa mga taong nag hihintay sa kanila. Habang sa banda ni Andrey ay ‘di niya parin maalala kung paano sila nakalabas sa lugar na iyon. Habang nag hihintay sa pag babalik ni Reuhan inaliw niya muna ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag lalaro ng langgam sa gilid ng punong kinalalagyan niya. “ Mabuti pa kayo dahil kahit saan mag punta mag kakasama parin kayo. ” pag sasalita, habang minsan ay hinaharang niya sa kanyang daliri ang tumatakbong langgam. Kung ikukumpara natin ang ating buhay sa langgam, mas maayos ang langgam kase sila bayanihan sila. Kung saan mag punta ang pinuno naron din sila, kung ano ang pag kain na dala ng Isa pag hahatian nila. At kung may madadapa, kinkarga nila ang mahalaga ay ang kanilang pag sasama. Kung ikukumpara sa buhay natin malayong malayo sila sa atin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD