• HIS KINDNESS • • Leo POV • " Lufi? Wala parin bang balita? kahit kunting lead lang? " tanong ko kay Lufi. Hanggang ngayon wala paring impormasyon na nakukuha ang mga kapulisan maski ang mga private investigator na kinuha ko wala parin silang nakuhang lead. “ Wala parin Uncle pero huwag kang mag alala patuloy parin kaming mag hahanap sa kanila, at pangako hindi kami titigil hanggat ‘ di namin mahahanap sina Ice. ” sagot ni Lufi. Saludo ako sa kanya dahil lahat gagawin niya para makatulong. Tumatanaw siya ng utang na loob kahit hindi ko man hiningi at kahit ilang beses kong sasabihin sa kanya na hindi ko kailangan ng kapalit sa pag tulong ko gumagawa talaga siya paraan para masuklian ito. “ Mag pahinga minsan Lufi huwag mong masyadong ilaan ang lahat ng Ora

