IKAWALONG PAHINA

2252 Words
•| ROBIX SENTIMENTAL VALUES |• •Andrey POV's• Nandito na ako sa SM City, mga sampung minuto din ang biyahe dito galing sa QC, hindi na ako pumasok sa loob dahil wala naman akong pambili, katunayan nag hahanap nga ako ng part time job para naman may silbi itong kakisigan ko. Maya maya ay may humintong magarang kotse sa harap ko kaya dumestansiya ako nang kunti, biglang bumukas ang bintana sa passenger seat at nakita kong si Ruehan ang nag drive. “ Pumasok ka! ” saad niya kaya binuksan ko ang backseat nang kanyang sasakyan pero nag salita siya muli. “ Sa passenger ka ” tsk! Ba’t sa passenger pa eh pwede namang sa backseat */pout. Pumasok na ako sa passenger seat at ikinabit ang seat belt. “ Ahm Ruehan ‘yong sinabi ko sayo kahapon? Pase- “ Tumahimik ka ” walang emosyong saad niya, ang lamig niya talaga seryuso siyang nakatuon sa dinadaanan. Ang cool niyang tignan. Habang nasa biyahe naaliw akong tingnan ang mga malalaking building bawat madadaanan namin, ‘di ko na kinulit si Ruehan at baka mawala pa siya sa mood. Ang ganda nang tanawin dito para akong toresta na sinusuyod lahat nang lugar. Ilang minuto pumasok ang sasakyan ni Ruehan sa isang malaking condominium. “ The Arton ” basa ko sa pangalan ng condominium, ibig sabihin dito siya nakatira? Sa isang pinakasikat na condominium sa Quezon city? Pagka baba namin ay agad na kaming pumasok sa elevator, pinindot niya ang labing dalawang palapag at pumapaitaas na kami, alangan naman paibaba. “ Ruehan? hindi ka ba nahihilo? ” tanong ko sa kanya tiningnan lang niya ako, nakaramdan kase ako nang kunting hilo seguro dahil nababaguhan pa ako. Pag labas namin sa elevator pumasok siya sa room 223 seguro ito na ang condo niya, sumunod na ako sa kanya. Pagkabukas ko sa loob napaduwa ako sa ganda, para talaga siyang bahay at ang mga bagay na nakakabit sa bawat lugar pakiramdam ko napakahalaga sa kanya. Nakita kong inilagay niya ang maliit na robix sa isang napakagandang Aquarium, inilagay niya iyon kung saan pinaka unang makikita nang tao. Ano kayang meron sa bagay na iyan at ayaw niyang ipahawak sa iba. “ Sir Ruehan? Dumating na kayo, teka ngayon ka la- “ Ikuha mo siya nang maiinom ” walang emosyon niyang saad tsaka pumasok sa kwarto niya ata. Hayst nakakabagot sa bahay na ito, wala man lang malilibangan */ pout. “ Sir heto napo ” inabot ni Manang sa akin ang isang basong tubig, ngumiti ako at nagpapasalamat. Maya maya ay lumabas na si Ruehan sa kwarto, may dala siyang laptop at tsaka umupo sa sofa. “ Umupo ka ” utos niya kaya umupo na ako sa tabi niya, pero malaking pwesto ang pagitan namin at baka titigan na naman niya ako nang nakakamatay */ pout. “ Ahm Ruehan? Ikaw lang ba mag isa dito bukod kay Manang? ” tanong ko sa kanya pero tumingin siya sakin na nakakunot noo, seguro nadaldalan na siya sa akin. “ Ah HAHA ano na nga iyong unang hakbang nating gagawin? ” “ Akin na notebook mo! ” saad niya pero ‘di nakatingin sa akin, nakatutuk lang siya sa laptop at hindi ko alam kong anong mga tina-type niya. “ Huh? Bakit notebook ko? Meron ka naman non ” reklamo ko sa kanya kaya tinignan na naman niya ako nang masama. “ Ah AHAH heto! Heto! ” pag abot ko sa kanya ng notebook ko. Kinuha niya Ito at nag umpisa nang mag sulat. Tinignan ko lang siya habang nag susulat, wala parin siyang emosyon paano niya kaya nakakaya na hindi tumawa. Ilang minuto ang nakalipas nakaramdan ako nang antok kaya bahagya kong ipinikit ang mata ko. Nagising ako dahil naalimpungatan ako, nagtaka ako kong bakit nakahiga na ako samantalang kanina nakasandal lang akong natutulog. Dahan dahan akong bumangon at nakita kong si Ruehan na naka focus parin sa laptop at patuloy na nag susulat. “ Ahm Ruehan? Pahinga ka muna, kung gusto mo ako nalang mag sulat niyan ” saad ko sa kanya, Oras na din seguro mula nong nagsimula kami, wala siyang pahinga baka pagod na ang kamay niya sa pag susulat at baka masakit na rin ang mata niya sa kakatitig sa laptop, grabe ang radiation ng mga gadgets Lalo na sa laptop. Kaya hindi pwedeng mag tagal kung gagamit ka nito, dahil maari itong ikasanhi nang paglabo nang mata. Inabot niya sa akin ang notebook sabay sabi: “ Tandaan mo ‘yan lahat dahil iyan ang mga sasabihin mo sa report natin bukas ” nakangiti akong tumingin sa kanya habang kinuha ang notebook ko. “ Kung may gusto kang idagdag isulat mo lang” dagdag niyang ani. “ May nakakatawa ba sa sinabi ko? ” kunot noo niyang tanong sa akin. “ Ah hindi naman! Katunayan nga ngayon ka lang nag salita nang ganyan kahaba ” Ani ko, grabi ba’t ba ang tipid niyang mag salita may limitasyon ba ang words na bawat ibibigkas niya at ganon nalang siya katipid kong mag salita. Tinignan ko na ang mga isinulat niya, bahagya akong nagulat. “ Ang taas naman nito Ruehan, matatandaan ko ba 'to lahat bukas? ” nakakunot noo kong tanong. Hindi siya tumingin sa akin bagkus ay nagpatuloy siya sa pag ta-type. “ Balak mo ba akong patakbuhin pagka Presidente? ” ang taas nang sasabihin ko, pag ako hindi matandaan lahat nang isinulat niya dito sa notebook, gagawa talaga ako nang sarili ko speach AHHAHA. “ Pero Ruehan ah! Ang ganda nang sulat mo” masaya kong ani at tumutok na sa notebook. “ Ahm Ruehan? May Itatanong ako ” pangunguna kong saad, kanina pa kase kami tahimik mukhang seryuso talaga siya report namin bukas. “ Basahin mo iyan ” tsk! Palibhasa nasanay ka nang tahimik eh pano naman ako? */Pout. Binasa ko ang mga isinulat niya at dahan dahang inintindi. May mga dinagdag din ako ayon sa naiisip ko. “ Anong pangalan nang grupo natin? ” bigla niyang tanong, kunwari nag iisip pero wala akong naisip talaga, sabog na sa kababasa nang English kulang nalang duduguin na itong ilong ko. “ Ikaw na bahalang mag isip ” saad ko at tumingin uli sa notebook. “ Wala akong naisip ” “ Hayst grabe naman kong wala kang nai- Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tinignan niya ako na walang emosyon medyo nakakatakot iyon. “ Ah oo sabi ko nga, mag iisip ako nang magandang ipapangalan ” ano kayang magandang ipapangalan? “ Ah combination kaya nang pangalan natin? Pano kong Stephan? O dba? Galing ko ano! ” saad ko sa kanya, hindi siya kumibo seguro ayos lang sa kanya. ~ Kumuha ako nang tubig sa kusina nang madtnan ko si Manang. “ Ahm Manang? May Itatanong lang ako sayo ” saad ko, inilagay ko muna sa lamesa ang tray na hawak ko, ikinuha ko na rin si Ruehan dahil alam kong napagod siya kahit ‘di niya sabihin. “ Ano po iyo Sir? ” “ Ah Manang? Andrey nalang po AHAHAHA” ani ko habang nakangiti sa kanya. “ Ano ba iyon Andrey anak? ” nakakalambot sa puso iyong tipong tinatawag kang anak kahit 'di mo ka ano ano o kadugo. “ Ahm Manang Fee? Tungkol kanina? Iyong pag pasok namin ni Reuhan ,iyong sinabi niyo po ” tanong ko, sinabi na ni Manang Fee ang pangalan niya kanina lang. “ Ah iyong naputol? ” “ Opo ” tugon ko naman sa kanya. “ Ah bahagya lang akong nagulat dahil ngayon lang siya nag dala nang tao dito, bukod sa Akin at sa Uncle niya, wala na siyang ibang dinadala pa dito ” Ani ni Manang Fee. Bakit kaya? Takot ba siyang mag karoon ng kaibigan? “ Ahm segi po ” nag paalam na ako kay Manang Fee at bumalik na sa gawi ni Ruehan. Hindi ba siya napapagod? Parang ako iyong napagod sa ginawa niya, ‘di ba siya marunong mag pahinga? “ Ahm Ruehan? Ito tubig oh ” inabot ko sa kanya ang tubig pero tinignan niya lang ito, kaya inilagay ko ito ulit sa tray, tsaka niya naman ito kinuha. Tsk! “ Ruehan? Ako na mag sulat niyan ” ani ko sa kanya. “ ‘Wag na! ” saad niya at nag patuloy na sa pag susulat. “ Pero kanina ka pa nag susulat diyan, ‘di ka pa ba napapagod? ” tanong ko sa kanya pero ganon parin siya, patuloy pa rin sa pag susulat kaya kinuha ko sa kamay niya ang ballpen, at ang notebook inilipat ko rin sa gawi ko ang laptop. “ Nikki? ” kunot siyang tumingin sa akin. “ Ah HAHA ako na Ruehan! Alam ko napapagod kana ” nginitian ko siya tapos tumutuk na sa laptop. Ang taas pa ng susulatin kung hindi ko pa kinuha sa kanya ang ballpen mangangawit ang kamay niya, malamang mahihirapan siyang mag sulat bukas. Hindi siya marunong mag reklamo, wala din siyang emosyon kong mag salita, malamig siyang tao pero cool siyang tignan, malamang iyon ang nagustohan nang mga babae sa kanya. Habang patuloy sa pag susulat tumingin ako saglit ka Ruehan at nakita ko siyang nakasandal habang natutulog hawak ang kanan niyang kamay, malamang nangangawit na nga siya. Lumipat ako sa single sofa at inilipat ko din ang laptop, nilagyan ko nang unan ang itaas at dahan dahan ko siyang pinahiga, hawak niya parin ang kanang kamay niya, hindi ko nalang iyon ginalaw at baka ma isturbo pa ako sa pag tulog niya. Tinignan ko ang oras sa laptop at mag 11: 56 na, dumating kami kanina mga alas nuebe. Ganon siya kahaba nag sulat. ~ “Manang? Tulungan na kita diyan ” saad ko kay Manang, nag pahinga muna ako sa pag susulat dahil nangangawit na ang kamay ko, mababagot lang ako pag nakaupo lang ako kaya pumunta na ako sa kusina para makatulong kahit kunti. “ Ah naku ‘wag na! Mababasa kalang! ” nag huhugas kase nang pinggan si Manag Fee. “ Ay hindi po ayos lang, asikasuhin niyo nalang po iyong niluto niyo, baka magising si Ruehan at gugutumin iyon ” ani ko hindi na umangal si Manang Fee. Kunti lang naman ang platong huhugasan dahil sila lang namang dalawa ang kakain. Maya maya natapos ko nang hugasan ang mga pinggan, naka handa narin ang mga pagkain titignan ko lang kong gising na si Ruehan. “ Ruehan? Gising kana! Ahm ” ‘di na ako nakatapos nang dinaanan lang niya ako at umupo na sa hapag tsk kainis */Pout. “ Umupo ka ” utos niya sa akin, umupo siya sa pinakadulo at ako naman nasa gilid lang. Tumingin ako kay Manang Fee habang nakatayo lang sa gilid. “ Ah Manang? Ah eh samahan mo na kami dito ” pag alok ko kay Manang kase para saan naman iyong madaming upuan kong ‘ di gagamitin. “ Ah mauna na po ka- “ Sige na Manang ” hudyat iyon para pumayag siya, kaya umupo na si Manang. Maya maya natapos na kaming kumain at nag buluntaryo akong tumulong sa pag lilinis ng kinakainan namin. “ Ahm Manang may katanungan lang ako ” pangunguna ko habang nang huhugas nang pinggan. “ Ano iyon anak? ” tugon niya habang pinupunasan ang lamesa. “ Tungkol kay Ruehan, bakit siya ganon? Ang ibig kong sabihin bakit ganon siya kalamig? ” “ Ah alam mo hindi ito pwedeng malaman nang iba pero sige mukahang mapag kakatiwalaan ka naman. Ganito iyon, noon iyang si Ice napakasayahing bata niyan, marami siyang kaibigan at mga kalaro, lage din iyang ngumingiti at tumawata walang araw na ‘di mo masisilayan ang maamo niyang mukha habang ngumingiti. Ngunit nag bago ang lahat nang mamatay ang Mama at Papa niya. Isang malagim na trahedya ang nangyari, na crashed ang Eruplanong sinasakyan nito pauwing pilipinas dahil sa kaarawan niya, mula noon hindi na kailanman nagpakita ng ngiti si Sir Ice, lahat nang ipinapakita niya noon kabaliktaran na ngayon. Naawa ako kay Sir Ice dahil hanggang ngayon ‘di niya parin nakalimutan ang trahedyang nang yari noon ” mahabang lentinya ni Manang Fee. Kung ganon, napakasakit pala nang nangyari sa nakaraan niyang buhay. “ Manang meron pa po, iyong maliit na robix na inilagay niya sa Aquarium, bakit niya po iyon nilagay don? Gaano ba kahalaga sa kanya ang bagay na iyon? ” tanong ko uli. “ Ah iyong bagay na iyon, iyon sana ang ibibigay nang kanyang magulang sa kanya, kung hindi nga lang nangyari ang trshedyang iyon. Mahilig si Sir Ice sa mga masi simpleng bagay kaya iyon seguro ang naisipan nang kanyang magulang na iregalo. Kaya ganon nalang ka importante ang maliit na bagay na iyon sa kanya, itong nga bagay na nakikita mo? Lahat iyan mga regalo nang kanyang magulang noon ” sagot ni Manang, ah kaya pala nong pag pasok ko sa bahay napansin ko kaagad na may halaga ang bawat bagay na nasa loob nang bahay niya. “ Ah salamat Manang mauna narin ako, pakisabi nalang kay Ruehan na umuwi na ako at mag gagabi na rin kase ” nag paalam na ako kay Manang pag katapos ay kinuha ko na ang mga gamit ko sa sofa at inilagay sa loob ng bag. “ Ihahatid kita ” bigla akong napalingon nong nag salita siya sa likod. “ Ah hindi na HAHAHA kaya kong umuwi mag isa ” tumanggi ako sa alok niyang pag hatid sa kanya dahil alam kong pagod siya. Pero ‘di siya nakinig at nauna nang lumabas. Kahit na masungit iyon mabait pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD