IKA-SAMPUNG PAHINA

2417 Words
•| BEACH |• “ Hoi bilisan mo jan Andrey nag dadasal ka pa jan? ” may inis na sambit ni Alfie kay Andrey. Sabado ngayon at napag pasyahan ni Calli na pag bigyan ang kahilingan ni Andrey na kapag may oras mag b-beach sila. “ Heto na nag mamadali ka? Gusto mo ng lumangoy? Para kang isdang nahihiwalay sa dagat! ” nakakunot noong saad ni Andrey pero may halong pang iinis. Napa ngiti nalang si Calli sa mga inasta ng dalawa parang bata na nag aagawan ng lollypop pero sa huli walang nakatanggap kahit isa. “ Tara na! ” nanuna nang pumunta sa parking lot si Calli at sumunod naman sina Andrey at Alfie. “ Bilisan mo kase! ” ganon parin ang expression ni Alfie habang sinasabi ito kay Andrey, hindi nalang ito nag salita at pumasok na sa back seat. “ Saan ang punta natin? ” nakangiting tanong ni Andrey habang sumasandal. “ Baseco Beach ” tugon ni Calli habang tumitingin sa front mirror. “ Malayo ba iyon? ” “ Hindi mga 49 minutes lang seguro ‘di naman masyado ” bored na saad ni Alfie. “ Ahh okay matulog na muna ako ah ” nag paalam siya na matulog dahil nakaramdan siya ng antok. 1 hour later..... • Andrey POV • Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong huminto ang sasakyan dahan dahan ko namang minulat ang mata ko. Bakit wala sila sa sasakyan? Hala! Baka nademonyuhan ni Alfie si Calli at iniwan na ako dito, tsk! Kahit kailan talaga! “ Hoi Andrey bumaba kana jan ang ganda ng tubig ” nagulat ako ng biglang nag salita si Alfie sa bintana ng kotse, katunayan ngayon lang siya naging ganito sa akin mhe. “ Eh tulungan mo muna ako sa pag bubuhat ng gamit! ” saad ko sa kanya habang bumaba na ng sasakyan. “ Oh segi akin na iyang iba! ” inabot ko sa kanya ang ice backet at ang mga toper wear pati na ang mga prutas, nauna na siyang pumunta sa pwesto at sumunod na ako matapos kong kunin ang iba pang mga gamit. Hindi ko maisip minsan na mag kakaroon ako ng pamilya dito sa Manila, at may mga bagong kaibigan. Hmmm ang isang iyon, kahit ayaw niya kaibigan ko na siya. “ Andrey tulungan na kita ” nag alok ng tulong si Calli pero tumanggi ako, kaya ko namang buhatin ito, ang gaan gaan nga lang eh. “ Ah segi ingat sa pag lalagay ” bilin niya. Maingat kong inilagay ang mga gamit na dala ko. Ibinuklad ko ang mahabang kumot at ipinatong ang mahahalang bagay tulad ng mga lalagyan ng mga pag kain. “ Tapos na Calli umupo kana ” Ani ko at inilalayan siya pa upo. “ Salamat Andrey ambait mo talaga ” sinuklian ko naman siya ng ngiti, mabait sila sakin kaya dapat ako di sa kanila, kahit ganon iyon si Alfie alam ko namang nag kukunwari lang siya na naiinis sa akin at alam ko balang araw mag sasawa din iyon AHAHA. “ Andrey? Halika na ano pang tinatabi tabi mo diyan kay Calli? Halika na! ” sigaw ni Alfie mula sa dagat. Hay naku. Ta's pa ayaw ayaw pa nong nabanggit ko nong nakaraang araw na mag b-beach kami. Tsk!*pout. “ Hoy? Andrey lika na! ” hinapit niya ang kamay ko at itinulak sa dagat. “ Yw! Ang lamig hoooo baliw kaba? ” dahil sa gulat ko hindi ko alam na napataas na pala ang boses ko, nagka tinginan na ang mga tao sa'kin. Tinampal ko ng mahina ang bibig ko sabay sabi ng; “ Ah HAHAH paunmanhin po ” yumuko ako sa bawat mga matatandang naabala ko dahil sa laki ng boses ko, kainis kase itong si Alfie. “ Alfie? Napahiya tuloy ako ” nakanguso kong saad tsaka lumundag sa dagat. Nasa hanggang leeg lang kami, kase una hindi ako marunong lumangoy, pangalawa, hindi ako marunong lumangoy pangatlo, hindi ako marunong lumangoy, iyon lang. “ Ay sus HAHAHA bakit? ‘dba ikaw naman ang may gusto nito? HAHA ” natatawa niyang saad at sinabligan ako, kainis naman oh! Syempre mag papatalo ba ako? Idi sabyagan na AHAHA. • Ruehan POV • “ Ice? Hindi ka ba sasama? ” tanong saken ni Uncle Leo. “ Saan ang punta mo Uncle Leo? ” tanong ko, tinutupi ko ang mga damit ko na nilalabhan ni Manang Fee. “ Hindi ka ba nababagot? Kung hindi ka nag tutupi ng mga damit mo nililinisan mo ng paulit ulit ang mga bagay na nereregalo sayo ng magulang mo, kung hindi naman nag babasa ka ng mga artikulo tungkol sa cops, wala ka na bang ibang gagawin? ” mahabang saad ni Uncle, tama si Uncle iyan ang mga ginagawa ko sa bahay, ano bang magagawa ko ito na buhay ko noon maging ngayon. “ Ayos lang ako Uncle hindi ako nababagot dito, tsaka ayos na ako sa mga ginagawa ko ” tugon ko, ipinasok ko na sa cabinet ang mga damit tsaka umupo ulit. “ ‘Wag mong ikulong ang sarili mo Ice, matanda kana! Mahirap kalimutan ang mga nang yayari noon, pero kung patuloy mo iyang kikimkimin mag aantay ka nalang kong kailan ka lulubog ” “ Tanggapin, magpalaya ” iyan ang mga salita na hanggang ngayon ay dala dala parin sa puso ko. Ang mga salita na itinuro nina Mama at Papa sa akin bago sila kinuha sa buhay ko. Gusto kung sundin ang mga iyan pero paano kong hindi pa kaya ng puso ko na tanggapin ang lahat, paano kong hanggang ngayon ay nananatili parin ako sa nakaraan. “ Ice? Marunong kang tumanggap at marunong kang mag paraya dahil iyan lang ang paraan para makamtan mo ang tunay na kahulugan ng salitang kalayaan ” sabi ni Uncle at lumabas na sa silid ko. Kalayaan? Kailan ko ba tunay na makakamtan iyan hindi ko alam kong paano, kahit alam ko ang mga hakbang na gagawin, ang kalayaan para lang sa mga taong nakakulong hindi para sa katulad kong napag iwanan na ng panahon. Hindi ako katulad ng iba, marami silang kaibahan hindi ko alam kong tao pa ba ako na nabubuhay sa mundo, o tao na nabubuhay lang sa likod ng anino ng nakaraan. Dito sa bahay, wala akong ibang makakasalamuha kun'di ang mga bagay na pinapahalagahan ko, sa labas magulo, maingay tsaka minsan makakasalamuha ang mga masasama, dito! Walang gulo, tahimik, oras lang ang kakumpitensya ko. Ang mabuhay at ang humihinga ay sapat na para sa taong katulad ko. • Calli POV • Mula nong nakaraang taon na mga hindi magandang naganap o mga nangyari. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging masaya, sa pag kakataong ito parang natanto ko na ang saya pala kapag may taong nag papasaya, hindi iyong puro problema lang ang inaalala. Sa nakalipas na mga buwan mula nong nakilala namin si Andrey may mga bagay na unti unting nababago, makulit siyang tao pero totoo, masayahin at parang walang iniindang problema na para bang hindi siya takot sa hinaharap kong ano ang mangyayari. Sa kanya gusto lang niyang may ngiti ang bawat araw na dadaan. Sa kanya ko lang din minsan natutunan na tawanan ang problema at ‘wag problemahin ang problemang wala namang sulosyun. “ Calli? Si Alfie oh! Tinalsikan ng buhangin ang mata ko! ” pag susumbong ni Andrey na parang bata, isa din ito sa nagustohan ko sa kanya ang pagiging asal bata niya. “ Alfie? Makakasakit ka ng mata! Kumain na kayo dito! ” munting saad ko at hinanda na ang mga Plato at kutsara na gagamitin. Dalawang taon ang pagitan namin ni Alfie ganon din si Andrey, kaya kong minsan gusto ko silang alagaan na parang kapatid ko. Munting anak lang ako ng magulang ko kaya ganito seguro ang mga ginagawa ko HEHEH. “ Calli? ‘wag mong bigyan ng sinigang si Alfie ah akin lang iyan lahat ” natatawa niyang saad, una unahan lang silang dalawa sa pang iinis. Kahit sa kusina kapag nag luluto ako ng sinigang para silang mga bata na nag aaway kung sino ang hindi bibigyan o bibigyan. Ngumiti ako bago nag salita ” Alam niyong dalawa para kayong aso‘t pusa, kumain na kayo malamig na ang sinigang dahil maaga ko iyang niluto kanina ” sambit ko at nilagyan ng tig iisang bandulang sabaw at tsaka manok ang kanilang lalagyan. “ Ayos lang Call! Masarap naman kahit na malamig na! ” humigop ng sabaw si Alfie, ganon din si Andrey. Nakita kong kumuha ng isang bowl si Andrey at kinuha sa kamay ko ang sandok tsaka sumandok. Matapos ay binigay niya sa akin iyon. “ Kumain ka din Calli! Mahirap na baka maubos ito ni Alfie “ “ Oh ba't ako? Eh nong nakaraang araw sino bang umubos sa sinigang na gawa ni Calli? Eh dba ikaw? ” sumbat nito kay Andrey. Ayos naman sakin na maubos nila lahat ang importanti nakakain lahat. “ O siya! Tumigil na kayo! Mamaya iinit na ang puwesto natin ” nakita kong papataas ng papataas ang araw kaya madaling uminit sa puwesto namin walang kahoy na humaharang sa init. “ Lilipat tayo don! ” sabay turo ni Andrey sa may kahoy. “ Oo HEHE tiyak akong hindi na tayo maarawan niyan ” tugon ko at humigop ng isang kutsara. Ang lumabas kasama nilang dalawa ang siyang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Ni ‘di ko maranasang ma excite sa bawat araw na dadaan. Pero nag iba nong dumating ang pinsan kong si Alfie lalong lalo na nong dumating si Andrey. • Marcus POV • “ Marcus? Sa susunod na araw ipapadala kita sa state! Doon kana mag aaral ng Business! ” ayan na naman si Daddy! Pinipilit niya iyong mga ayaw ko! Lalong lalo na ang pag kuha ng Business na hindi ko naman gusto! “ Dad? how many times can I tell you that I don't want to study bussiness, Doctor is the course I want, not bussiness!” nag pipigil akong sigawan siya, ayoko ng gulo at ayoko ng away lalong lalo na kapag siya ang kaharap ko. Kaya niyang kontrulin ang lahat, pero ayokong mag pa kontrol dahil ayokong masira ang buhay ko tulad ng nangyari sa Ate ko. “ No marcus! whether you like it or not you will study bussiness in the state! stamp that on your head! ” giit niyang saad, umalis ako sa harap niya dahil kung hindi ko iyon gagawin hindi matatapos ang alitan namin! Hanggat kaya ko pa siyang pigilan, gagawin ko ang makakaya ko! Dumeretso na ako sa kwarto ko at ni lock ang pinto. Gusto kong maging Doctor dahil iyon ang course na gusto ko! Ang mag ligtas ng buhay ang gusto ng kamay ko, hindi ang humawak ng mga papepilis. Ayokong sumunod sa tapak niya at ayokong maging gaya niya, kung business ang pag uusapan marumi siyang mag laro! Kaya niyang agawin ang investors ng iba minsan pinapatay niya ang ibang mag iinvest sa ibang kompanya, kaya kahit kailan ayakong maging kagaya niya. Nasusuka ako. Kinuha ko ang libro na nag lalaman ng mga alituntunin patungkol sa Surgeon! Ito ang hilig ko ang mag basa ng mga libro tungkol dito. Gusto ko kahit first year college palang ako ay marami na akong matutunan, at kahit pa tutol si Dady rito ipipilit ko parin ito dahil alam ko sa sarili ko na ito iyong gusto ko at hindi na mababago. • Alfie POV • “ Hoi Alfie? Ibangon muna ako dito parang may kung anong kumagat sa pwet ko! ” nag rereklamong saad ni Andrey. Sabi niya ilibing ko daw siya sa buhangin tapos ngayon nag rereklamo tsk. “ Bahala ka jan! Kanina sabi mo ililibing kita tapos ngayon nag rereklamo ka? ” kunwari naiinis ako pero ang totoo gusto ko ng bumahakhak sa tawa. “ Aray! Aray! May kumagat talaga Alfie ahhh!!!! Ibangon mo na ako ” hindi na ako makapagpigil at lumabas ang kademonyuhan ng bibig ko tumawa. HAHAHAHA “ CALLIIIIIIIIIIII TULONG!!!!!!!!!! ” sigaw ni Andrey kaya bahagya akong tumigil at tsaka tinignan ang paparating na Calli. “ Ibangon muna siya Alfie ” nag aalalang saad ni Calli habang tinitignan si Andrey. Ngayon ko lang ulit siya nakitang nag aalala sa isang tao, sana bumalik na iyong dating Calli. “ Segi na nga! ” binangon ko na si Andrey mula sa pag kakalibing sa buhangin. Tumawa ako ng tumawa ng may alimango talaga na naka kagat pa sa pwet niya AHAHA. • Andrey POV • “ Oh dba ang saya mo? ” nakanguso kong sabi tsaka nag kukunwaring nasasaktan. Bumalik kong saan ang pwesto tsaka umupo doon. “ Hoi Andrey sorry na! ” he! ngayon ko lang nakita si Alfie na humingi ng pasensya sa akin. Pakiramdam ko pamilya na ang turing nila sa akin. Ang mag karoon ng gaya nila ay isang malaking biyaya. “ HAHAHAH oii Alfie? Ngayon lang ata kita nakikitang humingi ng pasensya sa akin? ” “ Hindi ka nagagalit sa akin? ” kunot noo niyang tanong, naku! Babalik na naman ito at kunwari maiinis na namn sa akin. “ Tama na ‘yan tulungan niyo na akong hakutin itong mga gamit at mag gagabi na ” saad ni Calli at nag simula ng kumuha ng gamit pero bago pa man siya makalakad ay kinuha ko ito sa kamay niya. Ang mga prinsesa hindi ginagawang katulong. “ Ah Calli sa sasakyan ka nalang mag intay, kami na ni Alfie ang mag hahakot nito ” nakangiti kong saad tsaka tinignan si Alfie na naka wink. “ Oo nga Calli kami na dito ” tugon ni Alfie nag alinlangan pa sanang niyang ilagay ang mga gamit sa nasa kamay niya, pero tapos na ang pag alinlangan niya dahil kinuha ko na ang gamit sa kamay niya. ” Sige na Call! ” ~ “ May balita naba? ” tanong ng kanang kamay ni Leo. “ Meron na! Pero hindi pa nasiseguro kong siya nga ba ang dahilan sa pag kamatay nila Kuya at Ate Estila ” nanggigiitang sagot ni Leo. Matagal na siyang nag hahanap ng hustisya sa pag kamatay ng Kuya niya, dahil batid niyang hindi aksedente ang nangyari kun'di sinsadya. “ Anong gusto niyong gawin namin? ” saad ni Lufi ang kanang kamay ni Leo. Mahabang panahon na nagsisilbi si Lufi sa Ruehan family, ang Ruehan din ang dahilan kong bakit nasa magandang buhay ang pamilya niya. Pinaaral siya ng mga ito at pinagtapos sa magarang paaralan. Sa Adamson University. “ ‘Wag mo na kayong kumilos, pinamanmanan ko na siya sa mga private agent ko ”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD