Kim's POV Kinabukasan, niyaya ako ni Henry na pumunta ng ME since may check up din ako ngayon, sumama ako. Kakausapin nya daw kasi si Nicole. Ewan ko kung para saan. "Bakit ba kasi kailangan mo si Nicole?" Tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami. "May pinapasabi si Ace. Di ko din alam kung nasabi na nya kay Nicole." Sabi nito habang nakatingin sa daan. Tumango na lang ako at tumingin sa labas. Nagulat naman ako nang hawakan nya ung kamay ko. "May gusto ka bang kainin? Sorry. Maaga tayo." Sabi nya sabay sulyap sakin ng unti. "Hindi, Okay lang ako. Maganda din na maaga tayo para may magagawa pa tayo mamaya." Nakangiting sabi ko. Napangiti na lang din sya. Di naman magtagal nakarating kami ng ME. Agad kaming umakyat sa Department namin tapos nagpunta sa workplace ko. Sabi mo tatawagin

