Kim's POV "I'm sorry if I forgot to invite, Danica, Krystal and Camille. Sobrang kinabahan at sobrang tinago ko talaga kaya nakalimutan ko na silang yayain. Sabi ni Keith, may paunang lakad din naman daw si Camille kaya hindi na nya niyaya. Sorry." Sabi ni Henry habang nakaupo kami dito sa lamesa na pang dalawang tao. Nakaset up ung table na parang romantic candle light dinner. May mga petals sa gilid ng lamesa at may mga scented candles sa paligid nito, kahit ung lamesa meron ding mga kandila at may steak na nakaready dun. Sabi ni Henry si Sir Miggy daw ang nagluto ng steak dahil magaling daw magluto si Sir. Dito na kami dumeretso nung nagpaalam ung lima. Nagtalo talo pa sila kung sinong mag hahatid kay Nicole pero ung isa iniwan na sila habang nagtatalo talo sila, kaya ang ending wala

