Kim's POV Nagising ako na masama ang pakiramdam. Tinatamad akong pumasok... Ayoko tumayo at ang bigat ng pakiramdam ko. Kinapa ko ung sarili ko at mainit ako. "Kim." Tawag ng kung sino laya tinignan ko yun. "Okay ka lang? Anong oras na. Hindi ka papasok?" Tanong ni Nicole sakin. Ou, si Nicole. Isang linggo ng wala si Henry at andito na ko ulit sa apartment. Isang bwan din mawawala ung mokong na yun. Pero bago naman umalis eh, grabe namam talaga sya. Hindi ako tinigilan hanggang hindi umaalis. Hahaha. "Hindi, Nics. Nilalagnat ako." Sabi ko kaya naman mukha syang nag alala. "Hala sya. Love sick ba yan? Tingin nga." Sabi nya kaya kahit masama ang pakiramdam ko, hinampas ko sya na ikinatawa nya lang. "Mainit ka nga. Wait kuha ako gamot mo." Sabi nya at alam kong pupunta yan sa bag nya. D

