Kim's POV "So Kimberly, san ka nagtatrabaho, ija?" Tanong ng Mommy na bumasag sa katahimikan namin. "Sa Monticlaro Enterprise po." Maikling sagot ko. "Kila Miggy. Anong department at work mo dun?" Tanong ni Ate Vina. "Nasa Marketing Department po ako. Team Leader po ako. Kami po ang gumagawa ng Marketing Strategy ng dalawang Restaurant na hawak ng ME." magalang na sagot ko naman. "Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. What your family business, Ms. Kimberly? I guess you have business, since sa Aim High ka nagtapos. AHC is a prestige school. So i guess, you are from the family of middle class. Henry is now the President/CEO of our Company." Biglang sabi ng Grandma nya. Eto na nga ba tayo eh. Asan na ba si Henry sabi nya mabilis lang sya. "Ahm. Wala pong business yung family namin. Simple

