Chapter 1

986 Words
CHAPTER 1 Ang ganda niya,ngayon ko lamang nakita ang mukha ng babaeng ito,Anak kaya ito ni Senyor Eduardo?biglang kumilos ang kanyang imahinasyon,nasa isang napakagandang isla raw siya kasama ang babaeng na nasa larawan magkayakap at magkasugpong ang mga labi. Akmang ihihiga na nito ang babae sa malapad na bato na kanilang inuupuan ay biglang naglaho ito kasabay ng pagtawag ni Senyor Eduardo sa kanya.Akala ni Jayden ay totoo na magkayakap sila ng babaeng nasa malaking frame nakatingin parin ito sa kanyang direksiyon.Mr.Saavedra,tawag ng matanda kay Jayden. Salamat naman Senyor Eduardo at lumabas kana,kanina pa ako naghihintay sayo at ang mga tauhan ko rito.Ang tagal mo sa iyong silid!nakalimutan muna yata na ngayon ang araw ng iyong pag-alis sa bahay na'to?Ako na ang nagmamay-ari ng mansion na dati ay sayo Senyor,kaya makakaalis kana ngayon din?!ani ni Jayden sa ama ni Scarlett. Parang maamong tupa ang matanda,sa labis na takot na mawala sa kanya ang mansion at ang lupang kinatitirikan nito na minana pa sa mga ninuno ni Senyor Eduardo ay mabilis itong lumuhod sa harap ni Jayden.Animo'y pulubi sa ayos nito na hindi yata nadaan ng suklay simula ng matalo niya ito sa casino"Jayden,please bigyan mo pa ako ng kunting panahon upang makahanap ng perang ibabayad sayo,parang-awa muna minana ko pa ang mansion sa aking ama na ipinamana rin ng abuelo ko sa kanya.Kaya,napakahalaga ang bahay at lupa na ito sa akin,kunin muna ang lahat wag lang ang bahay ko nagmamakaawang sabi nito sa binata". "Ano paba ang kukunin ko sayo Senyor?"wala na akong makukha sayo dahil nasa akin na ang lahat ng iyong mga ari-arian kaya magbalot kana at umalis na rito kasama ang iyong mga kasambahay maliwanag ba Senyo Eduardo?akmang tatalikod na si Jayden upang makalayo sa matandang nagmamakaawa sa kanya,mahirap na baka maawa pa siya,kaya mas mabuti ng iwan ito.Mabilis namang kumilos ang ama ni Scarlett agad nitong iniyakap ang dalawang braso sa tuhod ni Jayden,hindi siya papayag na mawala ang lahat ng minana niya sa kanyang mga magulang,magsisi man ito ay huli na. Jayden please,maawa ka huwag na sa akin kundi para nalang sa anak ko,wala siyang kaalam-alam na wala na kaming pera at hindi rin alam ni Scarlett na nalulong ako sa paglalaro sa casino,maawa ka sa anak ko Jayden ani nito sa binata,isang linggong pagkukulong sa sariling kuwarto ni Senyor Eduardo ay malaki ang ipinayat nito at nangingitim pa ang talukap ng mata bunga ng walang humpay na pag-iyak . Kahit na nakadama ng awa si Jayden ay pinatigas parin nito ang puso niya,tuso siya at magaling sa lahat ng bagay lalo na sa larangan ng negosyo.Ang lahat ay may kapalit kaya ito na ang tamang-oras na makukuha niya ang kanyang gusto,ang magandang babae na nasa malaking frame ang gusto niyang kapalit sa lahat ng pagkakautang ni Senyor Eduardo.Di na niya kailangan ang kayamanan nito dahil mayaman rin siya katulad ni matanda ay galing rin si Jayden sa buena familia ang tanging tagapagmana ng pamilyang Saavedra na kilala sa buong Pilipinas ang mga nagtatayugang kompanya ng mga magulang ni Jayden na naiwan sa kanya. Hinarap nito ang ama ni Scarlett, at kunot-noong tinitigan.Seryoso kaba sa mga sinabi mo Senyor Eduardo?gagawin mo ang lahat wag ko lamang kunin sayo ang mansiong ito?! Nagkaroon ng pag-asa sa mata ng matanda,sa narinig mula sa binata.Oo,Jayden,kahit ano basta kaya ko. Sige,maari kung ibalik sayo ang mga ari-arian mong nasa pangalan ko na at hindi ko na rin babawiin sayo ang mansion at lupang kinatatayuan nito pero sa isang kondisyon....ibinitin ni Jayden ang huling sasabihin kaya si Senyor Eduardo na mismo ang nagpatuloy sa hindi mailabas na katagang nasa bibig ng binata.Anong kondisyon Mr.Saavedra?tell me,nang malaman ko ang ibig mong mangyari para di muna kunin sa akin ang pag-aari ko."Jayden look at Senyor Eduardo's face seriously",tinantiya nito kung papayag kaya ito sa gusto niyang kapalit.Well,gusto ko lang naman sabihin sa iyo na Siya ang kapalit ng mga ari-arian mo at ng mansion na ito,sabay turo nito sa larawan ni Scarlett na animo'y diyosa sa kagandahan.Biglang napahawak sa kanyang dibdib ang matandang Montemayor diyata't ang nag-iisang anak niya na si Scarlett ang gustong kapalit ng tusong binata. Hindi maari!!, Bakit ang anak ko pa Jayden?iba nalang huwag lang si Scarlett.Wala siyang alam sa pagiging sugarol ko,parang-awa muna Iba nalang ang hingin mong kapalit naiiyak na sabi ni Senyor Eduardo sa binatang Saavedra.Imbes na kaawaan ay tumalikod na ito upang umalis,pero bago yun nag-iwan ng salita si Jayden.Gusto ko bukas ng umaga wala kana rito sa mansion ko Senyor Eduardo,siyanga pala sa pag-alis mo iwan mo ang lahat ng bagay na pag-aari ko na pati na yang damit mong suot pagkatapos ay humakbang na ang binata palapit sa pintuan ng bahay.Labag man sa kalooban ng matanda ang gawing kabayaran ang anak ay wala siyang magagawa,sa piling ni Jayden magiging reyna ang kanyang anak dahil sa mayaman ang tumalo sa kanya sa casino.Bago pa tuluyang lumabas ang binatang Saavedra ay nagsalita si Senyor Eduardo,sige Jayden papayag na ako na ang aking anak ang kapalit sa lahat ng aking mga ari-arian na nasa iyo na.Pero gusto ko pakasalan mo siya bago kayo magsama,nagdiwang naman ang binata sa narinig kaya bumalik ito sa harap ng matandang Montemayor,Kasal?walang problema Senyor Eduardo,ibibigay ko sa anak mo ang pinakabonggang kasal na gustuhin niyo ani ni Jayden na may kislap sa mata nito habang kausap ang ama ni Scarlett. Samantala sa mga oras na yun ay hindi rin mapakali si Scarlett sa kanyang kinauupuan para bang may nagbabadyang panganib na darating,bigla tuloy niya naalala ang kanyang daddy,Oh,my God?wag naman po sanang may nangyari sa kanyang ama sabi nito sa sarili.Ang pangamba kanina ay napalitan ng ngiti ng makita ang pangalan ng nasa screen ng kanyang cellphone,ang Daddy Eduardo niya ang tumatawag,walang kamalay-malay si Scarlett na ipinagkasundo na siya ng ama kay Jayden na kaya tumawag ito sa kanya ay dahil papauwiin na siya sa kanila upang magawa na ang pagpapakasal nito sa anak na dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD