CHAPTER TWO: I LOVE---THIS DAY.

1032 Words
Mabilis niya itong sinundan saka siya humarang. Kumunot ang noo ng lalaki. "Where are you going?" bigla niyang tanong dahil namental block ata siya sa pagkakatingin sa kaniya ng binata. She can't explain but the way he look, it's so familiar to her. "Clinic," "Ah, right! Clinic," napayuko siya sa pagkapahiya. Bakit ba naman kasi sa dami ng pwedeng itanong niya iyon pa. Like duh, saan ba pumupunta ang mga studyanteng nasusugatan malamang sa clinic! God Barbie your so nakakahiya! Naalala niya ang panyo kaya mabilis niya itong kinuha sa bulsa ng palda niya at nilagay sa sugat nito. Bahagya pang nagulat ang lalaki sa ginawa niya. "Ahm, you know, this is the only way I can do," umiwas siya ulit ng tingin dito, hindi niya talaga kinakaya ang binibitawan nitong tingin. Para siyang napapaso at unti unting natutunaw. "What's your grade?" "Grade 12, section gold," "The left side there's a Mathay Hall Building, second floor, the right corner that's your section." Umalis siya pagkatapos iyon sabihin, sumunod sa kaniya ang isa nitong kaibigan. Tinapik siya ng isang lalaki, if she's not mistaken ito iyon sumagot sa tanong niya kanina. "Mathay hall building din kami first floor, puntahan kita mamaya para i-update ang kalagayan ni President," sabi nito sa kaniya at tinapik siya ng mahina sa braso. Nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi ng lalaki, dahil talagang nag aalala siya para sa lalaking mayabang na iyon na napag alaman niyang may pagkasuplado rin pala. Hindi niya alam kung para saan ang pag aalala na nararamdaman niya. Yes, may part talaga na makakaramdam siya ng pag aalala, dahil kahit hindi man aminin ng lalaki kaya siya nito hinila para maprotektahan. Pero iyong kabang nararamdaman niya ngayon ay kakaiba and she can't explain. "Sorry, what's your name?" She asked. Ngumiti ito sa kaniya gwapo ito, actually silang tatlo may kagwapuhan taglay. Pero yung lalaking suplado na nagligtas sa kaniya, may kakaibigan itong kagwapuhan na may kung anong humihila sa kaniya. "Malix Hans." Tumango tango siya at muling nagsalita. "Okay, Hans, thank you," nakangiti niyang wika na pinalitan din ng binata ng isang ngiti. Nagpaalam na ito sa kaniya na susunod sa dalawa nitong kaibigan na tinugunan naman niya ng pagtango. Katulad ng sinabing direction ni Reed ay sinunod niya ito, hanggang sa makarating siya sa room niya. Pinili niya ang pinakadulong upuan katabi ng bintana. Nakatingin lang siya sa labas habang nagmumuni muni sa mga nangyari sa kaniya kanina. Ang pag aalalang nararamdaman niya sa binata ay hindi pa rin nawawala, at ewan niya ba sa sarili niya kung bakit hindi siya mapakali. Hindi niya talaga maintindihan ang sarili ngayon. Maybe she's baliw na or mababaliw pa lang? Nahinto lang ang pag iisip niya nang dumating na ang teacher nila for first subject. As usually hindi mawawala ang pagpapakilala sa harapan, pinaka ayaw niya ang nagpapakilala sa harapan, kasi for what pa? sa kinatagalan naman magiging magkakilala rin silang mag ka-classmate. Nakikinig siya sa teacher ng makarinig siya ng sitsit na nangagaling sa labas. Tumingin siya sa labas at nakita niya si Malix, na nagtatago sa gilid para hindi makita ng teacher. "Hans!" excited na sabi niya. She's not excited because nakita niya ito, excited siya dahil ma-a-update na siya ng lalaki. Kanina niya pa ito hinihintay. "Okay na si President, hindi naman malalim ang sugat niya. Pero kailangan niya pa rin pumunta sa clinic araw araw pa malinis ang sugat niya," "Get your notebook and copy this." Kumuha siya ng notebook nagsalita siya para hindi mahalata ng teacher niya na may kausap siya. "Okay, thank you Hans." Nilingon niya ito saglit para ngitian. Nag salute lang ito saka umalis, sa narinig napanatag na ang kalooban niya. ---***--- Uwian na at feeling niya drain na drain siya, paglabas niya ng gate nakita na niya ang kotse ng Daddy niya kaya nagmamadali siyang lumapit dito at pumasok. "Hi, Daddy!" masaya niyang bati rito saka ito kiniss sa cheeks. "Hi Darling, how's your first day of school?" Natigilan siya ng makita niya si Reed inaayos nito ang helmet, kahit sa pag aayos napakaseryoso ng mukha ng binata. He don't know ba paano ngumiti? How about turuan niya ito? Malakas ang loob niyang titigan ang binata kasi she knew hindi siya nito makikita sa loob, because tinted ang rear window nila. Pero gano'n na lang ang pagbilis ng pintig ng puso niya ng tumingin ito sa direction niya, she's sure na hindi siya makikita ng lalaki, pero kung tumingin ito parang nakikipag eye to eye ito sa kaniya. Para bang alam ng binata na tinitigan niya ito. Mabilis siyang sumandal sa upuan dahil sa bilis ng pagtibok ng puso niya. Kahit anong pagpapakalma sa sarili ang gawin niya ay hindi pa rin nagbabago ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Maybe she's going to heart attack? Nooo! What's this all about!? Bakit gano'n na lang ang pagtibok ng puso niya!? So, many questions na kahit siya hindi niya mahanapan ng sagot. Tumingin siya ulit sa labas pero nagsusuot na ng helmet ang lalaki. Nakagat niya ang labi ng mapansin niya ang tagiliran nito, napaka stoic lang talaga ng mukha nito. Para bang hindi nito iniinda ang sugat. "Darling, are you okay? namumula ang pisngi mo naiinitan ka ba?" "Daddy, kapag ba nagkaroon ka ng utang dapat mo lang iyon bayaran right?" tanong niya at hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa binata. "Of course anak, and besides wala sa pamilyang Heartfilla ang hindi nagbabayad sa utang." Unti unti ng umaandar ang kotse nila pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin dito. "Right, I need to bayad him." Tumatango niyang sabi. "Bakit kanino ka may utang? saka bakit ka nangutang kulang ba allowance mo? You should call me," "It's okay Daddy, minsan may mga utang na hindi pera ang kailangan ipangbayad." Umiling iling ang Daddy niya na para bang na wi-werduhan ito sa kaniya. "You didn't answer my question, how's your first school?" Hinawakan niya ang rear window. "I love---" Umandar na ang motor ng lalaki nadaanan pa nga sila nito. Muli siyang sumandal saka pumikit. "This Day Daddy," pagdudugtong niya sa sinabi niya saka may matamis na ngiting gumuhit sa labi niya. ***** Ms.AuthorLovesU
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD